Prologue

615 32 4
                                    

NOTE: The following chapters are raw so, expect some typos and grammatical errors. 


Habang namamasyal ang batang lalaki sa parke kasama ang kanyang yaya, nakita niya ang isang batang babaeng umiiyak sa ilalim nang puno. Nakayuko ito, pero rinig na rinig niya ang mga hikbi nang bata.


Nagdadalawang isip man, mas pinili niyang lapitan ang batang babae dahil na rin sa awa at para tulungan.


"Oy bata, ba't ka umiiyak?" Tanong nang batang lalaki sabay alog sa balikat nang babae.


"Si daddy kasi, away niya mommy ko. Tapos ayaw niya saakin. Kaya umalis ako nang house pero hindi ko na alam kung saan pauwi." Pahikbing sabi nang batang babae habang pilit pinupunasan ang mga luha niyang ayaw tumigil sa paglabas.


Naawa naman ang batang lalaki. Hindi niya maintindihan pero may nararamdaman siyang kakaiba. Parang gusto niyang alagaan at bantayan ang batang babae, at protektahan ito para hindi na umiyak at masaktan.


Niyakap niya ang batang babae, sabay pahid nang mga luha nito gamit ang kamay niya dahil wala siyang dalang panyo.


"Tama na bata, don't cry na. My yaya and I will bring you home ok? Tara hanapin natin house ninyo." Pang-aalo nang batang lalaki at pinatayo ang batang babae.


Magkahawak kamay nilang pinuntahan ang yaya nang batang lalaki para hanapin ang bahay nang bata. Nilakad nila bawat street nang village at humihikbi pa rin ang batang babae kapag maling street ang napupuntahan nila.


Hanggang sa napagpasyahan nilang dalhin nalang muna ang batang babae sa bahay nila upang humingi nang tulong sa mommy nang batang lalaki.


Sa hindi inaasahan, biglang ngumiti ang batang babae. Magkaharap lang pala ang bahay nang dalawa. Nakit rin nila ang yaya nang batang babae na nag aabang at naghahanap na pala sa kanya.


"Thank you po! Thank you po yaya niya, tapos thank you din sayo kuya" sabi nang batang babae habang may malaking ngiti sa kanyang mukha.


"Magkaharap lang pala house natin eh. Wag ka na mag cry ulit ha? Kapag gusto mo ulit nang help, tawagin mo lang ako, kasi friends na tayo." Sabi nang batang lalaki


"Friends po? Sige! Sige! Ikaw po una kong friend!" Masayang sabi nang batang babae.


"Ako si Kyle, ikaw?" Tanong nang batang lalaki.


"Ako si Brianna Enrique po. 10 years old" sabi nang batang babae sabay taas nang sampong daliri.


"10 years old din ako! I'm Kyle Dela Vega. Kyle nalang tawag mo saakin ha? Sige, pasok ka na. Uuwi na rin kami ni yaya eh. Babye!" Sabi ni Kyle sabay alis.


"Teka kyle!" Pigil ni Brianna. Sabay halik sa pisngi ni Kyle.


"Thank you" si brianna at kumaway na paalis at pumasok sa bahay nila.


Simula ngayon, aalagaan at babantayan ko na siya. Hindi ko hahayaan na masaktan at jmiyak na naman siya. She's so precious, she deserves all the good things in the world. — yan ang itinatak ni Kyle sa isip niya mula noon, hanggang sa paglaki.

EVER SINCE WE WERE TENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon