Panghihinayang

6 1 0
                                    

“KASI BUMALIK YUNG NARARAMDAMAN KO SA KANYA NUNG BUMALIK SIYA!”

‘Hindi ko pa lubos na maunawaan kung ano ang nangyari. pero ayos lang, mas mababawasan naman yung sakit kapag dumating yung araw na yun.’

Huminga ako ng malalim bago sabihin ang mga salitang siguradong pagsisisihan ko pero kung ikakasaya naman nila….

“Sige, Malaya ka na. Sana maging masaya kayo ha? Sana na kahit anong pagsubok ang haharapin niyo, sana kayanin niyo

Nagsimula akong lumakad papalapit sa kanya at niyakap siya sa huling pagkakataon. Pagkatapos na ilang segundo ay bimitaw na ako at tumalikod ng, Nakangiti.

Tumayo at naglakad pauwi habang inaalala lahat ng mga masasayang araw na pinagsamahan naming dalawa.
.
.
.
.
Nagising ako dahil sa aking telepono na kanina pang tumutunog. Tumayo at inayos ang aking hinigaan. Pagkatapos noon ay saktong may tumawag sa akin.

“Magandang umaga sa pinakamagandang babae sa buong mundo!” bati niya sa akin.

“Magandang umaga din sa pinakamatipunong lalaki  na bumuo sa mundo ko” bati ko sa kanya.

“Kumain ka na ba? Kamusta tulog mo? May gusto ka bang kainin?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.

Napatigil siya nang may marinig siya tawa sa kabilang linya at kinuha ko yung pagkakataon para sagutin ang mga tanong niya.

“Hindi pa kasi kakagising ko lang, ayos lang naman at gusto ko ng pancake.” Sagot ko sa tanong niya.
Narinig ko siyang tumawa nang mahina bago sumagot.

“O,sige. Dalhan na lang kita ng pancakes mo pakisabi kay tita na puupunta ako diyan. Kita na lang tayo maya-maya, mahal kong prinsesa.” Pagpapaalam ni Calix bago niya ibaba ang telepono.

Lumabas na ako sa aking kwarto at bumaba sa hagdan. Dumiretso ako sa kusina kung saan ko kadalasang nakikita ang aking nanay.

“Ma pupunta daw po si Calex mamaya” sabi ko sa kay mama.

“Sige lang anak papasok na ako sa trabaho at alam mong madaling araw na ang uwi ko.” Sabi ni mama

“Alam mo naman na masyadong marami ginagawa sa Hospital.” “Alam mo naman na masyadong marami ang ginagawa sa Hospital” sabay naming sabi.

Hinalikan ni mama ang aking noo at nagpaalam. Saktong pagbukas ng pinto ay nandoon na si Calix at siya ay nagpaalam na din kay mama.

“Pumasok ka na sa bahay Calix at alam niyo na ang tama at mali.” Sabi ni mama at tuluyang umalis.

Pumasok na ng bahay si Calix at kami ay dumiretso sa kusina para aming ang agahan na dala niya. Pagkatapos noon ay nanood lang kami ng iba’t ibang pelikula  habang magkayakap sa sopa.

Hindi naming namalayan ang oras subalit nung kami’ y tumayo ay ala-una na ng hapon. Umorder na lang kami ng pagkain at iniintay itong dumating. Makalipas ang kalahating oras o mahigit ay   dumating na ito at kami’y kumain na.

Sumapit na ang dilim. Kinakailangan ng umuwi ni Calix sa kanilang bahay at naiwan akong mag-isa. Nag-ayos na ako  ng aking sarili ng may napansin akong pasa sa aking braso. Ito ay hindi ko na lang pinansin at humiga na sa kama dahil lagi naman na akong may pasa.

Sa aking paggising ay aking naalala na may pasok na sa eskwela kaya ako’y tumayo at naghanda na. Tumingin ako sa aking orasan habang nagme-medyas at napansing maaga pa at pwede pang kumain ng almusal kaya ayun ang aking ginawa.

Pagdating ko sa kusina ay nagluto ako nang itlog at nag-init ng tinapay. Napansin ko na hirap akong lumunok habang tumatagal ay pansin kong hindi ako kumportable pagkatapos kumain.

Umalis na ako sa bahay at  pumasok sa eskwelahan na aking pinapasukan. Nakita ko ang aking matalik na kaibigan na si Sia, nagkakilala kami nung kami ay nasa elementarya att mula noon ay nagging magkaibigan na kami at si Calix na hindi pa din ako napapansin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One ShotsWhere stories live. Discover now