Chapter 1

631 22 0
                                    

Tricia POV:

*kringgggggg*

The moment I heard the bell, I smile so widely. Sabay-sabay na napatayo ang lahat at kanya-kanyang umalis. Pero nanatili ako sa room.

Pinasok ko ang ballpen at notebook sa bag ko, na hanggang ngayon ay may naiwan paring glitters. Naubos ko kanina ang isang pack ng wipes dahil sa kagagawan ni Hades.

Ang galing talaga ng gago, pati string hindi man lang pinalagpas.

Humanda ka ngayon sa akin Satanas. Akala mo matatapos ang araw na 'to ng hindi ako makaganti? Nagkakamali ka.

Dahan-dahan kong inilabas ang nakatagong baseball bat na hiniram ko kaninang lunch. I smirked. Mukhang magagamit na kita.

I tried to swing it. Halos mapasigaw ako sa saya. Oh shit! I love this.

"What will you do about that thing?" Kunot-noong bungad agad sa akin ni Ella ng lumabas ako ng room. She is a friend of mine.

"To destroy someone's car" walang paligoy-ligoy na sagot ko. Napasinghap agad siya at napatawa nalang sa huli.

Kalat na kalat na sa buong campus ang nangyari kanina. Mukhang hindi ata ako aabutin ng isang linggo dito.

Mangmula ata grade school, laman na kami ni Satanas sa guidance. Sa highschool, palipat lipat ako ng school dahil sa walang hangganan naming away. Pati kaklase ko napapasali narin sa gulo.

Paano ba naman kasi. Eh kung saang school ako lilipat, doon rin nag-enroll ang gago. Bobo lang amputa.

The moment I saw his car. Lumapit na agad ako.

Mercedes. I read silently. Yaman talaga ng loko.

I touched his car with my new nail polish. I make sure na bumabakat ang kuko ko sa sasakyan niya. Rinig na rinig ang pakakatunog nito.

"Ang ganda mo sana, kaso ang pangit ng may-ari!"sabi ko na ikinatawa ni Ella habang bine-videohan ang kagaguhang ginawa ko sa sasakyan ni Hades.

Before the surprise. Syempre nagpapicture muna ako sa sasakyan niya. Before and After kung baga.

"Ano ready na?!" Tanong ko. Tumango naman si Ella at tinapat sa akin ang cellphone para sa panibagong video. "Yung slow-mo ang gamitin mo, huh?!"

"Dalian muna Tricia! Baka maabutan pa tayo ni Hades" sabi niya at umilaw na ngayon ang camera.

Ngumiti nalang ako at inumpisahang hagurin ng baseball bat ang harap ng sasakyan.

I acted like a pro while holding the baseball bat. Kahit ang totoo, hindi naman talaga akong marunong gumamit nito.

"Goodbye..." malakas na tinatapik ko ito. "..May your soul go to heaven!" Sabi ko at walang pagdadalawang isip na inihampas ang dala-dalang baseball bat sa harap ng mukhang kakabili pa niyang sasakyan.

Ang lakas ng pagkakatunog at nagkatinginan kami ni Ella.

"OH MY GHAAAD!"-Ella. Sabay kaming tumawa. "What the fuck?! Akala ko hindi mo totohanin!"

Sabog ngayon ang kanang bahagi ng sasakyan. Kala mo Hades ah. I told ya, hindi lang ako basta-bastang kalaban.

"Kagigil kasi....sa kabila naman!"-me.

Hinampas ko muli ang bat at tumama ito sa headlight.

Mas lalo lang kaming tumawa. 7 na ng gabi, malamang madilim na. Uuwi ngayon si Hades na iisa lang ang ilaw.

Nakapagsampung hampas na ako at abot na ng langit ang tawa namin. Kung nandito lang ang isa naming kaibigan. Siguro dalawa kami ang maghahampas. 

I'm Engaged To My EnemyWhere stories live. Discover now