Chapter 1

26 0 0
                                    

"byeee!!!!!!! Ingat kayooo!!!" sigaw. Ni Yorla sa mga kaibigan at katrabaho niya sa barko.

  "hoy! Yorla wag mo kaming kakalimutan!" balik sigaw ni Solui.

  "ungas! Ngayon palang kakalimutan na kita!" pang aasar niya sa kaibigan.
Akmang susugod ito ay pinigilan naman ito ng tumatawang si Kla.
  "gaguh to!" sigaw pa nito.

  "kahit kailan talaga mapang asar ka." tumatawang sabi ni Kla.

  "hoy boss Nick! , pag layag ng barko pakilaglag nalang po si Solui!" sigaw niya sa anak ng may ari ng barkong pinagtatrabahuhan niya.

  Tumawa ito habang umiiling ganon na rin ang katabi nitong si Miss Mia na asawa na nito. Kinasal ang dalawa sa barko habang naglalayag. Kahit nga noong una ay tutol ang ama ni Boss Nick ay bandang huli tinanggap rin nito.

  "punyeta ka Yorla!" sigaw ng asar na si Solui.

Binelatan niya lamang ito at tinawanan bago kumaway at tuluyan ng nagpa-alam.

--
Ang ngiting kaninang nakapaskil sa kaniyang labi ay unti-unting nawala. Napatitig siya sa malawak na dagat habang nakasamay sa pampasaherong bus pauwi sa kanila.

Wala na ang kaniyang Lola An. Hindi na niya ito naabutan. Umaasa pa naman siyang sa susunod na uwi niya ay maipagluluto na niya ito ng mga putaheng bago niyang natutunan. Hindi na pala yon mangyayari.

Mabilis niyang pinunasan ang pumatak niyang luha.
Tumigil siya sa pag-aaral kahit tutol ito dahil, ayaw nga nitong matigil siya sa pag aaral. Ngunit kailangan dahil mahal ang mga gamot nito at hindi sapat ang kinikita ng kaniyang ama.

Tatlo na nga lamang silang pamilya, iniwan pa sila nito.

Bumuntong hininga sya iwinaksi ang kaniyang mga iniisip at basta na lamang tumulala sa dagat.

Nang huminto ang bus ay bumaba na sya at sumakay naman ng jeep papunta sa bahay nila.

Nang makababa sya ay nakita niya ang kaniyang ama na nagkakape sa may labas.

"PA!" Sigaw niya.

  "Yorla!!" sigaw din nito at tumakbo para yakapin siya.

  "pa! Wag kang tumakbo matanda ka na! Mamaya uugod ugod ka na naman dahil masasakit na naman yang balakang at mga binti mo!" suway niya.

  "hoy! For your freaking information! I am still young and sexy.. May asim pa ito no!" umakto siyang nasusuka.

  "pa! San mo natututunan yang mga yan?" nagtatakang tanong niya. Pa english english pa ito.

  "nakita ko sa facebook. Ikaw kasi kawawa ka. Lagi ka nalang nasa dagat feeling mo sirena ka?" pang aasar ng papa niya.

  "oo naman pa" umakto siyang lumalangoy at nagpacute pa.

  "shokoy ka shunga!"
Akmang aangal siya ng may tumawag sa papa niya. Sabay nilang nilingon ito.

  "Yorla apo" Nakangiting tinakbo niya ang matandang tumawag sa kaniya.

Kapitbahay nila ito at matalik na kaibigan ng kaniyang Lola An.

  "laaa. Miss mo ba ang pinakasexyng dalaga sa ating lugar?" aniya habang nakayakap. Tumawa ito ng malakas at kinurot ng mahina ang kaniyang tagiliran.

  "hay naku. Yorla kahit kailan manang mana ka sa tatay mo" mabilis  siyang umiling at inirapan ang kaniyang ama.

  "la! Mas maganda ako kay papa! Fresh looking si papa gurang na yan" pang aasar niya.

  "itong batang to!" akmang susugudin na siya ng kaniyang papa pero nagtago siya sa likod ng matandang tawa ng tawa sa kalokohan nilang mag-ama.

  "kayo talagang dalawa. Hays. Kung nandito lamang si An" napatigil siya at muli na namang nakaramdam ng lungkot.

Nang mapansin ng matanda ang kaniyang lungkot ay niyakap siya nito ng mahigpit.

  "wag kang mag alala don. Masaya na yon ngayon. Hmm. Basta ikaw mag-aral ka lamang ng mabuti. Alam nating lahat na yon ang gusto niya para sayo" sabi nito. Tumango siya at pinikit ang mata ng maramdaman niyang pinupunasan nito ang luha niyang tumulo sa kaniyang pisngi.

