"CLEAVAGE"
Sabi ni ina,ang dibdib ng babae ay maituturing na sagrado
Sapagkat ito ang kanlungan ng bagong silang na tao
Gatas ditong dumadaloy ay hindi dapat sinisino
Dahil ito ang bumubuhay sa
nilalang ng mundo.Bahagi ito ng katawan na dapat daw ikubli
Sa mapanghimasok na mga mata't makakati
Mistula itong hiyas na sa baul nakatabi
Upang hindi manakaw sa kalagitnaan ng gabi.Ngunit sa dahang-dahang paglipas ng panahon
Unti-unti ng nililimot ang mga ginintuang leksyon
Ang yumi at alindog ay iba na ang depinisyon
Mas lantad ang balat,mas higit ang atensyon.Ang naging palasak na gawain ng karamihan
Kukunan ang sarili ng kani-kaniyang larawan
Kahit pa maluwag ang pang itaas na kasuotan
Saka ipapaskil sa social media at ipapangalankadan.Sa ngalan ng likes at kagustuhang mapansin
Hindi raw sapat ang magandang mukha sa modernong paningin
Palamutian ang iyong pisngi't papulahin ang labi,iyan ang kailangan mong gawin
Pati ang bahagi ng dibdib mo ay ipakita mo na rin.Wika pa ng iilan,wala naman daw mawawala
Kung ipapakita nila ang kanilang dibdib bukod sa kanilang mukha
Ikaw nga ay mag-isip at sa agos ay kumawala
Dahil ang walang respeto sa sarili ay mas masahol pa sa daga.Oo nga't ang iyong litrato ay totoong pinupusuan
Ng lahat ng iyong 5000 na kaibigan
Ngunit hindi mo ba napapansi't hindi mo ba nalalaman
Na ang iyo mismong sarili siyao ring nilalapastangan.Sa daigdig na ito'y ano na nga ba ang nangyayari
Tila wala ng paggalang ang tao sa sarili
Upang mabigyang pansin at magustuhan ng marami
Ay ipapasilip sa mga uwak ang nakatagong diyamante.Kung ikaw ba ay may ginto't pilak at mga alahas?
Ipapakita mo ba ito't ipagyayabangan sa mga tao sa labas?
Hahangaan ka nga nila ngunit darating din ang oras
Na tuluyang maglalaho ang ningning ng iyong hiyas.Sapagkat nananatiling bulag ang ating mga mata
Hindi tayo marunong kumilatis sa tunay na ganda
Wala nang pakialam sa kalinisan ng kaluluwa
Bahagi ng katawan na lamang ang siyang sinasamba.Ang magagandang tanawin ay nararapat lamang sa liblib
Dahil kapag nadapuan ng mata'y tiyak na manganganib
Mas kaakit-akit ang babaeng sa diyos ay may pananalig
Mas matimbang itong puso nasa loob ng dibdib.Likes,wow at hearts,wala iyang saysay
Ang totoong kagandahan ay hindi riyan nakabatay
Kabutihang-loob ang alindog na tunay
Na iyong dadalhin hanggang sa iyong hukay.