Ang school na pinapasukan nina Kath ay ekslusibong paaralan o mas matatawag na private school..at hindi lang private...para ito sa mga anak ng mayayaman at prominenteng tao sa San Isidro..

Ang St. Scholastica Academy ay sikat na sikat na paaralan..Kaya ito ang napili ng mga magulang nina Kath at DJ,para pagaralan nila..

Pagkadating ni Kath sa school,ay agad siyang tumakbo para hanapin si DJ..

Nang dumating siya sa kanilang room ay may naririnig siyang nagsisigawan..parang may nagaaway..

Kent:Oh..ano bakit di mo ko suntukin..di mo ko kaya...Bakla ka ba?...hahahaha...

Si Kent nga pala ang mayabang at bully nilang kaklase..

Nadatnan ni Kath na inaaway ni Kent si DJ..at medyo bugbog na toh..Nagsalita si DJ...

Young DJ:hindi ako lalaban sa inyo dahil hindi ako katulad mo BULLY..walang ibang ginagawa kundi manakit ng kapwa...

Kent:HAHAHA..bakit anong masama dun...eh bakit ikaw LAMPA...sige suntukin niyo siya..

Akmang susuntukin na ng mga kaibigan ni Kent si DJ,nang biglang iharang ni Kath ang sarili niya...Nagsalita si Kath..

Young Kath:Kent tama na..ano ba..kapag hindi ka tumigil isusumbong kita kay Mam...

Sa sinabing iyon ni Kath ay umatras ang mga kaibigan ni Kent...Natakot ang grupo ni Kent sa sinabi ni Kath at umalis na lang..

Nang makaalis sina Kent ay pinuntahan ni Kath si DJ upang tingnan kung ano ang kalagayan nito..

Young Kath:DJ okay ka lang ba..wala bang masakit sayo..

Young DJ:Wala naman..okay lang ako..

Dumudugo ang ilong at labi ni DJ dahil sa mga suntok ni Kent at grupo nito..Nang dahil dito nag-alala si Kath ng husto..

Young Kath:DJ hindi ka naman okay eh..tingnan mo nga yang labi at ilong mo..dumudugo..Tara punta tayo ng Clinic para magamot yan..Tara na DJ..

Niyaya ni Kath si DJ na pumunta sa Clinic pero hindi ito sumama..

Young DJ:Wag na Kath..Okay lang naman ako eh..hindi na kelangan pumunta ng Clinic..mawawala din toh...

Dahil ayaw ni DJ na pumunta sila ng Clinic.Nagstay na lang sila sa classroom nila..at dahil maaga pa at hindi pa nagsisimula ang klase nila..nagkwentuhan muna sila tungkol sa pambubugbog na ginawa ni Kent kay DJ..

Young Kath:Bakit di ka lumaban kayna Kent?..ha..sana man lang sinuntok mo si Kent para naman hindi ka naagrabyado..Tingnan mo nga ginawa nila sayo..panigurado ako magagalit at magaalala sayo sina Tito at Tita..

Natawa na lang si DJ sa pagaalala ni Kath sa kanya.

Young DJ:Kath alam mo namang hindi ko sila kayang labanan di ba?..tsaka masisira ang gwapo kong mukha kapag nilabanan ko sila..

Sa sinabing iyon ni DJ ay sobrang natawa si Kath..

Young Kath:Hahahaha..kahit kelan talaga napakayabang mo..nabugbog ka na’t lahat yang mukha mo pa rin ang inaasikaso mo..alam mo DJ,ang pagiging mabait hindi laging ginagamit..minsan kelangan mo ring manakit ng kapwa mo..kung sumusobra na sila..Lagot ka sa Daddy at Mommy mo..

Young DJ:Kath huwag mong sasabihin sa kanila na binugbog ako nina Kent ah..

Young Kath:Hindi ko maipapangako DJ..

THE PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon