Hey, wake up Princess!

12 0 0
                                    

6:07 AM

"Mahal na prinsesa, gising na po." Niyugyog ako ng isa sa aming tagapaglingkod.

"Kanina pa po kayo hinahantay ng mahal na hari sa hardin."

Umungol ako.

"Antok pa ako eh. Mamaya na ako babangon. Pakisabi sa aking amang hari mauna na siyang pumunta sa gubat para mangaso."

"Hindi po maaari, mahal na prinsesa. Kabilin-bilinan niya po na isama ko po kayo palabas ng inyong silid."

"Inaantok pa ako, Aurora." Nagtaklob ako kumot. "Nais ko pang magpahinga."

Pero hindi ito tumigil sa pagyugyog sa akin.

"Sige na po, mahal na prinsesa. Bumangon na po kayo. Baka po mapagalitan ako ng inyong amang hari."

"Ayoko pa sabi eh."

Pinagpatuloy nito ang ginagawa.

"Bangon na po."

Nagtulog-tulugan ako...

Maya-maya, biglang tumahimik. Tumigil na si Aurora sa pag-istorbo sa aking pagtulog.

Napangiti ako habang nakapikit.

Pinagpatuloy ko ang pag-tulog.

***

Naglalakad ako sa tabing dagat. Ang ganda ng tanawin. Napakagandang pagmasdan ang paglubog ng araw.

Maya-maya, may natanaw akong isang lalake na naglalakad di kalayuan mula sa dulo ng dalampasigan. Napakamatipuno niya. Napakaamo ng mukha nito. May suot itong korona sa ulo.

"Prinsepe kaya siya?"

Tinitigan ko ito. Natatakpan ng sinag ng araw ang mukha nito. Nakakasilaw.

Hindi ko namalayang nakalapit na pala ito sa kinaroroonan ko pero hindi ko pa rin matanaw ang mukha ng lalakeng naglalakad palapit sa akin.

"Mahal na prinsesa?"

Teka kilala niya ako? Pero papaano? Nagkita na ba kami dati? Pero bakit ganon, hindi ko siya matandaan.

"Kanina pa kita hinahanap, mahal na prinsesa."

"Sandali lang, kilala mo ako?" Pinipilit kong kilalanin ang nagsasalitang ito.

Pero hindi ito sumagot bagkus lumuhod ito sa aking harapan.

""Matagal na kitang iniibig mahal na prinsesa. Matagal ko nang inaasam-asam ang makasama ka pabalik ng aming kaharian."

Teka naguguluhan ako. Sino ba itong misteryosong prinsepe na ito.

Tumayo ang lalake. Hinatak niya ako paloob sa bisig nito. Maya-maya, dahan dahan nitong inilapit ang labi nito sa labi ko.

Sa hindi ko malamang dahilan, bigla akong napapapikit. Tila ba nagpadala ako sa gusto nitong mangyari.

Malapit ng magdampi ang aming mga labi ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.....

REYALIDAD....

6:14 AM

"Ayaw mong bumangon ha. Sandali nga." Kinuha ni Tiya Auring ang dala nitong baso at mabilis na ibinuhos sa mukha ko ang laman nitong tubig.

Nagulat ako kaya napabangon ako mula sa kama ko.

"Ayyyy, ang lamig!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kalye Pag-ibig: Rush timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon