WSFHM-6

31 0 0
                                    

"Ay taray be! Humo-Hopeless romantic." tawa ni Janelle. "Im just stating whats on my mind. Anong Hopeless romantic doon?" sagot ni Ar sabay nagwalk out. Malamang bibili nanaman yun ng cream-o.

"Lakas maka Hugot non. Pero sabagay may point sya." pag sangayon ni Armina habang nakapogi sign sa baba nya na tila nagiisip.

Pagbalik ni Hubby masasabi na nya sakin? Ang alin? Ano ba! Kagaya ng sinabi ni Ar mahirap nga talaga syang intindihin, Parang algebra! Daming equation.

"Hoo lilipas din yan, Antayin nalang natin." sigaw ni Lyka at nagsibalikan na sila sa mga pwesto nila habang ako eto at naiwan. Nagiisip padin na marahil ay pagbalik nga ni Hubby ay may importante syang sasabihin saakin. Pagkatapos ko syang pagkatampuhan eto ako at hoping sa kanya. Whats wrong with me?

Sabi ni Lyka inlove na daw talaga ako. Ako Inlove talaga? Oo alam ko. Pero eto pala yun.

Reminder #1: Malalaman mong Inlove kana kapag concern kana sa kanya nang higit sa pagkakaybigan na meron kayo. Na kapag lagi mo syang naiisip at kahit galit ka sa kanya ay nagaalala ka.

--

Lumipas ang Sabado at Linggo. Heto at Lunes nanaman. Papasok na kaya si Hubby? Namimiss ko na sya. Yung pangungulit nya. Yung pangaasar nyang baboy. Lahat lahat, Di naman kasi sya nagpaparamdam. Ni text, Ni tawag, Ni reply man lang sa  mga comment at chat ko.

Baka naman nakahanap na sya ng bago sa Laguna? Oo nga! Baka inakit sya doon, Di naman mahirap magustuhan si Hubby ko ehh. (Nu bayan inaangkin ko agad) Ah basta! Pano nga kung ganoon? Ang hirap naman ng ganto. Huhuhuhu.

Reminder #2: Wag iisipin masyado si Special Someone. Nakakaparanoid na ewan. Kung ano anong maiisip mo tungkol sa kanya.

Hirap naman e, Eto at nakatitig ako sa picture nya sa cellphone ko. "Hoy! Namimiss na kita.." bulong ko sa picture na nasa harap ko. "Babalik kapa ba? Uy! sabihin mo naman oh. Pano ako dito? Sino nalang ang magiging Hubby ko?"  Bulong ko pa, Yan! Yan ang naidudulot ng love life na yan. Nakakaparanoid talaga!

"Inip ka naman agad." isang pamilyar na boses ang nagsalita.

"Syempre naman, Matagal ka ng nawala. Di man lang kita nakakausap." sagot ko dito, Astig naman nito. Nagsasalitang picture ni Hubby nakakatuwa.

"Sorry ha, May inayos lang kasi ako e." ayan nanaman oh, Sinasagot ako. Bat di bumubuka bibig? Hala!

Napalingon ako sa gilid ko, At laking gulat ko ng makita si Hubby na nasa tabi ko. "Miss me?" natatawang tanong nya.

"Nanaginip ba ako? Nakakatakot sana magising na ako!" sinampal sampal ko pa ang sarili ko. Si Hubby? Nasa harap ko?

"Ganyan ba ang epekto ng pagkawala ko?" Mayabang na tanong nya at yun nga hinangin ako nag paikot ikot ng 360 degrees dahil sa kayabangan nya. Dejoke lang. "Yabang naman neto."

"Sus, E kinakausap mo nga ako dyan e." sabay turo nya sa cellphone ko. "Pero infairness ang pogi ko dyan." mahabol nya.

"Woah, Huy? Napasukan yata ng hanging laguna yang utak mo." pinukpok ko pa ito na dahilan para mapaaray sya. "Brutal." mahina nyang reklamo.

"Sus namiss mo lang ako.." simple kong sagot. "Oo nga e. Wala akong kakulitan dun." biglang lumungkot ang ekspresyon ng mukha nya. Gotcha!

"Tell me Hubby whats wrong?"

"Kasi ganito yun..." then he start telling the whole story. Kung bakit sya nagpuntang Laguna. Kung ano ba ginawa nya doon. Lahat lahat.

At ayon nga, Dahil pala sa conflict ng parents nya ay kaylangan nya munang asikasuhin ang bunso nyang kapatid doon. Medyo nahirapan daw sya kasi wala man lang syang kasama. Walang gaanong kausap. Wala din daw signal doon kaya hindi nya ako matawagan o makacontact.

"Pero okay na ako. Nakita na kita." niyakap nya ako ng mahigpit na para bang isa akong mahalagang bagay na muli nyang na kita. Pinamulahan naman ako ng pisngi at unti unti akong napangiti. 

Ganto pala yun, Nakakakilig pag namimiss.

--

Superchicharoni xx.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When She, Found Her Match.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon