Simula pa lang, siya na yung mahal ko. Simula pa lang, siya na yung 'Apple of My Eye'. Simula pa lang, siya na yung ihihirang kong prinsipe ko. Simula pa lang, pinangako ko sa sarili ko na siya lang talaga ang gugustuhin ko habang buhay
pero..
sa tingin ko sa simula lang ang mga bagay na iyon. Sa tingin ko hindi na mangyayari 'yung sinasabi kong 'habang buhay'. Pakiramdam ko hindi na talaga siya 'yung lalaking para sa akin. Hindi siya 'yung lalaking makakasama ko habang buhay
Dahil lahat ng pantasya ko tungkol sa kanya, lahat ng akala ko para sa akin ay hindi pala kung hindi para sa kaibigan ko.
May mali ba? O sadyang mapaglaro lang ang tadhana?
____________________________
"Hi! Ako si Maida Gomez!" Binigay ko sa kanila ang pinakamatamis kong ngiti at tyaka umupo na sa assigned seat ko.
Ako lang naman yung stalker niya kahit kaklase ko siya.
Ako din yung secret admirer niya.
Ako din yung katext niya parati na hindi niya naman alam na ako
at
Ako yung kaibigan ng mahal niya.
Siguro nga, torpe ako kasi hindi ko masabi sa kanya.
Pero, dapat ba na ako ang magsabi? Diba hindi? Parang ang sama namang tingnan na babae pa ang unang aamin pero hindi naman doon binabasa 'yun diba? Diba?
Ayokong mareject.
Oo. Ako yung natatakot mareject.
________________
From: Zander Myloves
Hey! Pakilala ka naman oh? :)
Anong sasabihin ko?!
Ito na naman si puso o! Tumitibok na naman! Lecheng puso yan! Mamahalin pa yung admirer ng bestfriend ko! Hindi ko na talaga siguro matututunan na tingnan sa mata ang kaibigan ko. Pakiramdam ko tuwing magkasama kami, sobrang sama ko, parang ang plastik ko. Kung matuturuan lang talaga itong pusong 'to! Matagal ko ng ginawa! pero kahit anong pilit ng isip ko, puso pa rin ang nasusunod!
To: Zander Myloves!
Ah. Haha. :)
Ayun na lang ang sinabi ko! Ayoko talagang magpakilala! Awkward na kapag nalaman niya! At siguradong masisira ang friendship namin ng kaibigan ko..
From: Zander Myloves!
Sige na o! Malay ko ba kung sino ka? Baka naman nasa tabi tabi ka lang? Sige na. Hindi na kita itetext kapag hindi ka nagpakilala!
Patay naman o! Pinagpapawisan na ako dito! Ramdam ko na ang pawis sa mga kamay ko habang isa-isang tina-type ang mga letrang magbabago sa lahat.
To: Zander Myloves!
Sige. Pumunta ka sa plaza ngayon. Ngayon na talaga!
Nandito ako ngayon sa plaza. Nagbabasa ng libro. Ito na talaga siguro ang hobby ko kapag weekend. Itinabi ko ang libro ko at tyaka sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kapag dumating siya!
BINABASA MO ANG
My Friend's Lover. One-shot
RomanceI'm just a part of the scenery, like an old shoe or a rug that you walk on every day but don't even really see.