Siya ang pinaka-nakakainis na lalakeng nakilala ko sa buong buhay ko. Sa tinagal-tagal ko ng naglalakad sa kalye Mahinahon, ngayon lang ako di nakapagtimpi sa kabastusan ng mokong na 'yon. Pasalamat siya nagmamadali ako sa pagpasok sa school kung hindi...
Kung hindi.....
A basta! Wag siyang magpapakita sa akin dahil makakarate ko siya. Baka magkapasa pa ang gwapo niyang mukha.
Wait! Anong sinabi ko?
Gwapo? Teka, look test....
Well, aaminin ko, gwapo nga siya. Moreno, singkit at maganda ang katawan.
Pero kahit na naaasar pa rin ako sa kanya!
Hindi ko kayang ipagwalang bahala na lang ang ginawa niya sa akin noh! Wala akong pinalalagpas. Ako pa!
Eh ano kung lalake siya. Sorry na lang dahil ako ang binangga niya.
Sino ako?
Ako lang naman ang prinsesa ng barangay namin. Ako ang prinsesa ng kalye Mahinahon.
-Maxene "Max" Salazar!
BINABASA MO ANG
Kalye Pag-ibig: Rush time
RomanceSabi nila, sa dinami-dami ng tao sa kalsada na pwede mong makilala, mabunggo o aksidenteng makita mo, isa doon ang maaring makatuluyan mo. Weh? Totoo kaya?