Chapter One

1.1K 27 8
                                    

Chapter One

Third Person POV

"Tara na?" Wika ni Ace, sumulyap sa huling pagkakataon si Sapphire sa lapida ng kanyang pumanaw na kuya at saka siya tumango kay Ace

Inilahad ni Ace ang kamay niya para maalalayan niyang tumayo si Sapphire

Ilang taon din ang lumipas, maraming nagbago sa mga buhay nila. Maraming pagsubok ang dumating. Pero kahit ilang taon pa ang lumipas hinding hindi nila makakalimutan ang nangyari noon sa kanilang mga kaibigan, kamag-aral at mga guro.

Plano ng magkakaibigan ang magkita-kita sa isang restaurant. Friday ngayon kaya bukas wala silang pasok kaya nagpasya silang magkita-kita at magbonding

Naunang dumating sina Ace at Sapphire sa meeting place nila at nagsunod-sunod na rin ang pagdating nang ilan

Nabawasan man sila noon pero may nadagdag naman ngayon

Sa iisang university lang ang kani-kanilang pinapasukan maliban sa kaibigan nilang si Jera

"Kamusta na nga pala si Jera?" Pagtatanong ni Eulo

"Ayun, still waiting sa pagdating ni Robin. Ang balita ko doon siya nag-aaral sa University sa probinsya nila" Sagot naman ni Patricia

"Hinihintay niya pa rin yun hanggang ngayon? E, ilang taon na kaya simula nung umalis yun at nagpunta ng Korea" Saad naman ni Vince

"Mahal niya e. Diba pagmahal mo ang isang tao handa mong gawin ang lahat? Kahit ang maghintay ka pa ng sobrang tagal" Patricia

"Tama na nga ang usapang pag-ibig! Nakakaumay e!" Sabi naman ni Vaughn, bago nilang kaibigan

"BITTER!" sabay-sabay nilang sigaw kay Vaughn at nagtawanan sila

Nagkwentuhan ang nagkasiyahan ang magkakaibigan ng may mapansin si Sapphire

"Nasan si Charlene? Bakit wala ata siya rito?"

"Oo nga no? Ngayon ko lang napansin na wala pala si Charlene" Sabi ni Rachelle, girlfriend ni Eulo

"Tawagan kaya natin?" Sabat ni Mark, kaklase ni Patricia na napasama na rin sa barkada

Tatawagan na sana ni Mark ang kaibigan ng mag'ring ang cellphone ni Ace kaya napatinggin silang lahat

"Hello?.... Oo sige pupunta kami ngayon na ngayon din" at ibinababa na nito ang tawag

"Sino yun? At anong pupunta?" Vince

"Nasa ospital daw si Charlene"

"ANO?!" Sabay- sabay nilang sabi "Bakit daw?"

"Hindi ko din alam. Basta ang sabi nang kapatid niya nasa ospital daw si Charlene. Itetxt daw niya satin yung address kung saang ospital" pagpapaliwang ni Ace

-------

"Wala na ba kayong nakalimutan o naiwan?" Tanong ni Vince na nasa driver seat

"Wala naman"

Pagkatawag kasi ng Kapatid ni Charlene na si Tet nagpasya sila na puntahan agad si Charlene. Nag-aalala kasi sila sa kanilang kaibigan

Nagplano silang magpunta doon kahit na madilim na sa daan. Pasado alas syete na kasi ng gabi

Sumama rin ang ilang kaibigan ni Mark na sina Bodak at Pj. Kaya sobrang ingay sa loob ng Van

"Alam niyo ba mga pre may napanood ako tangina nakakadiri!" Bodak

"Oh talaga pre?!" pang-aasar ni Pj sakanya

"HAHAHAHAHAHAHA! PUCHA LAUGHTRIP TALAGA! HAHAHAHA" Puro tawanan ang tatlong magkakaibigan sa likuran ng sasakyan na ikinagalit ni Vaughn dahil nagising siya sa ingay ng mga ito

"Bastusan ba? Natutulog yung tao napaka ingay niyo. Bakit pa kasi kayo sumama? Hindi naman kayo belong dito. tch"

"Aba leche tong, Vaughn busabos na to! Tanggalin ko yang kuntil mo e. Hindi porket kamukha mo si Gerald na nasagasaan ng sampung beses ng pison gaganyanin mo na kami!" Pangaasar ni Bodak

"Tangina ka Bods laughtrip mga pinagsasabi mo! HAHAHAHAHAHAHAHA!" Sabi ni Mark natawa na rin ang iba dahil sa sinabi ni Bodak pero si Vaughn hindi na matago ang inis sa mukha niya, napasabunot na lang siya sa buhok niya sa sobrang inis niya

Nasa kalagitnaan sila ng Byahe ng may mapansin si Patricia na nakaupo sa front seat "Sigurado ka bang dito talaga yung daan papuntang ospital?"

"Oo, ito yung daan na nakalagay sa address na pinadala ni Tet" Vince

"Bakit ano bang problema Pat?" tanong ni Rachelle

"Wala naman, ang creepy kasi nang daan. Tsaka hindi niyo ba napapansin habang papalapit tayo sa address ng ospital parang mas nagiging nakakatakot yun daan. Look, puro puno yung nadadaanan natin tapos kanina pa kong walang nakikitang bahay o tao"

"Oo nga mga pre! Yung daan parang ito yung mga napapanood ko sa mga movies, parang yung sa wrong turn kung baga" Eulo

Biglang kinilabutan ang ilan sa sinabi ng dalawa lalong lalo na si Vaughn

"Huwag na kaya tayong tumuloy?" Vaughn

"Ayy, nababading si Vaughn mga pre! Hahahaha!" sabi ni Pj kaya nagtawanan yung tatlo sa likod

"Manahimik muna nga kayong tatlo. Wala kayong naitutulong" wika ni Ace na medyo seryoso sa oras na ito

"Kung babalik tayo sayang. Malapit na rito yung ospital ayon sa GPS" wika ni Vince

Nagusap-usap ang nagkakaibigan kung tutuloy pa sila. In the end nagpasya silang dumiretso sa ospital dahil ayun kay Vince malapit na rin daw

Hindi nagtagal narating din nila ang kanilang papupuntahan, pinark ni Vince ang Van at isa-isa silang nagbabaan

Napahawak si Patricia sa braso ni Vince

"Guys, sigurado ba kayong ito talaga yung Ospital na yun?" Rachelle kinilabutan ang lahat sa kanilang nakikita ngayon habang nakatayo sila sa harap ng labas ng ospital

"Bakit ganyan yung itsura ng ospital, mukhang abandunado?" Wika ni Eulo

"Hindi ko din alam" Ace

Dinaial ni Ace ang number ng kapatid ni Charlene pero hindi ito sumasagot

"Nandyan ba talaga sa loob si Charlene?" -Mark

"Yan ang dapat nating alamin. Tara at pumasok na tayo sa loob" Sabi ni Sapphire, hinawakan ni Ace ang kamay niya kaya napatinggin siya rito, pinisil niya ang kamay ni Ace at nagsimula na siyang maglakad ganon rin ang iba

---------

Hospital Crime (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon