Governor's Possession
Ang dagat ng taong naghihiyawan ay talaga namang nakakabingi, mga banners na winawagayway at ang mga cheer para sa kani kanilang kandidato na naiibigan.
"Ang nagwagi, at ang ating Binibining Mutya ay . . . . . ." anunsyo ni Baranggay Captain Isko.
Confident ako na mananalo ako kaya hinanda ko na ang ngiti at kaway ko.
Shuta, walang wala sila sa ganda at alindog ko. At sa talent portion kong pang X Factor ang datingan. Ako lang naman ang may kakahayahan na mag ballet dancing ng nakayapak, oh ha beat me beeches."Candidate Number 06!, Louisa Reyes"
I TOLD Y'ALL IM GONNA WIN IN THIS PAGEANT!!
Napatakip ako sa aking bibig gamit ang dalawang kamay habang naglalakad papuntang gitna.
Imahe ng beauty queen na nagwagi, kuway mukhang nagulat pero praktisado naman. Plastik ka ses.
" Thank you !, Salamat ! Salamat !" kaway ko pa at nagbigay ng flying kiss sa lahat.
Ang mga guardian angels kung tumambay ay pawang nagsi awitan ng Holy Night. At ang lahat ng makita ko ay tila nagniningning." Candidate number 5 bakit ka lumapit dito? " bulong sakin ni Kap.
I look at Kapitan Isko ng nagtataka. Ang mga awit ng Holy Night ay napalitan ng Zombie.
"Excuse me, Pixel. You got it wrong bitch Candidate number 6 at hindi 5 tonta, hmp" parang sa mga cliche horror movie.
Ako'y dahan dahan na napalingon."AAAAAHHH SADAKO ! !" hiyaw ko na kinaani ng mga halakhak sa sangkabaranggayan.
" To enlighten us all, our Binibining Mutya is Candidate number 6, Louise Reyes. Lets give him an applause" wika ni Kap.
At tila ang lahat ng confidence ko sa katawan ay biglang lumipad kasama ng dignidad ko.
Kaya naman hindi ako makapaniwala na napaatras at nakatakip pa rin ang mga kamay sa bibig.Baklaaaaaa nakakahiya ka ! !
" Mister Pixel watch out !" tila nagpanting ang aking tenga sa aking narinig.
Mis.ter Pixel.
Huli na para sumugod ako kay Kapitan sapagkat nahulog na ako sa stage.
Bakla, sana paggising ko bangungut ito lahat.
Ang hiyaw ng sangkatauhan at ang liwanag mula sa ilaw ay aking siyang natanaw. Mabuti pang kainin na lang ako ng lupa jusko. Pumikit ako at inantay ang aking pagbagsak ngunit nakailang segundo na ngunit ako'y tila lumulutang pa.Kaya naman napagdesisyon kong imulat ang mata.
Anghel, hindi si Lucifer. Napakapogi bes.
Walang wala ang Binibining Mutyang title sakin, ang koronang plastik at ang sash na kulay neon. Pak na pak ang natatanaw ko ngayon. Panalong panalo na ako dito jusko.
" Ikaw na ba si San Pedro? Tukain sana ako ng manok mo oh Adonis ko." wala sa sariling saad ko.
Ang nakatiim na labi nito'y gumuhit ng isang ngisi.
Shuta, parang nakalas ata ang binuhol ko.
" I'm not San Pedro but sure, ipapatuka kita sa manok ko."
BINABASA MO ANG
Governor's Possession
RomanceGovernor Jackson Sandoval think he has everything in his hands control, well think again.