I Am Not A Robot

16 4 0
                                    

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the writer. Necessary actions will be taken once caught reproducing a soft copy/hard copy of this story.

Copyright 2020 by Zoella

"Isang Pamilya Tayo Ngayong  Pasko"  titulo ng kanta ng Christmas station ID ng isang sikat na istasyon sa Pilipinas at sa buong mundo.

Napaiyak na lang ako nang mag simula tumugtog ang kanta galing sa radyo.

🎵🎶🎵Bawat daang binabaybay,

pagmamahal, umaalay,

Kabiguan man o tagumpay,

Hawak Mo ang aking kamay,🎵🎶🎵

Malapit na pala ang pasko. Hindi ko pa rin malilimutan ang mga nag daang buwan. Positibo na lang ako na na sa huli  ang importante buo kaming pamilya.

Nagbalik tanaw ako sa mga pangyayari sa nakalipas na mga buwan.

Walong buwan na pala tayong nag i ingat  at unti unting nasasanay sa pandemya na ito.

Flashback

The first human cases of COVID-19, the disease caused by the novel coronavirus causing COVID-19, subsequently named SARS-CoV-2 were first reported by officials in Wuhan City, China, in December 2019.

Ano na ba ang nangyayari sa mundo? Grabe ang nai dulot  nito hindi lamang sa China kung hindi sa buong mundo.  Habang ako ay na no nood nang balita napupuno ng pangamba at takot kung paano kami mabubuhay sa araw araw.

Lahat napuno ng takot. Lahat nag nationwide quarantine at pati mga lider ng iba't ibang bansa ay nag desisyon na bigyan babala ang nasasakupan na mag total lockdown at bawal lumabas o #stayathome.

Paano naman ako kami ang mga umaasa sa pang araw araw na kita. Ako na kaka endo pa lang sa trabaho hindi kasi ako na regular dahil sa palagian pag liban dahil sa may anak akong sakitin madalas lagnatin o lagnat laki. Ang asawa ko naman ay nagti tinda ng sari sari pero walang puwesto at namunuhunan rin kaya araw araw kailangan lumabas para mag alok sa mga tao. Masipag ang asawa ko ang problema lang ay mahilig. Mahilig sa alak, sigarilyo, sugal at sex.

"Paano na iyan Russel? Makaka labas ka ba para makapag hanapbuhay, nakakatakot ngayon." sabi ko habang sinasayaw ang anak ko na 2 taong gulang.

"Hindi ko alam Eliza, bahala na pu puwede naman siguro hindi naman ako mag la lagi sa isang lugar. " sagot ng asawa ko.

" Ma paano ako? Enrollment na namin sa April paano sa pasukan? " tanong naman ng 15 anyos kong binata.

" Hindi ko pa alam Renz, depende sa desisyon ng gobyerno. Kung pupuwede lang huwag na kayo pumasok sa school pero baka may iba naman naisip na paraan ang DepEd di ba? " sagot ko kay Renz.

" Ako mama kahit di muna mag aral? Magla laro na lang ako ehehe." Sabat naman ng 8 years old ko na anak na babae.

Oo 3 ang anak ko. Isang lalaki si Renz mag Grade 10 na at si Rizza 8 years old mag Grade 3 at isa pang babae na bunso si Rica na 2 years old. Hirap naman ng sitwasyon na ito mauubos ang ipon ko dami ko pa loan na babayaran at insurance. Nag loan kasi ako para tuition ni Renz at di ko pa nababayaran ng buo may one year pa pero mababayaran ko iyon once na nakapag trabaho ulit ako, pero paano na? Hindi na muna ako mag tra trabaho kasi may pandemya. Kaka stress naman, bayaran pa ng bills saka upa buti na lang mabait ang landlady sana maintindihan niya ang sitwasyon.

I Am Not A Robot ( ONE SHOT )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon