CHAPTER 1

9 0 0
                                    

Cutting

Napakatahimik sa lugar na ito. Dito agad ako dumiretso nang malaman kong may bago na namang dinedate si Damiel.

Sumilong ako sa malaking puno na nandito. Kung tinatanong ninyo kung nasaan ako, nasa pinaka tahimik na lugar sa aming school, ang likod ng gym.

Wala masyadong tao, may malawak na grass at maraming puno. Hindi ko alam kung bakit walang tao masyado dito pero mas mabuti nang ganoon para payapa at walang istorbo.

Pang lima. Pang lima na niyang girlfriend ito this school year. Grade 12 palang kami at nakaka 2 buwan palang, napaka tibay masyadong malakas.

Matagal ko na siyang gusto pero hindi niya alam, magkaibigan ang mga parents namin kaya simula bata palang ay magkakilala na kami. Noong una ay naiinis ako kapag nakikita ko siya dahil napaka kulit at maingay, pero dahil sa ganoon niyang ugali ay nagka gusto ako sa kaniya ng ganito katagal.

Masama ang loob ko kaya wala na akong balak pumasok sa next class. Last subject naman na iyon, gustohin ko mang umuwi na lang pero hindi ako makakalabas ng gate kaya mag aantay na lang ako ng uwian.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at nag tweet sa twitter.

'Self, oks lang yan matibay eh.'

May nag comment naman agad. Di na naman nakikinig 'tong mokong na ito. I bet he's with Delainey right now.

@hot_dmiel: tibay pala ah lagot ka kay Mam Ignacio cutting ka ah.

As if I'm scared. Hindi ko ito gawain pero ayoko lang na makita si Damiel ngayon. Naiinis ako sa pagmumukha niya.

Nanood na lang ako ng mga videos sa youtube para ilibang ang sarili ko  habang inaantay ang uwian. Inaantok na ako kaya inip na inip na ako.

When I saw some students na lumabas na ng kani-kanilang room, naglakad na din ako papuntang gate at makauwi. I texted kuya Simon, my driver na huwag na akong sunduin. Good thing at lagi kong dala ang wallet ko kaya gagala na muna ako. Iniwan ko na ang bag ko sa room, wala namang kukuha nun at paniguradong walang susubok na magnakaw.

Nag book ako ng grab at nagpahatid sa isang mall. It's 5 in the afternoon I'm sure papapasukin na ako ng guard. Balak ko mag waldas ng maraming pera para mag paganda ulit at bumili ng mga bagay na nagpapa sexy sa akin.

Broken-hearted lang 'kuno' ako. Kung pwede lang mag uncrush ng sobrang dali ay matagal ko ng ginawa. Psychology says that if your crush is umabot na ng 2 years, then that's love.

Yeah right, I'm inlove with Damiel the bastard slash manwhore.

Pumasok na ako sa mall and thank goodness hindi ako hinarang. Pagpasok ay nakita ko na agad ang napakalaking logo ng H&M katabi ng Starbucks kaya pumasok agad ako doon.

I bought hoodies, jeans, and sexy dress since I'm finally 18 I can go to clubs na. Maybe I should ask Layla to go with me since she's a party girl.

Bumili lang ako ng kape sa Starbucks at nag ikot-ikot bitbit ang paperbags na pinamili ko sa H&M. Napahinto ako nang makita ang naka display na make up sa isang korean make up store.

They're so pretty!

"Should I buy one?" Tanong ko sa aking sarili.

I have tons of make up sa kwarto ko pero hindi ko naman ginagamit. May balak na nga ako itapon ang iba doon since malapit na mag expire and hindi ko man lang nagalaw.

Hindi ko na namamalayan na pumasok na ako sa make up store na iyon at may isang sales lady na nag aassist sa akin.

I bought a lot of make up and brushes. This will make me pretty and then lot's of guys will turn their heads to me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 WITHOUT REPLACEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon