THIRTY THREE

580 27 12
                                    

Nakalabas naman agad si Maine ng hospital kinabukasan.

Hindi pa naman ganon kalala ang sakit niya, I mean malala na pero hindi pa naman umabot sa point na kailangan niya ng dumipende sa oxygen. Ganon pa rin naman siya, parang di nga na hospital eh.

Pag uwi namin sa bahay nila tulog pa si Luna, habang nagluluto naman ng almusal si Nanay Fe, sila Ruth at Miggy naman ay umuwi na din pansamantala sa bahay nila para makapag pahinga.

"RJ ano ba ang kulit mo naman eh"
Reklamo ni Maine habang inaalalayan ko siyang bumaba ng sasakyan.

"Inaalalayan lang naman kita."
Pagpapaliwanag ko.

"Eh kaya ko naman yung sarili ko"

Gaya ng sabi niya, nauna na nga siya papasok. Sinalubong naman kami ni Nanay Fe na kakagaling lang sa kusina. Agad niyang niyakap si Maine.

"Mabuti naman at nakauwi ka na anak,nag-alala ako sayo."
Sabi ni Nanay Fe habang hinahaplos ang buhok niya.

Marahan namang ngumiti si Maine.

"Si Luna po Nay?"

"Ahh tulog pa, hayaan mo na muna kumain na muna kayo nakapaghanda na ako."

"Salamat po Nay."

Pumunta na kami sa kusina at umupo na, sumasandok na ko ng pagkain ng tumayo si Maine.

"Mauna ka nang kumain RJ, maliligo na muna ako"
Paalam niya sakin.

Tumango naman ako pero hindi na muna kumuha ng pagkain, hihintayin ko na lang muna siya.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinignan ang message, si Ruru. Di na nga pala siya nakapunta kagabi dahil wala daw siyang masakyan.

Lumabas ako sa garden nila at tinawagan siya.

"Oyy anak ng buti tumawag ka.. Ano na nasa hospital pa ba kayo? Si Maine kumusta na?"

Napabuntong hininga naman ako.

"Okay naman na siya, andito kami ngayon sa bahay nila sa poblacion.."

"Teka pupunta ako dyan... Ay wala pala akong sasakyan, sunduin mo kaya ako.."

"Sira ka ba? Bahala ka sa buhay mo.."

"Hoy RJ ito naman parang ano baka naman pwe--"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at pinatay na ang tawag.

Bahala siya dyan, gumawa siya ng paraan kung gusto niya.

Nagpahangin pa muna ako bago bumalik sa loob. Sakto namang lumabas si Maine galing sa kwarto, nakaligo na at buhat buhat si Luna na inaantok pa.

Tumayo naman ako at agad na lumapit sa kanya.

Tumingin naman siya sakin.

"Bakit?"
Nagtataka niyang tanong.

"Ahm pwede ko ba siyang buhatin?"
Nag-aalangan ko ring tanong.

Bumuntong hininga naman siya at maingat na binigay sakin si Luna.

"Nanay sleep pa po.."
Nakapikit na sabi ni Luna.

Inayos ko naman ang buhat sa kanya bago umupo na sa lamesa.
 
"Luna gising na breakfast na.."
Sabi ni Maine habang sinasandukan ng pagkain si Luna, nilagyan niya rin ang plato niya at nagulat naman ako ng pati plato ko ay lagyan niya kaya napatingin ako sa kanya, tinaasan niya naman ako ng kilay.

Hmm sungit naman.

"Luna tinawag ba kita"
Striktong sabi niya.

"Nanay antok pa po."

A    W    A    K    ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon