Chapter 3

36 1 0
                                    

CHAPTER 3

KEAN'S POV

o asan na ba ako? Ah, sa kwarto pala nitong si Chanel. Ang lamig lamig naman kasi.. Balat kalabaw talaga yung babaeng yun. Nakatulog tuloy ako, kumanta pa siya. Ahaha! Kakaantok ang boses. Joke!

Wa--WHAT THE?! Bakit wala na akong medyas at sapatos?! San napunta yun?? Nakataklob pa ako ng kumot wala naman to kanina ah! CRAP! 7PM na. Well dun lang naman sa tapat ang bahay ko. Tss, yung ginawa niya, ginagawa din yun ng mom ko. Kaasar. Iiwasan ko na nga tong babaeng to.

"Oh gising ka na pala, tagal mo natulog ah! Nandun pa sila sa baba naghahanda ng pagkain. Kumain ka na din dun."

"Ikaw ba ang nagalis ng sapatos at medyas ko?!"

"Yep. Bakit?"

"ANONG BAKIT?! BAKIT BA PAKEALAM KA NG PAKEALAM?! Sinabi ko bang alisin mo?! Hindi naman di ba?!"

"Sorry, nasanay lang ako kasi ganan ginagawa ko sa dad ko da--"

"AKO BA YUNG TATAY MO!? HINDI NAMAN AH?! KAINIS!"

Tapos umalis na ako sa kwarto niya. Siyempre. Kung kwarto ko yun siya palalayasin ko! Haha. Cool.

So, pagbaba ko, e di nakatingin na naman sila sakin. Haay. Kelangan ko talagang sungitan si Chanel kasi sobrang kaparehas niya mom ko. :/

Nasigawan ko ulit tuloy. Sus, yae na bukas naman okay na ulit yun.

Kinabukasan may practice na naman kami sa bahay nila Chanel kaso pagpunta ko dun wala si Chanel, sabi nung si Cassandra, narinig ko nung naguusap sila ni Yael, si Chanel daw Kasama nung boyfriend niya. BIRUIN MONG MAY BOYFRIEND YUNG BUNGANGERANG YUN! May nagkamali sa kanya! Hahaha!

Ako? Wala akong girlfriend at hindi pa nagkakaron! hoy ulul! Hindi ako torpe at lalong hindi ako bading! Hindi ko pa lang nakikita yung babae na-- tss. Wag na! Ambaduy!

Maghapon lang sila nagpractice, ako nakahilata lang wala magawa. Kinakausap nila ako, wala naman akong pakealam. Bahala sila. Amboring ng araw na to, makuwi na nga lang!

CHANEL'S POV

Nagdate kami ni Gian!

Si Gian Kirby Mercado, siya ang bestfriend turned boyfriend ko. Simula kasi ng magisa na lang ako at lumipat ako sa bahay siya na ang lagi kong kasama. 8 years old pa lang ako eh andiyan na siya. 17 na ako ngayon. Magaapat na taon na kami sa October 14. Ano ba ngayon?? Hmm.. June 23 pa lang. Konti na lang! :)

4 years na kami, 10 years old pa lang kme tinuturuan na siya manligaw ng papa niya sakin. Lagi kasi ako nasa kanila kaya buong pamilya niya kilala at boto sakin. Biruin niyong super bata pa lang pinagplaplanuhan na nila ang kasal! Si mama naman minsan pag umuuwi siya nakikikain din kina Gian. Saya diba?! Ganda ng buhay ko!

KEAN'S POV

Two days walang practice. Tinamad na ata. Sa tingin ko naman si Vianca at Jake na ang magiging partner pero kelangan ko pa din sauluhin yung mahabang lines. Tsk. Dyahe! Kapag nagprapractice kami ni daldal eh okay naman. Galing umarte ng nilalang na yun. Anong sinabi ni Dagul!? Joke! Pero magaling talaga. Nadadala nga ako, naprapradama din naman! :D

Sa ngayon on the way na naman ako sa bahay ni daldal. 3 araw ko ng di nakikita yun ah! Galit kaya yun? Tss. Who cares!

Pagdating ko dun, aba si daldal nagpipiano! Magaling siya. Ilang talent ba merun to?! Di na maubos. Nung nagbuhos ata ng blessing si Lord di na natulog to! Langya. Maya maya hinila ako ni Cassandra. Inalis ko naman yung kamay niya.

"Saan mo ako dadalhin?! Kaya ko naman lumakad magisa kaya bitawan mo nga ako!"

maya maya hinila na naman niya ako. San ba naman ako dadalhin neto?! P*ta nakakainis na! Nagpupumiglas na ako. Langya! Ayaw akong bitawan! Papalabas na kami papunta sa garden. Aba! Wala ng tao dito. Baka rape-in ako neto! inalis ko ng todo yung kamay ko, sobrang lakas ng pagkakaalis ako, tapos binitawan niya, napahiga tuloy ako. WTH?! Ano ba kasi problema nito?! Maya maya sumisigaw na lang siya. ANO BANG DRAMA NG BABAENG TO?!

Cass- CHANEL! CHANEL! TULUNGAN MO KO DITO!

Chanel- oh bakit? Anong meron at nagwawa-- WAAAH! KALOKAAA! Anong nangyari sa kutong lupang yan?!

Tapos lumapit siya kinuha niya yung kamay ko tapos itinayo niya ako. Ano ba yun? di man lang ako nagpumiglas. Masyado na akong nagiging kumportable sa daldal na to. Iba kasi siya. Di niya binibigyan ng malisya ang mga ginagawa ko kasi tingnan niyo..

"Hoy sungit! Tayo diyan bilis. Dalian mo."

"Ano ba yan, ang demanding mo naman bakit ba?!"

"Andami mo pang tanung. Dalian mo na."

mamaya nahilo na ko pagkatayo ko, tapos sinalo ako ni daldal.

"Oi okay ka lang? Halika na nga dito. Haay naku!"

Tapos umakyat kami sa kwarto niya. P*ta ang lamig ah! Nagtaasan ang mga balahibo ko oh. Wala na bang patayan ang aircon dito. Tapos kinuha niya yung first aid kit niya. May sugat ba ko?! Hinawakan ko yung likod ng ulo ko. Merun ngang sugat!

"ARAY NAMAN!"

"Wei, magtiis ka. Kasalanan ko bang may sugat ka?!"

"Yun kasing Cassandra na yun hila ng hila pwede naman sabihin kung san pupunta!"

"Ano naman masama sa paghila?!"

"Ayoko ng may nahawak sakin.". "Sus, ang arte mo talaga! Bakit? May germs ba si Cass?! Ai naku baka sabihin mo na naman na ang pakialamera ko. Lilininsin ko lang tong sugat mo okay?! Medyo malaki eh."

"Hmm, sorry nga pala last time. (tumingin siya ng 'huh' look) e kasi naman.. NABIGLA AKO! Ayoko nga ng may hawak ng hawak sakin nangengealam at nagungulit."

"Okay, apology accepted.. And sige.. Hindi na kita papansini para hindi ko na maviolate yang mga ayaw mo."

Bilis naman neto magpatawad. Hmm, di papansinin?? Okay. Yun naman ang gusto ko. Magisa.. Kaso.. Boring naman kng hnd ako papansin nito!

"Ahh, okay lang naman na pansinin mo ko.. (binigyan na naman niya ako ng 'huh?' look.) ANG IBIG KONG SABIHIN.. Boring naman ang buhay ko kung hindi mo ko dadaldalin!" Tapos tumingin siya sakin tapos diniinan niya yung paglilinis sa sugat ko.

"ARAY! Dahan dahan naman. Bakit na naman ba?!"

"Daldal pala ha! Oh eto (diniinan ulit)"

"ARAY! Leche! Isa pa makakatikim ka sakin."

Three Words, Eight Letters, Say It And I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon