DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Amaury's POV
"Malayo pa ba?" Inis na tanong ni Emmerson habang nakasimangot.
Emmerson's my twin. We're fraternal twins kaya hindi kami pareho ng gender at hindi rin kami ganon ka-hawig.
Ngumiwi ako. "Ikaw 'yung nagyaya pumasok sa Interstellar Academy tapos magrereklamo ka! Psh!" Sagot 'ko sa kanya at umirap.
"Ang ingay niyo! Baka may mabulabog kayo! Tandaan niyo, pribado'ng paaralan ang Interstellar!" Pagsisita sa'min ni Lysander.
Lysander's very close with me and Emmerson, in fact, para'ng mas kambal pa nga sila ni Emmerson dahil sa closeness nila.
"Pake 'ko?" Sarkastiko'ng tanong 'ko at umirap.
Napailing na lang siya dahil hindi niya na alam ang gagawin niya sa'kin at sa ugali 'ko. Psh.
Interstellar Academy... Isa sa mga paaralan na nangunguna sa bansa, dahil puro mayayaman lang ang nakakapasok dito at konti'ng-konti lang daw ang nakakapasa sa entrance exam.
Kami ni Emmerson ay swerte dahil may kaya naman ang pamilya na'min, habang sila Lysander ay nag-entrance exam.
Naliligaw kami ngayon dito dahil hindi talaga na'min alam kung saan ang Interstellar Academy, idea ni Emmerson ang lahat, kumalat na kasi sa buong bansa na mas marami ng tatanggapin na students ang Interstellar Academy ngayon.
Swerte naman sila Lysander at nakapasa sila sa entrance exam, sobra'ng hirap daw 'non sabi nung mga nag-entrance exam din. Pero, para kila Lysander ay napakadali lang 'non.
Sa Laguna matatagpuan ang Interstellar Academy pero buong bansa ay dumadayo dito para lang makapag-try makapasok sa paaralan.
Marami kasi'ng nagsasabi na 'secure' na ang future mo pag nakapasok ka daw sa paarala'ng ito, hindi naman ako naniniwala na lahat ng makakapasok dito ay magigi'ng maganda ang kinabukasan.
Siyempre, if you just chill and don't do anything, ano'ng mangyayari sa'yo? Diba?
Pero kami, determinado kami, we have to make our parents proud, e.
Hindi kami taga-Laguna, taga-Maynila talaga kami kaya hindi kami pamilyar sa lugar. Nag-renta lang kami ng maliit na apartment na kasya sa'min.
Sila Lysander ay 'scholars' dahil nga nakapasok sila sa paaralan sa pamamagitan ng pag-take ng entrance exam kaya naman monthly ay may allowance sila. Hindi nga lang na'min alam kung magkano dahil hindi pa naman na'min nakakausap ang Dean.
Naka-ila'ng sakay na kami ng jeep, sakay dito, sakay 'doon ang nangyari pero hanggang ngayon ay naliligaw pa rin kami. Ayaw naman na'min magtanong, ayaw kasi na'min na isipin ng iba na matalino kami kahit hindi naman. Psh.
"Mag-waze tayo." Suggestion ni Emmerson.
Binatukan naman siya ni Lysander, I bit my lower lip to stop myself from laughing. "Maglalakad lang tayo tapos gagamit ka ng waze?! Bobo!" Wika nito kay Emmerson.
Tinignan siya ng masama ni Emmerson habang naka-kunot ang noo at hinihimas ang batok.
"Sinabi nga ang address sa inyo, diba? Mas madali'ng mag-hanap kung alam mo kung saan ito hahanapin."
Napatingin kami'ng tatlo sa babae'ng nasa likod ng sabihin niya 'yon.
That's Alexandria... Ang pinaka... Hm, how should I describe her?
Well, she's pretty, maganda rin naman ang katawan niya, matalino rin siya at may sense of humor, maganda rin ang pagdadamit niya, she can be mean sometimes, yes. Pero once you get to know her, I'm telling you, mabait yan.
Kaya nga siya nagustuhan ni Emmerson, e.
So, let's just say Alexandria is... Actually, ayoko nama'ng sabihi'ng perfect kasi, of course, everyone has their flaws, siyempre meron din si Alexandria.
Sabay lumipat ang tingin na'ming dalawa ni Lysander kay Emmerson, since idea niya lahat 'to, alam niya lahat ng details ng school.
His eyes immediately widened before giving us a piece of paper, he was smiling awkwardly while giving Lysander the paper.
Psh, stupid.
Well, Alexandria has a point. Mas madali nga'ng hanapin ang isa'ng bagay or lugar kung alam mo kung saan ito hahanapin.
"Malapit na tayo!" Sigaw bigla ni Lysander habang nakangiti.
"Lead the way, then." Sambit sa kanya ni Alexandria. Agad na'mang tumango si Lysander.
Takot si Lysander kay Alexandria. Pagkakilala pa lang na'min kay Alexandria ay nanginginig na si Lysander pag nakikita siya kaya lagi siya'ng sumusunod sa gusto ni Alexandria.
Napadpad kami sa isa'ng jeep terminal. Napatingin kami'ng dalawa ni Emmerson kay Lysander, nagtataka.
"Pagkasakay na'tin ng jeep ay maglalakad lang tayo ng konti at mararating na na'tin ang Interstellar Academy." Mahina'ng bulong niya. Sapat na lakas lang upang marinig na'ming dalawa ni Emmerson.
"Buti naman, ang sakit na ng paa 'ko, e! Siguraduhin mo lang na konti'ng lakad na lang bago tayo makarating sa Inter-"
Hindi na natuloy ni Emmerson ang kanya'ng sasabihin ng takpan 'ko ang bibig niya gamit ang isa 'ko'ng kamay, taka siya'ng tumingin sa'kin habang nakakunot ang noo, pinang-lakihan 'ko naman siya ng mata.
Nang-laki ang mata niya ng mapagtanto kung bakit 'ko tinakpan ang bibig niya, umiwas siya ng tingin bago tumango, agad 'ko naman siya'ng binitawan at nag-alcohol.
Pinagtitinginan na tuloy kami ng tao, nginitian 'ko sila at tumango-tango, agad naman sila'ng umiwas ng tingin.
"Bobo mo, bro." Natatawa'ng bulong ni Lysander kay Emmerson, tinignan naman siya nito ng masama kaya natawa si Lysander.
"Psh, pikon." Natatawa'ng wika 'ko at umirap.
Napatingin kami sa isa'ng lalake na nag-blow ng whistle. "Nandito na 'yung jeep na sasakyan na'tin! Dali!" Wika ni Lysander.
Tumingin naman ako sa harapan 'ko at nakita 'ko ang isa'ng paparating na jeep, nagpapark na ito at marami ang nakapila rin, hindi 'ko lang alam kung makakasakay kami.
"Makakasakay kaya tayo?" Tanong 'ko kay Lysander.
He shrugged. "I don't know. I'm not sure, e." Sagot niya sa'kin. Tumango na lang ako.
Si Lysander ang nasa unahan na'ming apat habang si Alexandria ang nasa pinakalikod, si Emmerson ang nasa likod ni Lysander at ako ang nasa tapat ni Alexandria.
Si Lysander ay pang-anim sa pila, ibig sabihin, si Alexandria ang pang-siyam, kung magsisiksikan, kasya naman siguro kami.
Siguro, hindi 'ko lang alam...
"Dalawa sa harap at katorse lang ang pwede sa likod! Sakay! Sakay!" Sigaw nung konduktor.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Phew! Magkakasya kami! Buti naman! Occupied kasi ang lahat ng upuan dito sa terminal kaya nakatayo lang kami habang nakapila.
"Harap tayo, Amaury." Wika sa'kin ni Lysander.
Umiling ako, ayoko'ng nakahiwalay kila Emmerson, dahil baka pagdating na'min 'don ay bugbog na ang kapatid 'ko.
I glared at Emmerson as an answer to Lysander's confused look, he then nodded and laughed before looking at the front.
Kami na ang sasakay, sa right side kami umupo dahil hindi na kami kasya'ng apat 'don sa left side, apat na ang nakasakay 'don kaya ibig sabihin may isa'ng hindi makakatabi sa'min, and most definitely, si Alexandria 'yon dahil nga siya ang dulo sa'ming apat.
Maya-maya din ay napuno na ang jeep, pero hindi pa agad ito umalis dahil naniningil pa ang konduktor, hindi pa na'min napag-usapan kung sino ang magbabayad dahil palit-palit kami, ila'ng sakay na kami kaya malaki na rin ang gastos na'min.
"Sino ba magbabayad ngayon?" Tanong 'ko kay Lysander na katabi 'ko, of course, gusto'ng katabi ni Emmerson si Alexandria, e.
Nag-isip muna sandali si Lysander. "Si Alexandria na, ako 'yung huli, e." Sagot niya.
"Ah, okay. Thank you." Sambit 'ko at tumango-tango.
"Ilan kayo, Miss?" Tanong nung konduktor kay Alexandria na nasa tabi ng isa'ng lalake sa may banda'ng pinto ng jeep.
"Apat po, Manong." Magalang na wika ni Alexandria habang kinukuha ang wallet niya.
Tumango naman ang konduktor at nagsulat sa hawak niya'ng papel.
"Magkano po, manong?" Tanong ni Alexandria ng makuha ang kanya'ng pitaka.
May tinignan muna si Kuya sa papel na hawak niya bago nagsalita. "Tig-bente isa'ng tao." Sagot ni Manong na ikinagulat na'min. "Mahal kasi ang pamasahe dito, hija, pasensya ka na at mukha pa naman kayo'ng estudyante. Wala kasi'ng discount ang mga estudyante sa terminal na ito, e." Dugtong niya.
Tumango naman si Alexandria bago nagbigay ng isang-daan kay Manong, sinuklian naman siya agad ni Kuya kaya agad binalik ni Alexandria ang wallet niya sa bag.
Kawawa naman si Alexandria, nasasakto sa kanya ang mga mahal na pamasahe.
"Miss, may extra 'ko dito, gusto mo ba?" Tanong nung lalake'ng katabi ni Alexandria habang nakangisi.
"Extra'hin mo mukha mo." Sagot ni Alexandria dito at umirap.
Agad nama'ng nawala ang ngiti sa mukha nung lalake. "Ang sungit mo naman, Miss." Ngumiti ulit 'yung lalaki.
"Masungit ako sa mga manyak." Madii'ng wika ni Alexandria sa kanya.
Kumunot naman ang noo ng lalake. "Maka-manyak ka naman, kala mo ang ganda-ganda mo!" Sigaw nung lalake dahilan para lingunin sila ng iba'ng pasahero sa jeep.
"Hindi mo naman ako kakausapin kung pangit ako, diba? Unless..." Tinignan siya ni Alexandria mula ulo hanggang paa. "Bobo ka." Dugtong ni Alexandria at natawa ang iba'ng pasahero.
Tumawa naman 'yung lalake. "Maka-bobo ka! Natanggap kaya ako sa Interstellar Academy!" Bilib na wika sa kanya nung lalaki.
"Ganito na lang, baba ka tapos pasok ka diyan sa mall." Tinuro ni Alexandria 'yung mall na malapit sa terminal. "Tapos, mag-ikot-ikot ka lang 'don hanggang sa mahanap mo 'yung pake 'ko." Nakangiti'ng dugtong ni Alexandria bago umirap.
"Aba! Kala mo kung sino ka kung umasta, ha?!" Galit na sigaw sa kanya nung lalaki.
Huminga ako ng malalim. "Lysander, awatin mo na, please." Bulong 'ko kay Lysander.
"Kaya yan ni Alexandria. Si Alexandria Venera pa ba? Wala pa'ng nanalo diyan." Nakangiti'ng wika ni Lysander.
Umiling ako. "Ayoko ng gulo, Lysander." Sambit 'ko.
"Hindi naman si Alexandria nag-simula, e. Manyak naman talaga 'yung lalaki." Bulong niya sa'kin.
"Tumigil ka na bago pa 'ko makapanakit." Madiin at maotoridad na sambit ni Alexandria, dahilan upang lingunin 'ko ulit siya.
Naging mabigat ang pag-hinga nung lalaki at unti-unti na siya'ng namumula dahil sa galit... Siguro?
Nagulat kami ng bumaba siya ng jeep, natawa naman si Alexandria at umusog 'don banda sa may pinto, sakto'ng umandar na din 'yung jeep.
Nakahinga na 'ko ng maluwag, I mean, I agree with Lysander. Hindi naman si Alexandria ang nagsimula nung gulo, pero... Hindi na lang niya sana pinatulan.
Hindi naman ganon katagal ang biyahe lalo na't pangalawa'ng terminal ang pupuntahan na'min, konti na lang ang mga pasahero ng makarating sa pangalawa'ng terminal.
Bumaba agad si Alexandria, kasunod niya ay si Emmerson, sunod ay ako at si Lysander.
"Okay, so... Hahanapin na'tin ang lugar na 'to." Pinakita ni Lysander kay Alexandria 'yung papel, tinignan naman 'to ni Alexandria bago tumango.
Nilibot ni Alexandria ang paningin niya sa kabuuan ng lugar. "Ayon." Tinuro niya ang isa'ng kanto sa kabila'ng side ng kalsada. "Ano'ng susunod?" Tanong niya kay Lysander.
"Hm, sabi nila, tahakin mo lang daw 'yung street na 'yon tapos makakarating ka na sa..." Tumango-tango lang si Lysander, lalo na't may mga tao'ng malapit sa'min ngayon na maaaring nakikinig sa pinag-uusapan na'min ngayon.
"Ah, okay." Tumango si Alexandria. "Lead the way, Lysander." Wika nito na agad sinunod ni Lysander.
Tumawid kami sa overpass, habang nasa overpass ay reklamo pa rin ng reklamo si Emmerson.
"Sabi mo, bro, konti'ng lakad na lang!" Reklamo ni Emmerson habang nakakunot ang noo.
Tinignan naman siya ni Lysander ng masama, napatigil pa si Lysander sa pagakyat at ganon din si Emmerson. "Ha! Tatawid lang ng overpass, e!" Inis na sambit ni Lysander.
Nagtuloy-tuloy ako sa pag-akyat gaya ni Alexandria na nasa taas na, nag-bangayan pa 'yung dalawa 'don, ilang sandali lang ay naabutan rin nila kami.
Pagkababa na'min sa overpass ay pinasok na'min ang kanto na nasa sakto'ng tabi lang ng overpass.
"Saan dito?" Tanong 'ko kay Lysander.
"Diretso lang daw, e." Sagot naman niya.
I shrugged and just followed him, as usual nasa pinaka-likod si Alexandria, ako ay nasa likod naman ngayon ni Lysander, at sa likod 'ko ay si Emmerson.
"Eto na yata 'yon." Wika ni Lysander ng matagpuan na'min ang isa'ng napakalaki'ng gate.
Napaawang ang labi 'ko ng makita kung gaano kalaki ang eskwelaha'ng ito, gate pa lang ay malaki na, pano pa kaya ang loob?
Napa-atras ako ng bumukas ang malaki'ng pinto at bumungad ang pagka-dami-dami'ng estudyante sa'min.
At mas napa-atras pa ako ng gumilid lahat ng estudyante at dumaan ang isa'ng babae na iba ang kasuotan mula sa iba'ng babae na estudyante.
The others are wearing a blouse and a sleeveless jacket, a short skirt, long black socks and shining black shoes. While on the other hand, she was wearing a blouse slightly different from the others, a gray blazer, a pencil skirt and shining black heels.
I knew she was different and much higher than the other students, no one would make way for someone the same level as them.
"Good Morning, you guys must be... Hm..." Tinignan niya ang clipboard na hawak niya. "Alexandria, Amaury, Emmerson and Lysander. Am I right?" Tanong niya at ibinalik ang tingin kay Lysander.
"Yes, Miss...?" Patanong na wika ni Lysander.
Ngumiti 'yung babae. "I'm Diara Krista Hilton, the secretary of the Supreme Student Government." Nakangiti'ng pagpapakilala niya.
Oh, she's the secretary kaya nirerespeto siya ng lahat ng estudyante... Now I know.
Napaawang ulit ang labi 'ko ng may dumaa'ng lalaki na niyukuan ng mga estudyante, may hawak-hawak siya'ng mga damit habang nakangiti sa'min.
He looked professional, is he a teacher?
He was wearing a red blazer, the color is the same as the color of the jackets of the other students, a white polo shirt with buttons, black slacks and black shoes.
"Hello, students. Welcome to Interstellar Academy. I'm Kian Kaede Gryffon, the Vice President of the Supreme Student Government." Wika niya. "Mind introducing yourselves?" Nakangiti'ng dugtong niya.
Tumango kami'ng lahat. "Who's first?" Bulong 'ko.
"Ikaw na mauna... Nahihiya ako." Bulong naman pabalik ni Emmerson kaya napairap ako.
Umayos muna ako ng tayo bago humakbang paharap, nasa likod 'ko na ngayon si Lysander kaya hindi 'ko maiwasa'ng kabahan, nginitian 'ko 'yung lalaki at napako naman sa'kin ang tingin niya.
"I'm Amaury Vaux Annesley, nice to meet you, Sir Kian." Nakangiti'ng wika 'ko at nag-bow, bumaling naman ako 'don sa babae. "Nice to meet you as well, Miss Diara." Magalang na wika 'ko at nag-bow ulit, nginitian naman nila 'ko'ng dalawa at tinanguan.
Humakbang naman paharap si Lysander, hudyat na siya na ang susunod na magpapakilala, nginitian siya nung Kian.
"I'm Lysander Clayton Carmichael. Pleasure meeting you, Vice Kian and Secretary Diara." Nakangiti'ng pagpapakilala ni Lysander at nag-bow.
Tinanguan ulit siya nung dalawa, humakbang siya palikod at tinulak 'ko si Emmerson ng patago, sinamaan niya 'ko ng tingin at pinandilatan 'ko siya ng mata.
Bumuga siya ng hangin bago tumingin 'don sa dalawa. "I'm Emmerson Cyr Annesley. Nice meeting you, Sir Kian and Ma'am Diara." Wika niya at nag-bow din.
"Same surname with Miss Amaury, huh?" Tanong sa kanya nung Kian.
"We're fraternal twins, Sir." Magalang na sagot ni Emmerson.
"Oh, is that so?" Tanong ni Kian at tumango naman si Emmerson, tumango-tango si Kian at agad na humakbang palikod si Emmerson at nagtago sa likod ni Lysander.
Lumapit naman ako kay Alexandria. "Ikaw na. Go." Bulong 'ko sa kanya at tumango siya bago maglakad paharap.
"Alexandria Venera Raven. Pleasure meeting the Vice President and the Secretary of Interstellar Academy." Pagpapakilala ni Alexandria at nag-bow.
Hindi 'ko maiwasa'ng mapangiti, she was too formal compared to the three of us, sana all.
Napako naman ang tingin sa kanya nung Kian habang nakangiti.
"Kian, give them their uniforms." Wika nung Diara.
Hindi siya pinansin nito at nanatili'ng nakatingin kay Alexandria.
"Kian!" Sigaw na ni Diara.
Agad na bumalik sa reyalidad 'yung Kian. "Oh, yeah. What was your question again?" Tanong niya.
Napasapo sa noo 'yung Diara. "Their uniforms." Mukha'ng naiinis na wika niya.
"Oh, right." Tumaas ang kilay ni Kian at tumango kay Alexandria, para ba'ng sinasabi nito na lumapit siya para kunin ang uniforms na'min na agad na'mang ginawa ni Alexandria.
Kinuha niya ang uniforms na'min pagkalapit niya 'don sa Kian. Nag-bow pa ulit siya sa kanila'ng dalawa bago bumalik sa'min at binigay ang sari-sarili'ng uniforms.
"I'm assuming you guys already have somewhere to stay? If not, then you guys can ask the Dean about dorms." Sambit nung Diara, asking Lysander because he was the one in front.
"Oh, yes. We already have an apartment." Sagot ni Lysander.
Tumango naman 'yung Diara. "Oh, okay... So, please head to the Dean's Office, we'll send some students to guide you on your way there. Is that alright?" Tinanong niya kami.
"Of course. Thank you, Secretary Diara." Magalang na sambit ni Lysander.
Tumango si Diara at sinenyasan si Kian na umalis na sila'ng dalawa, ilang saglit lang ay nawala na sila sa paningin na'min, maging ang kumpol-kumpol na estudyante kanina.
"Phew, finally! Tapos na!" Nakahinga ako ng malalim.
"Hoy! Bakit mo 'ko tinulak? Ha?!" Inis na sigaw sa'kin ni Emmerson.
"E, alam mo na'mang si Alexandria lagi ang huli, diba?!" Pasigaw na sinagot 'ko siya ng tanong.
"E, bakit siya ba ang huli, ha?! Bakit bawal ako?" Sigaw niya ulit.
"Save the best for the last, they say." Nakangisi'ng wika ni Lysander at pumasok na sa loob ng Interstellar Academy.
Takot man, ay sinundan 'ko siya papasok. Nagulat ako ng pagpasok na'ming lahat ay magsara ang gate at bumungad sa'min ang dalawa'ng estudyante.
"Hello new students of Interstellar, I'm Elias Aizen Dalton, and this guy right here with me is Sorren Kai Anselm. The SSG Vice President sent us here to guide you to the Dean's Office." Nakangiti'ng wika nung 'Elias'.
"Oh, nice meeting you. I'm Lysander, this guy to my right is Emmerson." Pagpapakilala niya kay Emmerson. "And the girl to my left is Amaury, and lastly, this girl..." Gumilid si Lysander dahilan para makita si Alexandria na nasa likod niya lamang. "This is Alexandria." Nakangiti'ng pagpapakilala niya.
"Pleasure meeting you, Lysander, Emmerson, Amaury and Alexandria." Nakangiti'ng sambit naman nung isa'ng lalake na kasama nung Elias, Sorren ba pangalan niya? Something like that.
"Let's get going?" Tanong sa'min nung Elias at sabay-sabay naman kami'ng tumango.
Tumango siya sa'min at sabay sila'ng naglakad paalis nung Sorren at nakasunod lang kami sa kanila, ang laki ng eskuwelahan na ito! Pano sila hindi naliligaw dito?
"We're here." Wika nung Sorren, napatingin ako sa pinto'ng nasa harapan na'min ngayon, it's a wooden door with a small window. It also has a sign saying 'D.O.'.
"Thank you, Elias and Sorren." Magalang na wika ni Lysander, tinanguan naman siya nung dalawa kaya pumasok na siya at sumunod na kami.
"Tawagin mo na si Dean, dali." Bulong sa'kin ni Emmerson.
Wala kasi 'yung Dean 'don sa table. Bumunto'ng-hininga na lang ako, bilang bayad na rin dahil tinulak 'ko siya kanina...
"D-dean?" Natatakot na wika 'ko at kumatok pa sa pinto.
Napaawang ang labi 'ko ng may lumabas galing sa isa sa mga kwarto na nasa loob ng Dean's Office.
He was wearing something that's similar to what Kian was wearing earlier. Red blazer, white polo shirt with buttons, black slacks and black shoes, the only difference is their name tags...
Kian had a silver name tag while this guy right here has a gold one, does that mean he's higher than Kian?
"Oh, hello. Welcome to Interstellar Academy. I'm Laurence Lucius Abernathy, the SSG President."
________________________________________________________________________________
.
YOU ARE READING
Hell Paradise
Teen FictionAlexandria made everyone curious about who she really is and why she entered Interstellar Academy. "Where are you from?" He asked. I smiled. "I'm from a place called Hell Paradise." I answered. Hell Paradise? Is there such thing? Hell Paradise, ang...