"Sa palagay ko'y may reserbasyon kayo para sa akin." Maaliwalas ang kanyang ngiti. "I'm Vanessa Lopez."
Sinuklian ng registration clerk ang ngiti niya. "Sandali lang po, Miss Lopez, at kukunin ko lang ang inyong susi."
Inilibot ni Vanessa ang kanyang paningin sa malaking lobby ng Campuestohan Lounge. Isa sa kanyang pangarap ang nagkatotoo--- palilipasin niya ang susunod na apat na linggo sa pinakamarangyang bakasyunan sa magandang pasigan ng Dumaguete.
Tiningnan ni Vanessa ang dilaw niyang sundress na ang katingkaran ay nakikibagay sa alimpuyo nang nagliliyab na kulay-rosas, nangingintab na kulay-dalandan at mga pulang caftans at kasuotang pang-tennis at pang-jogging na umaadorno sa masayang kumpol ng mga taong pumupuno sa lobby. Pero ang kulay-abong sweatshirt ay tila wala sa lugar.
Sweatshirt? Muling bumalik ang kanyang paningin sa taong nakakuha ng kanyang atensiyon.
May suot itong kupasing jeans na sa kalaunan ay tila inaasahan niyang makarinig ng ingay ng napupunit tuwing kikilos ito, at isang lumang sweatshirt. Ang paningin niya ay bumaba sa kabuuan nito mula sa makapal na buhok na kulay-ginto na naging kulot sa palibot ng mga tainga, sumasanib sa matigas, may balbas sa panga nito, tungo sa pudpod na ring moccasin. Pagkatapos ay umakyat muli iyon upang makasalubong ang isang pares ng mga asul na matang tila nanunukso, tinatanggap ang kanyang inspeksiyon. Tumingin siya lampas niyon, napahiya dahil nahuli siya.
Ngayon, ibinigay na sa kanya ang magiging susi niya ng tutuluyang kuwarto. "Sana po'y magustuhan ninyo rito, Mrs. Lopez."
"Miss pa po." Pagtatama niya.
"Ano po?" Nangunot ang noo ng clerk. "May mali po siguro. We have a reservation for Nick and Vanessa Lopez."
"Pero walang Nick Lopez---"
"Siyempre mayroon. Ako. May problema ba?"
Pumihit si Vanessa para lang mapaantada sa lalaking naka-sweatshirt sa likuran niya. Sa pinakamataas niyang sapatos na may takong, mga ilang pulgada na lamang ang baba niya sa balbasing osong ito. Na ganoon naman talaga ang hitsura sa malapitan.
Lumingon siya sa registration clerk. "May reserbasyon ako para sa single. Iyon ay dahil single pa lang ako. Ni hindi ko nga kilala ang lalaking ito." Sabay tingin sa lalaking nasa likuran.
Humingi ng paumanhin ang ninenerbiyos na clerk at saka pumasok sa pintuang may karatulang Manager. Sinubukan ni Vanessa na huwag pansinin ang lalaking nasa tabi niya.
"Ikaw si Vanessa Lopez?" Ang humahangang paningin nito ay humaplos sa kanyang balingkinitang katawan. Ang expression nito ay sa waring sa isang gutom na lalaking nakatulala sa isang makatas na steak.
"Oo, ako." Malamig ang tingin ni Vanessa dito.
"Parang pinagtiyap nang pagkakataon, hindi ba?" pagpapatuloy nito. "Hindi karaniwang pangalan." Nanatili siyang walang kibo. "Mabuti pa'y magpakilala na tayo sa isa't isa," dagdag nito. "Kagaya nang nadiskubre ko na, ako si Nick."
Inamin ni Vanessa sa sarili na may nakararahuyong ngiti ito, ngunit ayaw niyang bigyan ng pagkakataon ang pagiging malapit nito. Sandali lamang niyang kinamayan ito, pagkatapos ay tumango.
"Uh, Miss Lopez." Lumapit ang manager, na naguguluhan. "Hindi ko alam kung paano nangyari, pero kayo ni Mr. Lopez ay naka-book sa iisang silid.
"I'm sorry, pero hindi ko matatanggap iyan. Puwede ba bigyan ninyo kami ng magkaibang kuwarto?"
"Wala na po kaming available na kuwarto, Miss Lopez. February na kasi." Sumulyap ang manager kay Nick at sa kanya muli. "Ipinarereserba ni Mr. Lopez ang suite na iyon sa ganitong panahon taun-taon. Siguro, isa sa mga bagong empleyado namin ang nag-akala na ang inyong reservation ay isang duplicate request. Ikinalulungkot ko talaga ang kaguluhang ito, pero ang inaalala ko'y baka wala na kaming magawa pa rito. Fully-booked na kami para susunod na buwan. "
BINABASA MO ANG
Ang Love Story Ni Vanessa
General FictionAng pinagsamang hotel accomodation ay hindi bahagi sa mga planong bakasyon nina Vanessa Lopez at Alexander Nicholas. Ngunit kung minsan, ang hindi inaasahan ay isang kaway ng kapalaran. . .