Imperfect Love

82 0 0
                                    

Tuwing napag-uusapan ang tungkol sa love life, nagiging active ang mga kaklase ko. Hindi ko maiintindihan kung bakit interesado sila masyado pag usapang pag-ibig na. Wala namang mapapala diyan sa pag-ibig na 'yan.

'Naku! Mga kabataan ngayon puro pag-ibig ang nasa isip. Masyado ng naaapektuhan sa walang kwentang pag-ibig na 'yan! Hindi naman 'yan totoo! Kaya ikaw, 'wag kang maniwala sa pag-ibig na 'yan. Iyan ang ikamamatay mo, sinasabi ko sa'yo.'

Palaging ganyan ang naririnig ko kay Nanay pag makakatingin siya ng mga balita na tungkol sa pag-ibig. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang paniniwala niya kaya mismo ako, ganyan na rin ang paniniwala sa pag-ibig kahit wala pang karanasan diyan.

"Dela Cruz! Your not paying attention!" Napatayo ako sa sigaw ng professor namin sa harapan.

"Uh, ma'am?" Tanong ko. Hindi alam kung ano na bang pinag-uusapan nila, basta tungkol sa pag-ibig iyon kanina. Nagpalit na ba sila ng topic? Naku! Patay!

"I'm asking you the meaning of love. And do you think there's a basis or measurement for loving someone?"

Ano nga ba ang pagmamahal? Kailangan bang may basehan pag nagmamahal ka? May sukatan ba talaga? Tulad ng ano? Kailangan maganda, maputi, mayaman, matangakad? Yung tipo ba dapat perfect na talaga? Ganoon ba 'yun?

Nanlalaki na yung mata ni professor, ibig sabihin kailangan ko na sagutin. Ano ba kasi ang sagot? Hindi ko alam! Hindi ba pwedeng ibang tanong na lang? Wag na yung tungkol sa pag-ibig, hindi ko pa naman nararanasan at wala akong balak.

Hindi ko na lang sinagot ang tanong sa akin. Sinabi ko na hindi ko talaga alam at wala akong ideya. Kaya tuloy buong klase namin puro sermon siya sa akin at sa klase namin. Pakiramdam ko nga, naiinis yung mga kaklase ko dahil hindi naituloy ang lesson dahil sa akin.

Ang hirap naman kasi maging ganito. Sa academics nga wala na kong alam, kahit ultimo tungkol sa pag-ibig, wala pa rin? Magbigti na lang kaya ako? Hay buhay.

Tapos na ang klase namin at lumabas na din ng room ang mga kaklase ko. Tsaka ko lang napansin ang isang maliit na post-it paper sa desk ko.

Ang ganda ng penmanship nung nagsulat. Sino kaya nagsulat nito? At kanino galing 'to? Parang wala naman 'to kanina e. O hindi ko lang napansin? Binasa ko ang nakasulat:

Ang pagmamahal ay hindi isang liquid para sukatin ang volume. Hindi ito isang solid para sukatin ang mass o weight. Hindi ito isang pageant para sukatin ang kagandahan ng isang tao. Hindi ito isang semenaryo para sukatin ang kabutihan ng isang tao. Ang pagmamahal ay isang pakiramdam ng tao. Hindi ito pinaplano. Hindi ito pinag-iisipan. Kusa itong nararamdaman ng tao sa magpapatibok ng kanyang puso. Maganda ka man o panget. Matangkad ka man o maliit. Mabait ka man o masama. Talented ka man o hindi. Mayaman ka man o mahirap. Perpekto ka man o hindi. Malay natin, may magmahal pa rin sayo ng higit pa sa inaasahan mo.

Ito yung sagot kanina sa tanong ni Ma'am. Ay naku naman! Bakit hindi ko napansin agad 'to? E di sana hindi ako napagalitan kanina. Ang tanga-tanga ko talaga.

Imperfect Love (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon