Prologue

3 1 0
                                    

PAGKAPASOK ko pa lang ng Padilla University ay mapanghusgang mga mata na ang sumalubong sa akin. Parang nandidiri .

May mga nagbubulongan din na akal mo hindi ko naririnig.

"Ang kapal-kapal ng mukha niya. Pumasok pa talaga. "

"Wala na siguro siyang pera"

"Eww nagtatrabaho sa bar "

"Nakakadiri siya"

"Nakakahiya"

Mga samot saring salita na naririnig ko. Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy na lang ang paglalakad patungo sa room.

Medyo antok pa ako dahil gabi na nang umuwi ako galing sa pinagtatrabahohan. Sa bar. Isa akong waitress doon. Gabi ang shift ko dahil sa umaga may pasok ako. Kahit kulang sa tulog ay kilangan ko paring pumasok.

Ako pala si Jane Garcia. 20 years old. 3rd year college dito sa Padilla University. Business ad ang course ko. Wala na kong mga magulang. Bata pa lang ako noon ng mamatay sina mama at papa sa isang car accident kaya ang lola ko na lang sa mother-side ang nag-aalaga sa akin mula nung mamatay sila.

May mga ipinamana sa akin ang magulang ko pero hindi ko yon ginagamit siguro sa tamang panahon.

Hindi naman kami mahirap. May mga business kami pero si lola muna ang namamahala. Pero konti lang ang nakakaalam na mayaman kami. Hindi ko naman kasi ugali ang magmayabang.

Nagtatrabaho muna ako sa isang bar bilang waitress. Pampalipas oras. Pinapagalitan nga ako ni lola kasi may pera naman kami bakit kuno kailangan ko pang magtrabaho at marami daw lasing baka mapahamak daw ako. Sabi ko sa kaniya wag na siyang mag-alala dahil kaya ko naman ang sarili ko.

Gusto ko kasi magtrabaho para magkaroon ng sariling pera at kaya ko namang iligtas ang sarili kung mayroon mang magtangka ng masama sakin.

Hindi ko na malayan nandito na pala ako sa room namin.

Tinext ko muna si Clint na nandito na ako sa room. Boyfriend ko pala si Clint. Mag-ti-three years na kami bilang magkasintahan. Anak siya ng may ari ng Padilla University. Marami nga ang galit sa akin dahil hindi daw ako karapat dapat para kay Clint. Gold digger daw ako. Baka piniperahan ko lang daw si Clint. Hinahayaan ko lang sila dahil wala namang katotohanan iyon.

Pero nitong mga nakaraang araw medyo hindi na nagtetext sakin Clint. Madalas na rin kaming hindi magkita.

Naghintay ako ng reply niya pero ilang minuto na ang nakakalipas pero wala pa rin. Noon, ilang segundo lang nagrereply na siya agad pero ngayon ilang oras pa bago siya magreply. Minsan wala pa nga. Ramdam ko may nagbabago nga e.

Tinago ko na lang ang cellphone ko bago pumasok. Biglang tumahimik ang mga kaklase ko. Dumeritso na lang ako sa upuan katabi ang bestfriend ko. Pansin kong mukha siyang natatae na iwan habang hawak ang cellphone niya. Hindi niya nga ako napansin na dumaan sa harapan niya dahil tutok na tutok ito sa pinapanood.

"Hoy, ano yang pinapanood mo at hindi mo ako napansin? Patingin nga." Akmang titingin ako sa cellphone niya ng mabilis niya itong tinago.

"W-wala ito b-bes. I-isa lang ito sa m-mga k-drama na p-pinapanood ko." kinakabahan niyang sagot

"O bakit nauutal ka? May masakit ba sayo? " nag-alala kung tanong

Mabilis siyang umiling.
"Wala naman bes. Okay lang ako. Wag kanang mag-alala. "

"Sure ka ha. Magsabi ka lang at ng madala kita sa clinic. Okay? " sagot ko kahit hindi kumbinsido

Tango na lang ang sagot niya. Kahit alam kong may mali ay hinayaan ko na lang si Clarice.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Let me love you Jane GarciaWhere stories live. Discover now