Natapos lahat ng stressful na araw, naipasa ko narin lahat ng gawain ko sa tamang deadline, kaya ng mag Christmas break wala na akong iniisip maliban kay Klyde, he's always in my mind, and speaking of that man.....
"Love eto pa oh" isinubo ni Klyde ang fries sa bibig ko habang nakaupo sya sa tapat ko at katabi naman nya si Mike na sinusubuan din si Eli
"Eli baby gusto mo pa ng fries?"
Medyo kakaiba ang ikinikilos ng dalawang to saamin ngayon ni Eli, kanina lang habang tumatambay dito si Eli sa bahay namin ay nagsidatingan ang mga 'to at may mga dala dalang pagkain.
"Anong kailangan nyo huh!" Kapag kuwa'y sabay naming banggit ni Eli, nagkatinginan kami at natatawa naming binalingan ang dalawa
"Spill it baby" Eli said to Mike, ako naman ay natatawang tumingin lang kay Klyde habang sinusubuan nya ako ng fries
"Amm....ganito kasi yon baby" parang kinakabahang pag-uumpisa ni Mike at sinisiko pa ng bahagya si Klyde parang nanghihingi ng tulong "may mag be-birthday kasi na kaibigan namin...." Tuloy nya ulit pero binibitin pa at sinisiko ulit si Klyde na tinatawanan lang sya
"Ikaw wala kang sasabihin?" Inusenteng tanong ko kay Klyde natigil naman ang pag tawa nya at humarap saakin
"May mag bi-birthday" pang gagaya nya sa sinabi ni Mike
"And so?" Sabay nanaman kami ni Eli mag salita
"Inaya kami" sabi naman ulit ni Mike "a-at....a-at.....Dude ikaw na kasi tangina mo ih" pinalo ni Mike ang braso ni Klyde kaya nalaglag ang fries nito na dapat isusubo saakin
"Bakit ako?!" Reklamo ni Klyde
"Eh bakit hindi?"
"Eh pareho lang naman tayo ih, so ikaw na, mas malakas ka eh" pagkukumbinsi pa ni Klyde habang naka ngiting aso.
"Dapat ikaw kasi ik-
"What. The. Fuck!!" Isa-isang banggit ni Eli na parang nauubusan ng pasenya kaya napabaling kami lahat sa kanya "can't you just tell us nalang kung ano ba yun?....nag aaway pa kayo ih" mataray na sabi ni Eli
Umayos naman muna ng upo si Mike bago nag salita "Kasi nga may mag be-birthday na kaibigan namin" sabi ni Mike
"At inaya nya kami para maki party bukas" pag papatuloy naman ni Klyde sa sinabi ni Mike
"At ang sweet nyo dahil?" tanong ko sa kanilang dalawa
"Dahil mag papaalam kami sa inyo na pupunta kami" sabay na sabi ng dalawa.
"No!"
"Okay!"
Sabay kaming nag salita ni Eli pero magkaiba kami ng sinabi
"Bakit no?!"
"Bakit okay?!"
Sabay namang banggit ni Mike at Klyde at magkaiba din ang sinabi
"Bakit?" Sabay namang tanong namin ni Eli ng nakakunot ang noo, nag tatanong ang mata kong tumitig kay Klyde
"Bakit ayaw mo ba?....kasi papayagan naman kita kaya ako um-okay"
Umiling naman sya "Hindi love....pero baka napipilitan ka lang eh hehe" kumamot naman si Klyde sa batok na ikinatawa ko
"Hindi ako napipilitan" nakangiting sabi ko "besides, friends nyo naman yon kaya understood nayon!" Kinindatan ko sya at mahina lang ulit na natawa ng magulat pa sya sa pag kindat ko
"Baby Eli, si Areah nga pinayagan si Asher eh dapat ako din" parang nag mamakaawang sabi ni Mike at hinahawakan pa ang kamay ni Elaine
"Ayoko, alam kong iinom ka at baka pahirapan mo pa si Klyde na iuwi ka" mag ka-krus ang mga braso ni Eli habang tutol sa paalam ni Mike
YOU ARE READING
PROMISES
Random"I promise I'll be by your side forever" "I promise to love you more, as the day goes by" "I promise I won't make you cry" Sweet right?....i know...that's why I always believe in promises Because those promises makes me happy And i know If someone...