*cassette tape - play*
Ako si Clara. Bunsong anak nina Anita at Teodoro Flores.
Sa dalawampung-pitong taon kong nabubuhay sa mundo, wala akong ibang natanggap mula sa aking ina kundi pagmamahal.
Pito kaming magkakapatid ngunit ramdam naming lahat ang pantay niyang pagtrato sa amin. Wala siyang paborito.
Sa aming magkakapatid, alam kong ako ang pinaka-suwail dahil isa akong malaking sinungaling.
Lahat ng klase ng bisyo ay aking pinasok para lamang makatakas sa aking realidad.
Ngunit sa kabila ng lahat ng aking mga kasalanan ay paulit-ulit akong pinapatawad ng aking ina.
Desiplina. Ito ang kaniyang pangunahing turo sa amin.
Suporta sa lahat ng aming kagustuhan sa buhay.
At kalayaan.
Wala siyang ibang inintindi kundi ang bigyan kami ng maginhawang buhay.
Si ama lamang ang balakid sa aming buhay.
Itinaguyod kaming pitong magkakapatid ng aming ina sa kabila ng mapang-abuso naming ama.
Si ina ang sumasalo ng mga parusa at pagmamalupit ng aming ama.
Hindi ko lubos maintindihan kung bakit hindi nya itong magawang iwanan sa kabila ng lahat ng sakit na kaniyang nararamdaman.
Kapag kasama namin ang aming ina, hindi na namin kailangan ng tulong o kalayaan.
Dahil sapat na sa amin ang kaniyang pagmamahal.
*pabulong* Sa lahat ng aking sinabi, ang Ika-apat lamang ang katotohanan...
HUWAG!!!
*BANG!*
*cassette tape - stop*
Nang pinakinggan kong muli ang ika-apat na linyang sinabi ni Clara,
Doon ko napagtantong mali ang taong aming hinanap...
Hindi si Teodoro ang pumatay sa anim na biktima.
Huli na nang mahanap namin ang cassette tape na ito.
BINABASA MO ANG
Bahagi
KurzgeschichtenMahigit 7 bilyong taong nabubuhay sa mundo Bawat isa ay may kwento Mga maligaya at malungkot Meron namang may tinatagong sikreto Hayaan niyong ibahagi ko sa inyo Ang kanilang mga kwento.