CHAPTER 5. NEW WORK

1.8K 61 7
                                        

Isang linggo na akong nagtatrabaho dito sa coffee shop.

Si Liana ang nagpasok sa akin dito. Malaking pasasalamat ang nararamdaman ko-sa wakas, may trabaho na ako. Maayos ang pakikitungo sa akin ng mga empleyado. Hindi naging mahirap makibagay, at sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan ko, malaking bagay 'yung magkaroon ng maayos na kapaligiran.

Sa loob pa lang ng isang linggo, nagkaroon na agad ako ng mga kakilala-at masasabi kong may mga kaibigan na rin. Tahimik ang lahat. Wala pa namang masamang nangyari.

Pero may lihim akong hindi pa handang ipaalam-buntis ako. Hanggang ngayon, sina Liana at Nadia lang ang nakakaalam. Sila rin ang madalas bumisita sa akin kapag may libreng oras. Kahit sandaling kwentuhan lang, nakakagaan ng pakiramdam. Parang may bahagi pa rin ng normal kong mundo kahit paunti-unti itong nagbabago.

Kapag wala masyadong customer, nakikichika rin ako sa mga kasamahan ko. Sabi nga ni Liana, kaibigan daw ng kuya niya ang may-ari ng coffee shop na ito. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa siya nakikita. Sabi ng isa sa mga staff, bihira lang daw itong dumaan.

Sa totoo lang, minsan nakakapagod din. Lalo na kapag dagsa ang tao-tulad ngayon. Ang daming customer. Halos walang tigil ang pila. Isang tingin ko lang sa wall clock, ilang oras na pala akong nakatayo. Paikot-ikot. Order dito, punas doon. Tunog ng espresso machine. Steam ng gatas. At 'yung walang katapusang "Next po!"

Pagod na ang likod ko, nanginginig na ang binti. Pero kinakaya ko. Kailangan kong kayanin.

Nang biglang...

"Miss! Kanina pa ako dito, bakit ang tagal ng order ko?!"

Napatigil ako. Isang lalaki, nakakunot ang noo at halatang mainit ang ulo, ang sumisigaw sa harap ng counter. Naramdaman kong lumamig ang palad ko, pero pinilit kong ngumiti.

"Pasensya na po, Sir. Medyo nagka-aberya lang po sa machine-"

"'Wag kang palusot! Kung hindi niyo kayang mag-serbisyo ng maayos, 'wag kayong magbukas ng café!"

Lahat ng mata, nakatingin na sa amin. Narinig kong napahinto ang isa sa mga barista sa ginagawa niya. Napakabigat ng pakiramdam-parang nanliit ako sa kinatatayuan ko.

"Sorry po talaga, Sir. I'll check your order now," mahinahon kong sagot habang mabilis kong tinungo ang POS system. Hindi ko kayang ipakita na nanginginig na ang kamay ko. Hindi dahil sa galit-dahil sa hiya. Sa kaba. Sa pagod.

Sa sulok ng paningin ko, nakita kong nakatingin sa akin si Nadia mula sa lamesang malapit sa pinto. Tumayo siya, halatang handang lumapit.

Pero umiling lang ako. Kinaya ko.

Hindi ako sumagot pa. Hindi ko pwedeng patulan. Hindi ko rin pwedeng ipakita na naiiyak na ako.

Kailangan kong manatiling kalmado.
Kailangan kong manatiling matatag.

Pinilit kong hindi pansinin ang nakakapasong tingin ng lalaking sumigaw sa akin.

"Miss, kung di mo kayang trabaho mo, umalis ka na lang-"

"That's enough."

Isang malamig pero matatag na boses ang pumunit sa tensyon sa café.

Lahat ng ulo, biglang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Maging ako, napatigil.

Isang lalaking nakasuot ng itim na coat, mukhang kararating lang, ang dahan-dahang lumapit mula sa may pintuan. Matangkad. Tahimik ang kilos pero may awtoridad sa bawat hakbang.

Hindi ko siya kilala... o baka hindi ko lang inaasahang makikita siya ngayon.

"Kung may concern kayo, pwede ninyong ilapit sa management. Pero hindi sa ganitong paraan. Walang karapatang sigawan o bastusin ang kahit sinong staff dito," mahinahong sabi ng lalaki, pero ramdam ang bigat ng bawat salita.

GOT PREGNANT BY THE CEOWhere stories live. Discover now