Day 2

1 0 0
                                    

Dear diary
Dec 28, 2020

Hi, kamusta kana?

Eto ako umiuyak parin sa gabi

Deleted na lahat ng ig post ko

Mahilig kasi ako magpost doon ng mga pagkain, DIY jewelry, yung mga picture ng pinsan ko noong baby pa

Deleted ko na lahat tapos black na yung profile ko doon

Hindi ko na kasi feel yung pic ko at yung mga post ko

Pati na rin sa twitter nilagay ko na png black

Nawalan na rin ako ng gana kasi lately dahil sa nangyayare sa mundo pati sa sarili ko

Ewan ko kung ako lang yung ganito

Yung naiiyak na lang bigla ng walang dahilan, nanood na lang ako ng running man para lng tumawa hahaha pampatanggal stress at luha
Maiiyak naman ako sa saya

Pinalitan ko rin pala yung DP ko sa FB kasama ng Vover photo ko ng blavk ayun issue na naman kay mama, delete na lng

Hindi ko rin kasi sinabi sa kanya na wala na kami, binati niya kasi si mama noong pasko, wlaa lang hindi ko lang feel na mag-open kay mama kasi hindi ko rin alam kubg paano ko sasabihin

Kung kailan naman tanggap jila yung jowa saka pa kami maghihiwalay

Naisip ko na rin magpagupit kasi masyado ng mahaba yung buhok ko alam mo yun new year new hairstyle hahah char lng

Gusto nya kasi yung long hair ko kaya ayoko na parang gusto ko na nga gupitin ngayon eh ahhaha kaso baka mapagalitan ako ni mama

Gabi na naman iiyak na naman ako

Hindi ko kasi maiwasan eh kahit nakikinig na ako ng rock music kusang tumutulo yung luha ako

Hinahayaan ko na lng

Siguro dahil sa sakit natutunan ko na rin umiyak ng walang sound tapos nakakatulog na ako agad

Gigising na mugto ang mata tapos sasabihin na lng kay mama na sobrang sarap ng tulog ko😞

Dear Diary ( my feelings )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon