CHAPTER 9: A battle

12 7 0
                                    


Savien Lhocy Roosevelt's POV


"They are monster!" ani Orvin.

Sumimoy ang amoy ng takot. Ang lakas at ang init sa pakiramdam nun. Kumakalat rin ang mabahong amoy ng mga halimaw na nasa aming harapan. Amoy na sobrang sakit sa ilong. Kaya naman ako'y medyo nahihilo sa baho hanggang sa magkaruon ng mga tuldok-tuldok sa aking paningin na unti-unting nagiging malabo.

Dahil sa kakaibang pang-amoy ko ay problema ang ganito sa akin. Nagulat na lamang ako nang may maramdaman ako sa balikat ko patungo sa aking ilong. Gamit ang gilid ng hintuturo ay tinatakpan niya ito upang pigilang maamoy ko ang nasa paligid habang nakaakbay ang braso niya sa aking balikat.

Napatingin ako dito at dun naman siya nagulat nang mapagtatanto ang kanyang ginawa. Napabitaw sya at napatungo habang namumula ang kaniyang tenga at bridge ng ilong. Napatingin ito sa kanyang bulsa at agad may kinuha.

He gives me his handkerchief. A black with white and red lines. Tinitigan ko lang yun nung una pero kalaunan ay kinuha rin at itinakip sa aking ilong saka ibinuhol sa likod ng aking ulo. Ngayon ay mas malakas na ang amoy ng may ari nito kumpasa sa amoy ng mga halimaw.

Muli ay ibinalik ako ang aking tingin sa dalawang kalaban. Pinag halong pula at kahel ang kulay ng balat ng isa-ang grook- habang ang kasama nya ay kulay abo-Azlo. Ang buhok nilang buhaghag na hanggang balikat ay kulay itim at ang sungay nilang kakulay ng kanilang katawan. Matitilos ang ngipin at maiitim ang mga labing puno ng kanilang laway.

For them, humans flesh is to die for.

"W-W-what the..." gulat at napapalunok pa si Wando habang nakatingin sa mga ito.

"Wag... kayong tatakbo." paalalang utos ni Shaun sa mga ito pero mukhang sobrang lakas na ng tibok ng puso nila para mapakinggan pa ang dapat gawin.

"Thi-This is bullshit!" at pag kasabi ulit ni Wando nun, kasabay ng pag-sang-ayon ng iba ay ang paggawa nila ng maling disisyon.

"Shit! I said don't run!" pero huli na si Shaun dahil nakatakbo na ang iba.

Nabaling ang atensyon ng Azlo sa mga tumakbo. Hinabol nya ang mga ito at agad naman syang pinatamaan ni Shaun ng apoy. Tumalsik sya ng pagkalayo-layo at bumagsak na putol na ang katawan. Tuluyang nakalayo ang mga kasama namin pabalik sa daang aming pinanggalingan.

Napukaw ang atensyon namin nang berdeng dugo ng kalaban. Sa ginawa ni Shaun kanina ay nag kalat sa paligid ang dugo nito. Ngayo'y para itong tubig na pinaiinitan dahil kumukulo ito at mukhang hindi iyon maganda.

*BOOOOOMMMM* Napa atras ako ng konti dahil sa pagsabog na iyon.

*BOOOOOMMMM* isa pa at sunod sunod na pagsabog na ang nangyari. Mga anim siguro ito.

Nang matapos at mawala na rin ang mga alikabok sa paligid ay dun namin nakita na nasa loob na kami ng isang Magic cube that made from electricity. It was all thanks to Aya.

Nawala ang Cube at muli naming hinarap ang dalawang kalaban. Buo na ulit ang isa at kami nama'y nag iisip ng paraan para mapatay sila. Napahakbang kami paatras ng tumalon ang Grook sa ere, umikot at nang bumuba sya, may pulang liwanag ang lumabas sa dalawa niyang sungay. It's like laser beam. Mahahati nito ang katawan ng kahit sino sa oras na tamaan ito nito.

Ang parte ng lupang tinamaan ay nawasak. Malalalim ang pagkakahukay nito kaya kailangang mag ingat para hindi mahulog.

"Anong gagawin natin?"sigaw ni Aya sa hindi kalayuan.

"Purgatory Fire!" Shaun chanted. His right hand was pionting the Grook while his left was clenched in anger.

Unti-unting nilamon ng apoy na nag mumula sa lupa ang katawan ng kalaban at nagsusumigaw ito na para bang pinapahirapan sya. Sa isang iglap ay bigla na lamang siyang sumabog. Hindi yun dahil sa ginawa ni Shaun kundi dahil mismo sa kanyang sarili.

LIFELESS MISSION! [Under major editing With Missing Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon