Baka sakali.
By: pmarianesantos
----
Aalalayan kita.
Dadamayan kita.
Susundan kita.
Hanggang sa mawala yang nararamdaman mong sakit dyan sa puso mo.
Andito lang ako para sayo,DAMA MO BA?
Sasamahan kita kahit anong mangyari. Baka sakaling puso ko naman ang marinig mo. Baka sakaling malaman mo to'ng lihim ko...
baka sakali.
----
setting: canteen.
Assignment assignment... pucha suntukan nalang! Juicecolored ang hirap ng physics! Ayoko na! I surrender! *white flag on* swerte ko nalang at natapos ko agad. Trigo naman -_- Haaaaayyy---
"Ay palaka!"
Nagulat naman ako! Eto'ng taong to talaga di pumapalya sa pagpapatibok ng puso ko. Yeee chisi! Ew.
"Pakopya ng assignment! Thanks!"
Sabay kuha ng notebook ko.
"Wow ha? Pinahiram ka ha? Ha?"
"Di ka na nasanay pal!"
Umupo sya sa tabi ko. Gahd! Xander *-*
"Uy,"
Kinulbit nya ko.
"Oh?"
"Inlove nanaman ako, Hope Antoinette..."
Inlove ka sakin? Umaygad dream come true!! Dream come true!!! Omg omg omg omg... ang feeling ko
"Inlove ka sakin?!"
Biro ko sakanya. Hah, jokes are half meant. Pero para sakin whole heartedly meant yun... in a joke way.
"Badjao ka talaga hahahaha!"
Badjao? Sa ganda ko'ng to badjao?
"Sa ganda ko'ng to tatawagin mo ko'ng badjao?! Suntukan"
"Ayaw mo nun ikaw pinaka maganda sakanilang lahat?"
PINAKA MAGANDA IS HEART HEART HEART TO THE THOUSANDTH POWER!
"Sus... alam ko"
"Okay. Kidding aside,"
Kidding? Pshhh -___-
"As I've said a while ago, I think I'm inlove... again. After 3 years!"
"Inlove? Inlove ka nanaman? Pang walo na yan. Yung naunang pito pagkatapos ni Sofia kalibugan mo lang."
"Hala? Hindi! Eto kasi iba eh. Actually, matagal ko na to'ng nararamdaman."
"Weh?"
"Oo nga srsly. Kwento ko ha."
Wag na, masasaktan nanaman ako.
"Itago natin sya sa pangalang Kathy."
Etong taong to, kung gaano kabilis magpatibok ng puso ko, ganun din kabilis manira. Tingin ko hundred stitches na to kaka-salba para mabuo ulit.
"shet may pag screen name. Oh?"
"Maganda sya... sobra."
"Ganyan ka naman. Pag maganda inlove ka agad. Wag na yan! Katulad lang yan nung mga nauna!"