Introduction:

26 0 0
                                    

 Sa araw araw na ginawa ng Diyos, sa mga pagkakataon at di sinasadyang mga pangyayari nagsisimula ang kasaysayan sa ingles ay "History".

         Pero paano nga ba nagmumula ang mga bagay-bagay sa mundo? gaya na lang ng "San nga ba galing ang tao ?..Maniniwala ka ba kay Charles Darwin , at tatanggapin ng maluwag sa loob na galing ka sa ungoy ?" (me: ayaw!! ayaw!! hindii..) eh yung... "ano ang nauna? Itlog o Manok?", "Sino ang pumatay kay Lapu-Lapu ?" bago pa man  masira ang ulo mo sa kakaisip ng mga pinagmulan ng mga bagay bagay na yan, naitanung mo na ba sa mga magulang mo kung paano ka ginawa?? Malamang isang SAPOK na malupit ang makukuha mong sagot.. anyway...

        Sa Araw-araw  iba't-ibang tao ang nakakasalubong at nakakasalamuha natin.. hindi natin napipili kung sino ang maari nating makasabay sa paglalakad, makatabi sa jeep, makasabay sa pila, makatrabaho,maging classmate etc. etc... nasasayo parin nakasalalay kung kakaibiganin mo sila o hindi..pero paano nga ba kung makaencounter ka ng taong halos kapareho mo ?? as in yung parehong pareho kayo ng personality yun nga lang magkaiba kayo ng kasarian..masasabi mo kayang "birds with the same feather flocks together ??"

                Meet Luchio and Yanah, ang dalawang tao na magbibigay buhay iyong haka-haka tungkol sa usaping yan ...

Perpektong PosporoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon