MSH Magazine Interview, 2019

We have here few questions for our
Best Artist, these questions can be about you, your life, your career, and your newest album”

“Let's get it.”

“What pushes Key Hernandez or made you decide to pursue this path, of being an artist, being a singer?”

Key stops for a while and started to think.

“My passion, since I was a kid I really like singing, and writing poems. I admit that I'm not that interested academically, but hey I'm not a bad student.” Key laughed, he cleared his throat then continued to speak.

“Those poems became a song. During high school days, I was part of the band. The vocalist, performing in the stage was always my dream. I always look forward for my future and always visualizing myself performing in the big stage. So I think that's what really drove me, and also the support that I really received from someone. Especially when I was really down, she really motivate me.” He gently nodded and smiled.

---

Philippines, 2002

“Saan ba iyan mag aaral si Natalia?” napatigil ako sa pagkain at napatingin sa lola ko.

“Unibersidad ng Pilipinas, syempre Ma tulad sa kuya” napayuko nalang ako sa sinasabi nila.

“Aba mabuti naman, ano bang kurso ang kukuhanin mo?” ngumiti ako kay Lola.

“Hindi ko pa po sig---”

“Abogasya, ang kuya ay magiging Accountant e. May nagmedesina na sa pamilya, syempre magandang may Abogado sa pamilya diba.”

“Mabuti naman, konsuwelo nalang sa pamilya dahil pinapaaral yang mga marka niyo. Kaya dapat mag-aral ng mabuti.”

Tumango nalang ako, at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos lahat iyon, umuwi na agad kami. Pagkadating sa kotse hindi ko na mapigilang magtanong.

“Ma, hindi ko po sinabing mag-aabogado ako. Iba ang kurso na nasa isip ko.”

Rinig na rinig ko ang pagbuntong hininga niya sa upuang nasa harap ko.

“Ano na naman? Nursing? Hindi ba sinabi ko na saiyo na nagnursing na yung isa mong pinsan. May nurse na sa pamilya, alam ko anong mas bagay saiyo. Kaya huwag ka nang mag-isip pa ng ibang kurso at mag aral ka na lamang para makapasa sa UP.”

“Nga pala anak, hindi lang sa UP ka magtetest. May iba pa kaming school na pinagpaplanuhan, pero alam naming makakapasa ka doon. Pero gusto lang namin maipakita sakanila na pumasa ka sa lahat ng eskwelahan na pinag-exam mo.” Mas lalo akong napatahimik nung nagsalita na ang tatay ko.

Hindi ko alam bakit ganito sila, gustong gusto nilang may masabi sa lola ko. Mapagmalaki kami, dahil ba tumigil ang tatay ko nung maaga niyang nabuntis nanay ko. O dahil ba gusto nilang makipagkumpitensya sa mga kapatid nila dahil alam nilang magkakaroon ng mana.

Nakaramdam ako ng tapik sa braso ko, napatingin ako sa kuya ko. Ngumiti siya saakin at tinapik ang balikat niya. Dahan dahan naman akong lumapit at hiniga ang ulo doon.

---

“Squared nakalagay o, negative multiplied by negative is equal to positive.” napatigil ako sa pag eexplain sa mga mali niyang sagot sa quiz nila kanina nung nakita ko siya na nagsusulat na naman sa journal niya.

“Keyshon, nakikinig ka ba?” he glances at me and nodded. He put his index finger in his mouth and shushed me.

“rise, what lies.” he keep repeating those words as he taps the pen on the journal.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ParallelWhere stories live. Discover now