CHAPTER 10:

144 45 2
                                    


Maverick's POV:

Nakita ko namang napatigil sya sa sinabi ko naghahamon tas sya naman yung hulog tss.

"Ano titignan mo nalang ba ako?" ngising saad ko na nagpatayo saknya

"Mag titimpla na nga ehh" singhal nya

"Ang bagal mo naman " saad ko pagkabigay nya ng kape

"Ikaw na nga tinimplahan ikaw pa may ganang mag reklamo" inis na ani nya din

"Tss" saad ko nalang saka na humigop kinabahan ako kanina kala ko magagalit si dad.

"Teka nga bat ba ako napili mong mapapangasawa?" tanong nya

"At bat mo naman na tanong?" balik na tanong ko

"Naguguluhan lang kasi ako bat ako saka bat kailangan mo ng magpakasal?" saad nya saka humarap sakin

"Dahil yun ang gusto ni dad ,ipapakasal nya sana ako kay trisha kaso hindi ko naman trip yun kaya sinabi ko na may girlfriend ako kahit na wala " seryosong saad ko

"At ako yung magpapanggap na ganun" saad nya tumango lang naman ako.

"Ehh sinali mo pa talaga ako sa mga ganyan mong problema nuh" inis na saad ko

"Tss kaya nga magpanggap ka dahil pag nalaman nya na mahirap ka ipapakasal nya ako dun at ayokong mangyari yun" singhal ko

"Bakit kasi gusto nyang ipakasal ka kay meagan?" tanong nya

"Simple lang.....Pera!" diin na saad ko

"Ganun ehh pano nga pag nalaman nya di lagot din ako" saad nya

"Wag kang mag alala ako bahala sayo basta makisama ka lang" saad ko

"So ibig sabihin peke lang yung kasal natin kung nagkataon" ani nya

"Hindi mahahalata nila yun" sagot ko

"Ano?!" sigaw nya para marindi na naman ako

"Kailangan talagang sumigaw nuh" inis na saad ko

"Divorce yun ang gagawin natin pag maayos na ang sitwasyon naintindihan mo na ba" iritang dagdag ko saka na tumayo

"Saan ka pupunta?" tanong nya saka tumayo din

"Tatayo lang ako may pupuntahan na , diba pwedeng naririndi lang ako sa mukha mo" singhal ko na dahilan para batukan nya ako

"Aray masakit yun!" inis na saad ko

"Pake ko!" inis na saad nya saka lalabas na sana ng hilahin ko sya pabalik

"At saan ka pupunta?" tanong ko

"Kung saan wala akong nakikitang panda na sunog!" sigaw nya saka na lumabas

"Arrgghhhhh!" sigaw ko saka na hinabol sya palabas

"Where are you going?" rinig kong tanong ni dad kay akhira pagkalapit ko saknya

"Ahh aalis na po sana" utal na saad ni akhira

"No hindi kapa pwedeng umalis may pag uusapan pa tayong tatlo" saad ni dad saka na pumasok

"Anong isasagot ko pano kung nagtanong sya?" tanong ni akhira

"Tara na ako na bahala basta wag kang sasagot kung dika sigurado sa sasabihin mo" ani ko saka na sya hinila

"Ano ulit pangalan mo i mean complete name?" tanong ni dad pag kaupo namin

"Akhira Galvez " biglang saad ko

"Hmm saan ka nakatira?" tanong ulit ni dad habang ang tingin ay naka'y akhira parin.

"Sa isang subdivision malapit samin dad" sagot ko na naman

"Hindi ikaw ang tinatanong ko maverick " seryosong ani ni dad

"Tama po sya dun po ako nakatira" pag sangayon na lang ni akhira

"So na saan ang parents mo?"

"Ahm ano hindi ko po sila kasama malayo sila sakin" saad nya na ikinalaki ng mata ko

"So nasaan nga sila?" diin na tanong ni dad

"Nasa company nila medyo malayo dito nakilala ko sya dahil nagbakasyon sya dito dad" sagot ko

"Oo ganun nga po" alinlangang saad naman ni akhira wag kang magpahalata tangina

"Hmm what are the name of your company?" tanong ulit ni dad

"Adriel Galvez's Company" sagot ko ulit

"Okay you may go" saad nya kaya naman tumango kami saka na lumabas at dali daling hinila si akhira papunta ulit sa office

"Muntik na tayo dun" mahinang saad ni akhira

"Huh" singhal ko saka na upo

"Pero teka wala naman akong company pano yun?" tanong nya saka umupo sa tabi ko

"You dont need to worry dahil yung sinabi kong company name meron talaga " saad ko

"Pero paano kung malaman nya na hindi sakin yun" alalang saad nya

"Nabili ko na yung company na yun so inshort akin yun ang kailangan nalang nating gawin ay ipangalan ko sayo yun" ngiting saad ko matagal ko ng pinag isipan to simula ng sinabi ni dad na ipapakasal ako sa babae na yun.

"Ang galing so may company na pala ako" ngising saad nya

"Tss tara na " saad ko saka na tumayo at lumabas na

"Teka lang!" habol na saad nya

"Act like a rich lady" bulong ko

"Kailngan paba yun?" simangot na tanong nya ng nakapasok kami sa elevator

"Yes magpapanggap ka nga diba" siring ko at buti naman tumahimik nalang sya.

THAT CEO IS MY FUTURE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon