Mag hahating gabi na malakas na malakas parin ang buhos nang ulan, tanging ang malakas na patak lang ng ulan ang tanging maririnig mo sa gabing ito.
" Josephine takbo! " sigaw nang lalake sa isang babae na agad namang tumakbo sa gitna nang malakas na ulan, mababakas mo talaga sa mukha niya ang matinding takot. tumakbo lang sya ng tumakbo.
hangang sa may nakita siyang isang maliit na bahay hindi kalayuan ng isang malaking Paaralan.na parang abandonado na ito dahil sa kalumaan ay makikita mo talagang hindi na pweding tirhan ng tao.
Tumuloy sya don at agad binuksan ang lock ng bahay " bilis! bilis ! bumukas kana! Please tulungan niyo ako " paiyak na sabi habang pilit na binbuksan ang lock ng bahay " bumukas kana " Di naglaun ay bumukas naman ito agad agad syang pumasok at inilock muli ang pintoan at naupo na nanginginig nang sobra hindi dahil sa lamig nang panahon kundi sa takot. May narinig sya bigla na boses nang isang lalake ang sabi " May tao ba riyan ?"
Muntik na syang mapasigaw ngunit napigilan niya ito, tahimik niya tiningnan sa maliit na butas sa pinto kung sino yung taong iyon. Nagulat siya! isang matangkad na tao NAkajacket at maytakip ang kanyang mukha na ang bahagi lang ng mata ang walang takip at may dala dalang isang kadena na tila kadena ng isang aso at isang matalim na kutsilyo na gamit lang sa kusina. Bigla itong tumingin sa kanya, napatakip naman siya bigla sa kanyang bibig at iniwala kaagad ang tingin sa di kilalang tao, mga ilang segundo tumingin sya ulit ngunit wala na ito, nakahinga siya nang malalim ng biglang may humampas na isang bagay sa kangyang ulohan at nahimatay sya kaagad.
Nagising lamang sya na nasa isang kwarto na at nakabitin ang mga paa niyang tinalian nang lubid paitaas ng kisame sa gitna nang isang malaking kama at isang di kalakihang palanggana na nasa ibaba ng kangyang ulo.. at sa kaliwa na may isang lumang piano may isang lalake na nakaupo. kilalang kilala niya ang taong iyon at sa tabi nito naroon ang mga gamit nakita niya na suot at dala dala ng isang di kilalang tao.
" ikaw !! ba't mo ito ginagawa? ano bang kasalanan ko sayo, akala ko ! akala ko ! Paano mo ito nagagawa , sagutin mo ako ano bang kasalanan ko sayo "
pinilit niyang kumawala ngunit di parin niya magawa
" Nagising kana pala,, mabuti naman" sagot nang lalake sa kanya , tumayo ito at kinuha ang isang matalim na kutsilyo at lumapit sa babae.
" anong gagawing mo sa akin ? help me, help me, " sigaw ng babae habang naiiyak.
" tumahimik ka! pare-pareho lang kayo ang dapat sa inyo wag ng padamihin sa mundo " galit na sabi ng lalake at nagpatug tug nang radyo na may full volume na ang kanta ay "your love is just a lie".
" napaka walang hiya mo!! ibaba mo ako ri................................... " naputol na bigla ang sinabi ng babae dahil unti- unti na itong nilaslas ng lalake ang leeg nito gamit ang isang pang kusina na kutsilyo na parang naghihiwa lang ng leeg ng isang manok , tumalsik ang ilang dugo nito sa mga kamay nang lalake habang ang ilang mga dugo ay nasasalo sa malaking palangana. Nang malapit na itong maputol hinawakan nang lalake ang buhok ng babae dahil sa mahaba ang buhok ng babe ay parang naliligo na ito sa dugo, maya maya lang ay tuluyan na itong naputol , kumibo pa ng saglit ang katawan nitong walang ulo,. Agad naman niya itong ibinaba ang katawan at isinantabi muna sa may pintoan ng kwarto ang katawan , habang ang ulo nito ay ikinadena at saka ikinadina sa may paanan ng babae.
( dyan lang muna hindi ko na matagalan pang isulat ang ilang mga detalye yan lang ang pinaka brutal kong naisip pasensya na !!!! )
BINABASA MO ANG
Beautiful Transfer
Mystery / ThrillerWhich one would you choose to live forever in life a beautiful or worst person ?