TOXIC FILIPINO CULTURE

9 0 0
                                    

TOXIC FILIPINO CULTURE

"Anak bumili ka nga ng mantika diyan sa tindahan sa harap. Sayo na sukli."

Kinuha ko ang pambayad at masayang lumabas ng bahay. Sino ba namang hindi matutuwa kapag may sukli tapos sayo na?

Bungad sa paglabas ko ang kumpulan ng mga Nanay sa tindahan na bibilhan ko. Nakatingin silang lahat habang nagbubulungan na tila ba ako ang kanilang pinaguusapan.

Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglakad.

"Pabili pong mantika," Iniabot ko ang bayad kasabay nang pagkuha sa binili ko.

Nakatingin pa rin sila sa 'kin na para bang ako talaga ang topic ng chismisan nila ngayon.

"Salamat po," saad ko sabay ngiti sa tindera.

Papalakad na 'ko palayo nang biglang magsalita ang isang Nanay na tila ba sumigaw para sadyang marinig ko.

"Totoo bang buntis 'yang anak ni Sherilyn? Napaka pokpok naman pala. Hays." Saad niya at sunod-sunod na nila akong pinaringgan.

"Ang landi naman pala. Nako, kung anak ko 'yan palalayasin ko 'yan."

"Kawawa naman magiging anak ng batang 'yan kapag nalaman niya na ang nanay niya pala pokpok. Nagpatira kaya siya ang naging bunga."

Sabay-sabay silang nagtawanan at lumingon naman ako para ipagtanggol ang sarili ko.

"Excuse me po. First of all, I'm not pregnant. Focus ako sa studies ko. Second, hindi ako pokpok nor malandi, do you have any evidence para sabihan ako nan? Kung ako po sa inyo ay mananahimik na lang ako kasi dahil po sa ginagawa niyo ay hindi kayo nakakatulong sa ating bansa." Paalis na akong muli nang paringgan na naman nila ako.

Sobrang nasaktan ako sa mga sinabi nila. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko at tumalikod lang sa kanila.

"Kita niyo oh? Walang galang!"

"Grabe gumamit pa siya ng po kung hindi niya rin naman pala gagamitin nang maayos. Ginamit niya lang para sumagot sa nakatatanda sa kaniya."

"Kebata-bata sumasagot sa matanda!"

Tumakbo ako pauwi sa aming bahay at inilapag sa lamesa ang mantika na binili ko.

"OH BAKIT ANG TAGAL-TAGAL MO?! LUMANDI KA NA NAMAN BA DIYAN?!"

"Lumandi na naman?" Tanong ko.

"Hindi mo ba alam na ikaw ang usap-usapan diyan? Bakit, hindi ba totoo? Nakita ka raw ni Mare na nakikipag holding-hands sa lalaki kadiri kang pokpok ka. Hay nako, Arabella. Saad niya na lalong nagpadurog sa puso ko.

Ako 'tong may-ari ng katawan ko, ni hindi ko alam na nagawa ko pala 'yun. Mas maalam pa sila sa katawan nang may katawan.

Ni hindi ko nga man lang inisip na umibig dahil sa sobrang focus ko sa studies. Kung magkakagusto man ako ay agad akong lalayo para hindi masira ang pag-aaral ko.

At isa pa, kapag may nanliligaw sa akin ay agad agad kong nirereject dahil na rin sa studies ko.

Para saan pa ang pagiging top 1 ko sa klase kung ganito lang pala ang mangyayari?

Hindi ko na mapigilan ang damdamin at sarili ko kaya agad akong nagsalita para ipagtanggol muli ang sarili ko.

"Hindi nga nanggaling sa akin 'yung mga salitang 'yun pero mas naniwala kayo roon? E hindi nga kayo ang may-ari ng katawan ko mas maalam pa kayo? E ang ginawa ko lang naman ay mag-aral ng mabuti para maging magaling sa mata niyo! Magulang ba talaga ki—"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang maramdaman ko ang kanay ng Nanay ko sa pisngi ko. Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kaniya.

"Iyan ba ang itinuro ko sa 'yo?! Ang sumagot sa matanda?! Grabe, wala kang galang na bata ka! Lumayas ka sa paningin ko!"

Pumasok ako sa kwarto ko na durog na durog ang damdamin, habang tumatarak na parang sirang gripo ang mga luha ko sa sahig.

THIS IS THE WORST FILIPINO CULTURE

"An older person can talk shit about you and insults you but you can't protect yourself otherwise you'll be labeled as disrespectful."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Random One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon