"Let's all welcome! Lady Albira Ruiz together with her daughter miss. Reece Ruiz" kasabay sa pagtawag ng pangalan namin ni mama ay taas noo akong pumasok sa banquet hall ng Velarde Hotel. Palakpakan ng mga matataas at iginagalang na tao at nakakasilaw na kinang ng kulay ginto at pilak na siyang kulay ng tema ng gabing ito ang sumalubong sa amin. Kasabay ng sekretarya ni mama ay dumeretso kami sa mesang nakalaan para sa amin.
Ang pag-upo namin ang naging hudyat ng pag-uumpisa ng pagdiriwang. "We are very pleased to be able to welcome those of you that have been with us for a long time now as well as those who are new to Yellow Smiley, it is a smile of a children that makes life worth living" pagpapatuloy ng host sa unahan.
It's been 5 years simula noong huling tapak ko sa bansang ito, kung ako lang ang masusunod ayaw ko nang bumalik sa lugar na ito. Kahit ang gahiblang ala-ala mula sa bansang ito ay ayaw kong maalala, ngunit may kailangan pa akong gawin at sisiguraduhin ko sa pagkakataon na ito, ako ang panalo.
Nilibot ko ang paningin ko sa lugar na ipinagdaraosan ng pagdiriwang, maganda, magara at elegante. Halatang ilang milyon ang nilustay para maipatayo ito, napakayaman nga naman ng mga putangina iyon. Sagad sa buto ang kagustuhan kong sunugin at wasakin ang mismong buong hotel na ito, ngunit mas nais ko ang kitilan ng buhay ang nagmamay-ari ng mga matang nakatingin sa akin ngayon. Bumalatay ang gulat sa kanyang mukha na tila ba isa akong patay na muling nabuhay.
Kamusta, mahal ko?......