that guy

3 0 0
                                    

"Ms. Arellano!  Hindi porket ikaw ang muka ng school ay magiging mabait ako sayo! Ang dali lang ng tanong na yan!"

Pinapagalitan ngayon si Mira. Math subject namin ngayon at nasaktuhan na hindi kami sabay na nakapag aral ni Mira. Sabi nya kasi sakin wala daw pumapasok sa isip nya kapag wala syang kasama mag aral e ung ivang friends namin nag dadaldalan lang din pag magkakasama kaya mas gusto nya ko kasama pag nag rereview.

"S-sir eto po? " tanong ni mira.
May sabot na sya sa board pero may mali sa isang part.

" nag review ka ba ?! Nadiscuss ko na yan kahapon?!"

Bakit hindi nalang kaya sabihin ni sir ung sagot tama nmn ung iba e nag kamali lng ung operation na ginamit kaya mali sagot.

"Puro ka kasi daldal! Wag mo kami daanin sa muka papangit pa ka rin naman! Umupo ka na !"

Napayuko si mira habang nag lalakad papunta ng upuan. Napabuntong hininga nalang ako grabe talaga si sir, ganun ba talaga pag matandang binata ? Masungit ?

"Ms. Legazpi! "

Nagulat ako kay sir ng sinigaw apelido ko? Ano nanaman ? Baka ako naman sermunan neto nako. .
"P-po?"
"Check the attendance! Tatanungin KO bukas ang mga nandito ah! At wag nyo tatangkain hindi ipalista ang pangalan nyo subukan nyo lang! Makikita nyo! Class dismiss!"

Sabay sabay kaming napahinga ng maluwag ng umalis si sir. Nalista ko nmn na talaga pangalan ng mga present kanina pa lagi naman kasi ako inuutusan ni sir.
Napatigil ako sa pag liligpit ng gamit ko ng may yumakap sakin sa likod. Alam ko nmn na si Mira yun ganyan sya pag malungkot.

"Okay lang yan Mira, gusto mo mag aral mamaya?" Tanong ko sa kanya sinagot nya lng ako ng tatlong tango at umupo sa vaccant na upuan sa tabi ko.

"Hays! Pano na maging ikaw harmony? "
Na tawa naman ako sa tanong nya saken.
If you only knew miracle I wish I was you.
"Haha ano ka ba. Wag mo pangarapin"

Natawa naman sya sakin.
"Ayan ka nanaman. Ano bang kaayaw ayaw sayo harmony?"

Tumahimik lang ako ang nag simula ng magbasa kaya nag basa nalang din sya
"A-ano"
Napatigil kami ni mira sa binabasa namin ng mag salita si vince. Nandito pala sya ? Tumingin kami sakanya hinihintay ang sasabihin nya.

"Pwede bang sumama sainyo m-mag a-aral? "

Nagkatinginan kami ni Miracle ng tanungin nya yon at napangiti .

"Sus yun lang ba? Syempre pwede!"
Napangiti naman si vince at umalis na .

"Ven?" Napalingon nmn ako kay mira.
"Bakit?"
" parang may pagkaweird sya no? "
"Sino? "
"Si vince?"
.hmm may pagka weird nga sya pero d ko sasabihin kaya nag kibit balikat nalang ako at nag basa .
Ng tinamad ako magbasa napayuko nalang ako sa desk ko. Bakit nakakatamad ngayong araw ? Hayyyy.

Kumakanta ako non ng pumasok sya sa pinto. Tumabi sya sa mga kaibigan nya bago kami nag katinginan. Hindi ko alam pero sa tingin nyang yon kinabahan ako bigla.  May program ngayon sa church kaya napakanta ako ngayon.
Hindi na man talaga ako taga dito nagbabakasyon lang. Binisita ko lng ang ate ko.

Matapos akong kumanta ay lumakad na ko papunta sa kinauupuan ko. Na napansin ko na sa likod lng ng inuupuan nya. Pagkaupo ko nagkaron ako ng chance para matitingnan sya. Kahit side view lang nakikita ko alam kong gwapo sya . ung mahaba nyang pilikmata, matangos na ilong singkit na mata, moreno sya tama lng ang katawan bagay sa kanya ung bonet na suot nya. Nagulat ako ng lumingon sya sakin. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa tingin nayon.

Bakit ganon? Sino ba sya ? Pano nya sakin nagagawa to. Hindi ko sya kilala.

"Veeeeennnn! Gising naaaaa!"
Napabalikwas ako ng upo sa sigaw na yun. Myghad! Nakatulog pala ako
Napa bunting Hininga ako. Sya nanaman, hindi ko sya makalimutan.

"Kanina pa kita ginigising girl uwian na nag bell na ! Wala na bang balak umuwi? Sabi mo mag aaral pa tayo"

Dami na kaagad sinabi lutang pa nga ung tao e nako.  Tumayo na ko at sinabit ang bag sa balikat ko bago inayos ang buhok ko at naglakad na kami palabas. Paminsan minsan napapahinto kami ni mira dahil sa mga bumabati sakanya , sya naman daldal ng daldal nakikinig lang ako sakanya wala naman akong sasabihin. Iniisip ko lng ung panaginip ko kanina. Napanaginipan ko nnmn sya. Isang beses ko lang sya nakita pero d ko na makalimutan. Ano kayang pangalan nya? Kelan ko kaya ulit sya makikita?

"Uy vince ikaw pala!" Napatingin ako sa kinawayan ni miracle at nakita si Vincent na nakatayo sa gate namay dalang plastic mukang pagkain ang laman.

" a-ano sabi nyo kasi pede ako sumama mag a-aral e"
" haha oo nga umalis ka kasi kaagad kanina e "
"Tara na para d tayo gabihin masyado" yaya ko sakanila

"Kila ven tayo mag aaral kasi bawal sya abutin ng dilim pagagalitan sya kaya sakanila nalang"
"O-okay lang"

Fast forward. Nasa bahay na kami at ung kapatid ko lng na bunso ang nasa bahay. Oh well sanay na kami ganun kabusy sila mama tas papa.

"Upo muna kayo mag luluto lng ako ng makakain natin basa lang kayo jan"

With that umakyat na ko sa kusina at nag umpisang mag luto ng fries. Okay lang nmn kila mama mag dala ako ng bisita since d nga nila ko pinapalabas ng gabi kaya ayun yung kapatid ko naman busy sa computer nanunuod ng kdrama. Mahilig sya sa korean kaya minsan pati salita nya d namin alam kung salitang alien or korean ba.
After KO magluto nag tira ko ng pagkain para sa kapatid ko then bumaba na sa sala.
Nakita ko nmn na nag kukwentuhan si vince at mira. Mukang kumportable na si vince hindi na sya mukang nahihiya .

"Tara na let's start"
"Eto naman napaka excited mag aral! Kinukwento pa nga kita kay vince e!"
"Eh? Ano na man ikukwento mo ? Wala namn exciting sa buhay ko?"

Totoo namn normal lang naman ako haha

"Napaka independent mo na pala simula bata pa? Ang galing naman nun"
Sabi ni vince. Napaka talaga ni mira! Since bata pa kaya ko na kasi mag isa naalala ko non d pa ko nag aaral pero naiiwan na ko mag isa sa bahay d nmn kasi ako malikot lulutuan lng nila ako ng pagkain maghapon lock lng ung mga pinto then ayun na layas na sila.
Ganun ako ka independent maniwal man kayo sa hindi.

Siguro dahil din don kaya d ko kailangan ng madaming kaibigan dahil kaya ko naman.

Ma aga din ako natutong magbasa dahil nga noon. Nanunuod lng ako. Parang ako nalang din nag turo sa sarili ko nireview lang nila ako.  Teaher ang mama ko business man naman ang papa ko. Hindi ko nga alam napaoaisip ako non baka d ako mahal ng magulang ko kaya d nila ko makuhanan ng baby sitter perk naisip ko din bakit ko pa kailangan ng baby sitter kung kaya KO nmn mag isa.
Then it struck me. Naisip KO nnmn ang lalaking yun! Kaya ko mag isa! Pero bat naisip kosya? Anong connection nya!? Nako
Parang ewan. Vennise kalimutan mo ang lalaking d mo naman kilala!

Haysss so much for recalling the past.

My Secret Boyfriend Where stories live. Discover now