"Babe, saan kana ba? Kanina pako dito oh, miss na kita." Sabi ko sa boyfriend ko, habang kausap ko siya sa cellphone. Usapan kasi namin na mag didate kami ngayong gabi. Actually, second anniversary namin ngayon, diko siya binati kaninang umaga o nagparamdam man lang sa kanya. Basta kagabi tinext kona siya na mag dedate kami.
"A-ah babe papunta nako. Wait molang ako ah. Kasi may konting aksidente lang." Nauutal niyang sabi.
"H-hu? Ayos kalang ba? Ikaw bayung na aksidente? Baka may galos ka, mag pa hospital kanalang kaya? Wag ka ng tumuloy, i text mo sakin yung hospital para mapunta---"
"Happy second anniversary Babe, mahal na mahal kita" May bahid ng ngiti ang pagkasabi niya non, pero nakaramdam ako ng kaba."
"Happy anniversary den. Mahal na mahal din kita. Kaya kung may galos ka, dumeretso kana ng hospital---"
"Wala 'to, malapit nako jan. Maliit na galos lang naman. Antayin monako ah. Pasok kana sa loob. Salubungin moko ng maganda mong ngiti."
"Okay, bilisan mo ah. Pero magiingat ka ah. Ayoko ma byuda agad." Pabiro kong sabi.
"Opo, mahal. Patawad. Sige na ibababa kona 'to"
Hindi ko pinansin ang paghingi niya ng patawad kase hindi ko naman alam kung para saan yon.
At dahil naka dress lang ako, nakaramdam ako ng lamig kaya pumasok nako sa loob ng restaurant na pina serve ko. Yes ako nagpareserve kase alam kong busy siya ngayon. Parehas kase kaming gagraduate na. Maraming inaasikaso. Kaya ako na ang nagpa reserve ng date namin.
Mahal na mahal ko si Ryan, almost two years din siyang nanligaw sakin bago naging kami. At ngayon dalawang taon na kaming naglolokohan. Char! Syempre walang ganon. Loyal kami sa isa't isa. Kaya mahal na mahal ko siya kase araw- araw niyang pinaparamdam na ganon din siya sakin.
Napahinto ako sa pagiisip ng kung ano ano ng pumasok na si Ryan, hindi manlang ako nakarinig ng pagbukas ng pinto at nagtaka naman ako ng walang naghatid sa kanyang waiter. Pero hindi ko na binigyang pansin 'yon.
"Hi babe. Pakuha kona yung pagkain?" Tanong ko ng makaupo na siya.
"A-ah, mamaya nalang pwede?"
"Are you okay babe? May masakit ba sayo?" Nagtaka ako ng pigilan niya ako sa tangka kong pagpunta sa kanya.
"N-no, uhm. Just seat there and listen to me first." Aaminin kong nakaramdam ako ng kaunting kaba. Hindi masyadong maliwanag dito kaya diko masyadong maaninag ng mas malinaw ang mukha niya. Pero nakikita ko nananunuyo ng bahagya ang mga labi niya, na tila nilalamig. Hindi naman umulan para mangyari ang ganon sa kanya.
"Okay." Pagkasabi ko non. Umayos nako ng upo. At humanda sa nais niyang sabihin.
"Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita, patawad sa mga pagkukulang ko bilang boyfriend mo. Thank you for every time na iniintindi mo ang mga pagkakamaling yon. Wala nakong mahihiling pa, ikaw na ang gusto kong makasama hanggang pagtanda. Kaya sorry kung may mga bagay akong hindi matutupad sa mga ipinangako ko sayo. Mag-iingat ka palagi ah. Mahal na mahal kita."
Kinilabutan ako sa bawat salitang lumabas sa bibig niya, mahigit isang metro ang layo niya sakin ngunit bawat buka ng bibig niya dama ko ang lamig na lumalabas don. Tila ba nilalamig siya.
"Babe naman, para namang namamaalam ka niyan. Yes opo, mahal na mahal kita at kahit pumuti pa ang buhok mo, ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko." Sinabi koyon ng buong puso kahit nakakaramdam ako ng kaba.
"O sige ako na magpapakuha ng pagkain." Suhesyon niya. Hinayaan kona siya. Binaling ko ang tingin ko sa iba, hindi ko alam pero nakakaramdam parin ako ng kaba. Lumipas ang lima, sampu, at kinse minutos hindi parin siya bumabalik. Kaya nagdesisyin akong lumabas upang ipagtanong na siya.
"Ah, miss yung kasama ko, kanina pa kasi siya hindi bumabalik. Hindi ba siya nagsabi na ipapasok na yung pagkain namin?"
"Ah, maam. Wala pa naman pong pumapasok mula kanina na pumasok kayo galing sa labas po."
"H-huh? M-mer---" Napahinto ako sa sasabihin ko sana ng mag ring ang cellphone ko. Nanginginig kong sinagot ito ng mabasang si tita Bless, Ang mommy ni Ryan.
"J-joy, w-wala na si Ryan." Nanginginig ang boses ni tita habang sinasabi yon. Hindi kona namalayan ang mga pangyayari, Ang huli ko nalamang natandaan biglaan nalang akong mawalan ng malay at nilukob ng kadiliman na nahahaluan ng kalungkutang hindi ko alam kung hanggang saan ang kahahantungan.
-------------
"Hi, kamusta kana diyan? Ok kalang ba? Ako eto, ayos naman. Nakakaya at kinakaya pa ang pangungulila sayo. Limang taon na din mula nung huling gabi kitang makita. Hindi ko akalaing huling gabi na pala yon ng pagsasabi kong sobrang mahal kita. Ang daya mo, hindi mo man lang ako pinayagang mayakap ka sa huling pagkikita natin. Pero ayos lang. Naging makabuluhan naman ang buhay mo kahit papaano. Magkikita Rin tayo soon. Mahal na mahal kita mahal ko."
Namatay si Ryan ng gabing yon, kasama siya sa dalawang namatay matapos tumulong sa isang buss na nasunog, nagmagandang loob siya na tulungan ang mga taong nanduon pero ng ililigtas na niya ang isang bata sumabog ito ng napakalakas na naging dahilan ng pagkamatay niya at ng bata na ililigtas niya sana.
Masakit, ilang taon din akong nagluksa sa pagkawala niya. Magmula noon, hindi kona binalak pa na magmahal muli. Hindi kona binuksan ang puso ko sa panibagong pagibig. Siya ang una ko, at siya ang wakas. Mananatiling nagiisa siya sa buhay ko. At magsisilbing alala ang iniwan niyang kayamanan sa akin.
After that night, na hospital ako at nalamang nagdadalang tao ako. And yes. We have a child. At ito ang magsisilbing alala niya sa akin. Kaya kahit papaano ay nakaka recover na ako dahil may iniwan siyang nagsisilbing kaaliwan ko.
Hindi natin alam ang mga bagay na mangyayari sa kinabukasan kaya habang may hininga pa ang mahal natin sa buhay ay pahalagahan natin sila. Dahil walang silbi ang mga bulaklak at pagsasabi ng matatamis na salita kung ang pinaglalaanan natin nito ay patay na.
-------
EYYY! AHHA THANKS FOR READING MAREKOKSS! MUAPS
©2022