Purple-colored Dream

146 12 8
                                    

RomancePH FanFicPH

💜

SABI nila if you're a BTS fan, going to their concert at least once in your life is a must. It is what every fan's ultimate dream but the sad truth is, hindi lahat nabibigyan ng chance. May mga fan na tulad kong walang sariling pera at hindi marunong mag-ipon. May iba na hindi problema ang pera pero parang hindi nakikiayon ang tadhana sakanila.

Kaya masasabi kong I'm lucky enough to have a supportive family who gave me money for the concert and plane ticket, at may kaibigan akong willing na samahan ako kahit hindi siya K-Pop fan. If not for them, siguro hindi ako magkakaroon ng opportunity na makita sila, live and in the flesh.

It honestly felt surreal tho. I still can't believe that all of it happened in front of my eyes. For the fact na nakatapak ako sa home country nila at napanuod ko silang mag-perform ng live parang hindi kapani-paniwala pero totoo!

Tama nga ang sinasabi nila, what is seen on the screen cannot compare to how great the show is in person.

Ibang saya ang mararamdaman mo kapag andun ka na sa moment na 'yun. There's a lot more hype than I expected. The way they took on the stage, the way we, fans shouting fan chants together in perfect unison, the rhythmic pattern of Bluetooth light sticks that created an ocean of different colors depending on which song it was... it's something special. It's like we have that connection with them from the way they interact to us fans na para bang kilala nila kaming lahat. And that's what makes all the waiting and anticipation worthwhile.

Maiiyak ka nalang talaga sa sobrang tuwa kahit pa upbeat song 'yung piniperform nila. Mawawala ang hiya mo na gawin ang gusto mo. I cried and screamed till my heart's content and enjoyed every moment of it. It was definitely one of the best things I could ever been part of and if only possible not to end the night. Parang gusto kong i-rewind ang time at bumalik sa moment na 'yun.

But of course, every concert has to end.

"You look horrible," komento ng best friend kong si Pat habang nakatingin sa'kin.

Sinimangutan ko siya. "Bes, magkaka- post concert depression yata ako,” sabi ko sakanya.

Bukod sa nananakit ang katawan ko at lalamunan, pagod with all the walking, queuing, screaming, and singing I've done, parang na-drain lahat ng energy at excitement ko sa katawan. Nakakalungkot at nakakaiyak.

There this thing na nabasa ko online about PCD or Post Concert Depression that we all experience once in a while. Nangyayari daw talaga after mong umattend ng concert ng paborito mo. Well, I guess it's a real thing.

"Ano bottoms up, tayo? Soju with yakult?" nagbibirong anyaya niya. Binato ko siya ng unan na nasalo niya naman. Kainis. Natawa nalang kaming parehas hanggang sa magaya siyang gumala.

"Shopping? Sa ganitong oras?!"

She nodded. "Shops in Dongdaemun are still open 'till about four or five in the morning. Magt-twelve palang naman. G?"

“Libre mo 'ko?”

Nakairap itong tumango sa'kin kaya dali-dali akong bumangon sa kama. Kahit mukhang napipilitan 'yan alam kong ililibre niya talaga ako. Well, rich kid eh. Sana all. Tska feeling ko hindi ako makakatulog ngayong gabi. Minsan lang din naman ako makapunta ng SoKor kaya dapat sulitin ko na.

Bago kami umalis ng hotel, Pat downloaded a metro app in our phone and got our T-money card loaded. Then we headed our way to the subway station. Nang makarating kami sa Dongdaemun, nag-decide kaming magkanya-kanya muna. Marami pa din naman ang tourists at locals ang nag-iikot.

She'd go shopping for pampasalubong, while I made my way to the street stalls of food that sells a wide variety of authentic Korean snacks and delicacies. May fried popcorn chicken, tteokboki, egg bread, poop bread na may red bean na filling at hotteok pancakes filled with nuts. Nakakita ako ng stall na nagbebenta ng strawberry hard candy or known locally as ddaliGi SaTang or Tanghulu.

I love strawberries! Kaya doon ako pumunta para sana bumili pero...

“Apple only. No more strawberry,” the vendor said in his Korean accent. “He buys first.”

Ohh geez, Ericka! Nakakahiya ka!

Akala ko sa'kin niya inaabot kaya kinukuha ko pero para sa taong nasa likod ko pala! Sa sobrang hiya ko, agad akong umalis doon at naglakad palayo. Nakalayo na ako nang maalala ko ang phone na hawak-hawak ko kanina.

My god, Ericka! Sa lahat ng pwede mong maiwan, bakit 'yung phone mo pa?!

Napapikit ako sa inis! Yung phone ko! Kulay purple pa naman 'yung casing na 'yun at may pirma sa likod ni V! Hindi 'yun pwedeng mawala!

Dali-dali akong bumalik sa dinaanan ko kanina nang may makasalubong akong isang matangkad na lalaki. Umiwas ako pero sumunod siya at para kaming naglalaro ng patentiro sa daan.

Nag-angat ako ng tingin at pinakatitigan ang taong kaharap ko pero hindi ko makita ang mukha niya dahil naka-face mask siya. Tanging ang mata niya lang makikita. He looks dapper tho, with those co-ord set, pajama-like outfit paired with a black beret. Parang si V, na nakapamulsa ang mga kamay.

Yung cellphone ko!

Aalis na sana ako nang marinig ko siyang magsalita.

"Jugiyo..." his voice— that deep warm soulful voice. Napatitig ako sa kanya at 'tila napako sa kinatatayuan ko nang maglakad ito palapit sa'kin. “Han-deu-pon.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, naguguluhan sa kabang nararamdaman ko. Hanggang sa iabot nito ang cellphone kong hawak niya.

Han-deu-pon...” ulit niya.

Ngumiti ako at nagbow ng ulo sa kanya. “S-salamat...”  nanginginig ang boses ko at ang kamay kong inabot ang cellphone kong inaabot niya.

Then... he suddenly takes off his mask from his face and smiles at me.

I blink in suprise, jaw-dropped. “Tae-tae?”

Uminit ang pisngi ko at feeling ko sasabog ang puso ko nang marinig ko siyang tumawa ng mahina at tumatango. “Purple.” 

"P-purple?"

Purple is the last color of the rainbow colors. Purple means, I will trust and love you for a long time.

“Yes, purple.” He paused before he lean in to whisper, “it means hope. I'm hoping to see you again, Ericka.”

”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
🎉 Tapos mo nang basahin ang 𝙿𝚞𝚛𝚙𝚕𝚎-𝙲𝚘𝚕𝚘𝚛𝚎𝚍 𝙳𝚛𝚎𝚊𝚖 🎉
𝙿𝚞𝚛𝚙𝚕𝚎-𝙲𝚘𝚕𝚘𝚛𝚎𝚍 𝙳𝚛𝚎𝚊𝚖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon