🔥Chapter Nine

9 4 0
                                    


Lorraine
Binary

"That room was suppose to be mine." nabaling ang tingin ng lahat nang sabihin iyon ni Flex. "Ako ang dapat na mamatay dun at hindi si Gello." bulong niya.

"Flex..."

"Ako dapat... ako dapat..." tumingin ito sa amin. "That was my room."

Mabilis nilapitan nila Steve at Jacob, trying to calming her down. I pity her though. Kaibigan niya si Gello at masakit ang mawalan ng isang malapit na kaibigan.

Napakunot ang nuo ko nang ma-realize kong pababa kami at hindi pataas. Akala ko ba ay kailangan naming tumaas ng tumaas para maabot namin ang pinakatuktok ng building at para makaalis na kami sa lugar na ito?

"Bakit pababa tayo?" tanong ko sa kaniya.

Binalingann ko ng tingin si Alfred na katabi ko lamang at tulad ko, nakakunot din ang kaniyang nuo. Nagkibit-balikat siya bilang tugon.

"I dunno, I didn't press the controls."

Tumango ako sa kaniya.

"Paano mo mapipindot, eh, wala namang pipindutan." mas lalong napakunot ang nuo ko sa sinabing iyon ni Jacob.

Walang controls? Paano nago-operate itong elevator kung walang controls?

Magsasalita na sana ako nang bumukas na ang elevator at nagsilabasan na ang lahat. Saktong paglabas namin ay bumukas ang ilaw sa buong paligid.

Walang kapansin-pansing kakaiba sa kwartong ito maliban sa mga tig-iisang letrang nakasulat sa bawat tiles. From letter A to Z.

I counted the tiles, malalaki sila. It is 5x6. Meron ding mga tiles na blangko na nakalagay sa unahan kung saan makikita ang stainless steel grilles na roll up at makikita mo sa loob ang bukas na elevator.

May makikita kang sobrang laking gripo sa gilid na naka-konekta sa tubo na galing sa taas at apat na container ng tubig. Mayroon ding isang malaking blackboard na nasa gilid kung saan may mga nakasulat na numero na puros '0' at '1' lang.

"Ano ito?" mahina kong tanong sabay lapit sa board kung saan nakasulat ang mga numero.

"If I'm not mistaken, isa iyang code." saad ni Steve na nasa likod ko na pala. "I-it's binary."

Napalingon ako sa mga kasamahan kong abala na suriin ang buong paligid bago tignan si Steve na busy ring tignan ang mga numero.

"Then, can you read it?" tanong ko sa kaniya na ikinailing niya. "N-no. I mean yes, but, nakalimutan ko na kung p-pano siya i-decipher." sabi niya at nag-iwas ng tingin.

Na-dismaya ako sa sinabi niya. Akala ko pa naman alam niya. Hindi ko mapigilang hindi mag-isip ng pwedeng mangyari sa kwartong ito. Bawat kwarto na napasukan namin ay palaging may hindi inaasahang nangyayari, palaging may namamatay.

Hangga't kaya ko, sisiguraduhin kong walang mamamatay sa amin. Gagawin ko ang lahat, 'wag lang kami mabawasan ulit. Masyadong madami na ang apat at ayaw ko na iyong dagdagan pa.

"Dalawang IT na estudyante ang patay sa sunog sa isang eskwelahan. Samantala, ang salarin na si Steve Gustavo ay pinaghahanap na ngayon ng batas na nagtatago hanggang ngayon."

🔥Prison Hell (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon