Driver (1)

2 0 0
                                    

First

Life is not easy, just like a bumpy/ rocky road, sometimes you're in a cloud nine, sometimes you're in a hot pot, toasted by your own thoughts.

Should we stop thinking about what will happen in the future? Shall we? Siguro wag, tayo lang naman Ang madidismaya.

*Riiinngggg*

The bell rings hudyat na tapos na ang unang klase sa unang araw. Sa ilang taon ko dito sa unibersidad na ito, hindi ko maipagkaka ila na nag eexcel ako. Palagi akong nasa tuktok, palaging matataas ang grades.

Ang problema nga lang, I don't have friends, not even a single one.

Maybe because I'm a nerd? Nerd ba tawag dun? Siguro.

But I don't feel lonely, I have someone that makes me happy, always. Ni minsan di ko inisip na maging malungkot dahil wala akong friends.

May mga babaeng umaaligid minsan sakin para makipag kaibigan pero di ko pinapansin. I know what they want. Gusto nilang makipag friend sakin para mapalapit kay Stan.

And yes, he is handsome, he is considered as a heartthrob in this school.

But anyways I should go to my second class, it's a bit early kaya dadaan muna ako sa cafeteria para bumili ng juice at tutungo na agad ako sa next class ko.

"Excuse me" pagsasalita ng isang medyo sexyng babae, she's an average type of person, siguro maraming nagkakagusto sa kaniya.No, scratch the average, napaka ganda niya. Parang anghel sa langit, pinababa ni Lord para sunduin ako.

"Stop staring at me like that, it's bad to stare" she said, napanganga ako, British accent parang dudugo ilong ko. Biglang kumulo ang tiyan ko na di ko maintindihan.

"Ahm" pag aalinlangan ko.

"A-Ahm" pag uutal, di alam ang sasabihin.

"Oh sorry my bad, I think you've felt uncomfy, I should've use my accent, sorry" Saad niya.

Super uncomfortable, nakakabigla eh. Ikaw ba naman mag eexcuse lang dapat British accent? Ang alam ko lang pangkalyeng accent eh.

"You like drinking apple juice?" pagtatanong ng magandang babae sakin, di niya ba ako lulubayan? Ano ba yan mapapasabak pa ata ako sa english nito.

"Ahm yeah" maikling sagot ko.

"Me too!" masiglang sigaw.

"Do you like studying?" tanong niya ulit, nakangisi na.

"Ahm yeah" sagot ko.

"Do you have a spot here in school where you study at?" Tanong niya ulit.

"Ahm yeah" sagot ko.

"Can you at least answer me without saying ahm yeah?" maasim na mukhang saad niya.

"Ahm...yeah?" sagot ko ng may pag aalinlangan. Ano ba dapat isasagot ko? No yeah?

"Anyways I'm Zeya Tan, you can call me Zey or Z, any of the two will do. A soon to be designer." Sabi niya ng nakalahad ang kamay.

Nag aalinlangan pa akong kunin Ito pero sa huli kinuha ko na lang.

"Siren Eya Lhorthon, syre or Eya will do" sagot ko ng nakangiti. Siya ang ka una unahang babae na lumapit sa akin na hindi nag sabi ng kahit na ano tungkol kay Stan. Siguro she just want to be my friend? Siguro, di natin alam.

Lumipas ang ilang oras at natapos rin ang ikalawang subject namin. I just knew na transferee pala itong si Zeya, kaya pala parang ngayon ko lang siya nakita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My KaleidoscopeWhere stories live. Discover now