  "Ry, pagpahingahin mo na itong si yorla." sabi ng matanda. Tumango siya.

  "oh sige po. La, pagpapahingahin ko lang. Kayo din po wag masyadong magpagod" tumango ang matanda at nagpaalam na.. Sila namang mag-ama ay tahimik na pumasok ng bahay.

Nilunod na naman sila ng lungkot.

"Yorla! Tumigil tigil ka nga sa kakatakbo! Itong batang ito oo" sigaw ng kaniyang lola An.

  "Si papa La! Pinapalo ako sa pwet!" sigaw naman ng batang si Yorla.

  "aba! Nagsumbong ka pa! Sinong may kasalanan! Ikaw na puro kalokohan ang alam! Alam mong uniporme ko yon sa trabaho tapos ginupit gupit mo at tinahi- ginawa mong dress para lang ipang rampa mo sa harap ng salamin!" napapailing na natatawa ang matanda.

  "ang cute kasi ng color pa eh. Yellow at violet. Hihi" malambot na sabi ng batamg Yorla.

  "tama na yan!" ngunit hindi nakinig ang mag ama. Patuloy lang ang mga ito sa paghahabulan. "isa!" muling sigaw ng matanda. Nang hindi pa rin tumigil ang dalawa ay kumuha ito ng tambo at naglakad palapit sa mag-ama.

Nakita ito ni Yorla kaya naman ay tumili ito at mabilis na nagtungo sa labas. Napatigil din ang ama nito at tuwid na tumayo. "maa! Wala na! Titigil na!" suko nito.

  "la! Paluhudin mo si papa sa munggo"  sigaw ni Yorla na nakasilip sa bintana.

  "Yorla! Yung mga halaman koo!!" malakas na sigaw ng matanda. At ang batang Yorla ay nakatikim ng palo sa pwet galing sa kaniyang lola. At ng tinawanan sya ng kaniyang ama ay inutusan ito na ayusin ang mga halamang naapakan ni Yorla.

-
Isang masayang ala-ala. Malungkot na ngiti ang lumabas sa labi ni Yorla.

Sa pag apak niya sa loob ng bahay. Bumuhos ang ala-ala niya kasama ang kaniyang lola An at ang kaniya Papa.

Silang tatlo na lamang ang magkakasama. Namatay na ang kaniyang lolo nong hindi pa siya naipapanganak at ang mama niya ay iniwan ang kaniyang papa pati siya, dahil hindi nito natiis ang papa niya dahil bakla ang kaniyang papa. Nakahanap ng amerikano ang kaniyang mama at sumama doon habang siya ay iniwan sa kaniyang papa.
Ok lang naman sa kaniya. Sobrang mahal niya ang kaniyang papa at lola na nagpalami sa kaniya na punong puno ng pagmamahal.

  "akyat ka na sa kwarto mo nak. Nilinisan ko na yon" ngumiti ang kaniyang ama ngunit wala ang kinang ng mata nito.

He look at his father. He knows, alam niya na sobrang sakit ang mawalan ng isang ina.

Alam niya, nong walang tumatanggap sa papa niya sa pagiging bakla nito, Ang ina nito ang kauna unahang tumanggap at nagmahal dito. Sumuporta at tumulong nong nahihirapan na ito. Ngayon wala na ang sandalan ng kaniyang ama. Ngayon naman gagawin niya ang lahat upang magampanan niya ang pagiging sandalan ng papa niya kapag malungkot ito gaya ng ginagawa nito sa kaniya.

  "i love you pa. Kaya natin to" nakangiting saad niya at saka niya niyakap ang kaniyang ama ng sobrang higpit.

  "keribels natin to be" pagpapagaan nito ng damdamin. Di niya tuloy mapigilang matawa. Hindi naman kasi madalas maglambot ang papa niya. Ewan ba nya kaka facebook ata nito ay pati ang mga slang words ay natutunan na nito.

  "keribels pa. Gerl power nga diba" pagsasakay nya.

"oh tama na ang drama ng buhay natin. Magpahinga ka na muna." tumango siya at bahagyang ngumiti. "sasabihin ko sanamg Magbeauty rest ka muna kaso wala ka palang beauty. A katulad ng papa mo kaya sweet dreams anak." pang aasar nito sa kaniya.

  "duh. Losyang ka na"  ganti niya saka mabilis na tumakbo. Rinig pa niya ang sigaw nito dahil ayaw nito. G tinatawag siyang losyang o kaya ay matanda na.

Nilibot niya ang kwartong matagal na niyang hindi natutulugan. Nakita niya pa ang mga larawan sa dingding.
Tinitigan niya ang mga ito bago nahiga sa kama at natulog.

GHOSTSHIP (PETEYORLA) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon