Isang buwan na ang lumipas mula nung nangyari 'yon sa amin ng lalaking 'yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako bumalik sa bar. Hindi ko maiwasang isipin kung gaano ako katanga nung gabing 'yon.
Sa buong buwan, halos dito lang ako sa apartment. Lumalabas lang kapag paubos na 'yung pagkain. Parang naging routine na rin-gising, kain, iyak konti, nood TV, tulog.
Nakakahiya na ring umutang sa mga kaibigan ko. Paulit-ulit nila akong tinatanong kung bakit hindi na ako lumalabas. Hindi ko pa rin nasasabi sa kanila ang totoo. Alam kong nagtataka na sila, pero hindi pa ako handang mag-open up. Natatakot akong i-judge nila ako-dahil nilabag ko 'yung rules na ginawa namin nung high school.
Sila 'yung klase ng friends na kahit mayaman sila at ako hindi, never nilang pinaramdam na iba ako. Ang swerte ko talaga na sila ang naging tropa ko-kahit may mga topak sila, mahal na mahal ko 'tong dalawang 'to. Ako lang ata 'yung pinakatahimik at "well-behaved" sa aming tatlo, hehe.
"When are you planning to leave your apartment, huh? Don't you get bored in here?" tanong ni Liana habang umiinom ng milk tea.
Napabuntong-hininga ako. Wala talaga akong gana.
"Wala lang akong mood lumabas. Tsaka wala na rin akong trabaho," sagot kong halos walang buhay ang boses.
"So when are you going to start looking for one? Why'd you even leave your old job?"
Nagtatrabaho ako dati sa isang coffee shop. At least noon may pambili pa ako ng pagkain at pambayad ng renta.
"Hindi ako umalis. Yung manager naming bakla, sinibak ako kasi mali 'yung order na binigay ko sa customer," paliwanag ko.
Nagkamali lang ako ng ibinigay na inumin, tapos fired agad? Sobrang OA niya talaga. Pero kasalanan ko rin. Hindi ako makafocus-iniisip ko pa rin 'yung lalaking 'yon sa bar. Kung hindi lang ako uminom nung gabing 'yon... Pero ayoko na ring isisi lahat kay Liana. Laseng lang talaga siguro ako.
"That's all it took? If it were me, I would've punched that gay guy before leaving-just to get even," sambit ni Nadia, asar na asar. Napatawa na lang kami ni Liana. Classic Nadia. Walang inuurungan. Feeling ko kahit si Manny Pacquiao, kaya niyang suntukin kung kailangan. Total tomboy talaga, haha!
Noong high school, sila talaga 'yung mga bodyguard ko. Sila ang unang lumalaban pag may nambu-bully sa akin. Hindi ako mahilig makipag-away-para saan pa?
Tumayo na si Liana. Tapos na siyang kumain. Tuwing dumadalaw sila rito, lagi silang may dalang food. At sila lang din ang nauubos, lol. Mga demonyita talaga.
"I'm leaving, I've got a date!" excited niyang sabi. Hindi na ako nagulat. Bawat linggo may bagong jowa. Certified player. "Nadia, aren't you coming with me?"
"I'm not even done eating," iritableng sagot ni Nadia. Palaging gutom ang babaeng 'to.
"Seriously, hurry up. You act like we're gonna steal your food. Look at your plate-it's piled high!" turo ni Liana sa bundok ng pagkain ni Nadia.
Napailing na lang ako habang tumatawa. Ganyan talaga si Nadia. Walang kahihiyan sa pagkain, pero hindi tumataba kahit kelan. At parang wala rin siyang kinatatakutan. Naalala ko nung high school, sinapak niya 'yung isang lalaki sa kabilang section kasi minanyak siya. Regular na siya sa guidance office nun.
Never din nagka-boyfriend si Nadia-kasi babae ang gusto niya. Madalas siyang mareject, baka kasi mas maganda pa siya sa mga nililigawan niya, haha! May mga lalaking nag-attempt na ligawan siya, pero ending: bugbog.
At si Liana naman ang queen ng "flings." Isang linggo, isang jowa. Minsan nalilito na kami kung sino ba 'yung current niya. Bar-hopper din 'to. Kami ni Nadia, hindi mahilig sa bar, pero hinahayaan na lang namin siya. Kahit anong sabihin mo, hindi rin 'yan makikinig.
Ako lang talaga 'yung matinong miyembro ng grupo, hehe. Never pa akong nagka-boyfriend. May mga nanliligaw, oo, pero hindi pa ako ready. Naniniwala akong distraction lang ang mga lalaki. Pag nabulag ka, tapos ka.
Tumayo na rin si Nadia, sa wakas. Tagal niyang kumain. At laging makalat. Pakiramdam ko ako na naman ang maglilinis mamaya. Ano pa bang aasahan ko? Laki sa yaman ang dalawang 'yon.
"Selena, we're leaving. Take care, okay?" Binigyan nila ako ng halik sa pisngi bago lumabas.
Tahimik ulit. Ako na naman mag-isa.
Maybe this is better. Tahimik. Walang gulo. Pero hanggang kailan ako magtatago? Minsan naiisip ko-naaalala pa kaya ako nung lalaking 'yon? Hinahanap kaya niya ako?
Siguro hindi na. Baka nga ni hindi niya alam pangalan ko. Ganon din ako. Hindi ko rin alam hitsura niya nang maayos. Ganyan ang epekto ng kalasingan.
Binuksan ko na lang ang TV. Wala akong magawa. Gumulong-gulong ako sa kama habang naghahanap ng pwedeng panoorin. Hanggang may lalaking lumabas sa screen na agad kong napansin. Ang tindig niya, ang porma-halatang businessman. At ang gwapo.
Binasa ko 'yung headlines n sa baba. Tama nga ako-businessman nga. Isa sa pinakamayaman at pinakabatang CEO sa buong bansa. CEO ng Nicholson Global Holdings
Nakakapagtayo siya ng malls, restaurants, hotels, pati resorts-hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati abroad. Grabe. Sana all.
Pinatay ko na lang bigla 'yung TV. Baka kung saan pa mapunta 'tong crush na 'to.
Bakit ba hindi ko siya makalimutan?
Isang gabi lang naman 'yon. Lasing ako. Wala akong maalala masyado. Ni pangalan niya, hindi ko alam. Pero hanggang ngayon, ramdam ko pa rin 'yung haplos niya. 'Yung paraan ng pagtingin niya sa akin, kahit saglit lang.
Ang tanga ko. Bakit pa kasi ako sumama? Bakit pa kasi ako uminom?
Napapikit ako habang nakaunan sa braso ko. Ilang beses ko nang tinry i-convince ang sarili ko na wala lang 'yon. Na hindi importante. Na hindi siya importante. Pero bakit parang kabaligtaran ang nangyayari?
At ngayon, bigla ko siyang nakita sa TV. CEO pala siya? Isa sa pinakamayaman sa bansa? Takte. Parang mas lalo akong nalunod sa hiya.
Ano ba 'ko? Isang broke na babae na na-one night stand ng isang multi-millionaire. Hindi niya na siguro ako maaalala. At kung maalala man niya ako, baka natawa pa siya. Baka iniisip niyang isa lang ako sa mga babaeng naglalako ng sarili sa gabi.
Pero hindi ako gano'n. Hindi ako gano'n dati.
Pinilit kong alalahanin 'yung mukha niya. 'Yung mga mata niyang para bang... may tinatago rin. Hindi siya lasing nun, sigurado ako. Ako lang ang lasing. Pero hindi siya bastos. Hindi siya nagmadali. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na puro katawan lang ang habol.
Nakakainis. Kasi hindi ko siya kilala, pero gusto ko siyang makilala.
Pero paano? Saan? At bakit ko pa gustong balikan 'yon?
Diyos ko, Selena. Ginulo na nga niya 'yung mundo mo, gusto mo pang balikan?
Napangiti ako ng pilit habang nakatitig sa kisame.
Sabi ko noon, ayoko sa lalaki. Distraction lang sila. Pero ngayon, heto ako-na-di-distract sa isang lalaking hindi ko kilala. At mas lalong hindi ko kayang abutin.
Kung alam lang niya kung ilang beses ko siyang naisip nitong nakaraang buwan...
Kung alam lang niya na may iniwan siyang marka sa akin-hindi lang sa katawan ko, kundi sa isipan ko. Sa damdamin ko.
Pero siguro... sa kanya, wala lang 'yon.
At siguro... tama lang na magpatuloy akong magtago.
Kasi kung magkita man kami ulit-hindi na ako sigurado kung kaya ko pa siyang harapin.
YOU ARE READING
GOT PREGNANT BY THE CEO
RomanceMet Reeve Nox Nicholson, One Of The Rich And Famous Business Man Whether In Or Out Of The Country. Many people just Admire Him. specially Girls He don't have a serious commitment All the women who have passed by him, Wala itong sineryuso Ni Isa. U...
