Ako si Xander Lee, isang highshool student sa isang kilalang paaralan. Nanggaling ako sa isang maginhawang pamilya. Ang aking ama ay nagmamay-ari sa isa sa mga pinakakilalang airlines sa buong bansa. Ang mama ko naman ay ang supervisor ng aming business kaya't silang dalawa ay walang oras para sa akin. Nakakalungkot ang aking sitwasyon ngunit kailangan ko itong tanggapin dahil sabi ng Mama at Papa ko ay para din daw ito sa akin.
Chapter 1 - Playboy Meets Mysterious Girl.
Unang araw ng pasukan habang ako'y papalabas sa aking BMW ay nakita ko na ang aking mga kabarkada. Kami ang klase ng tao na sikat sa aming paaralan, sa 'di naman pagmamayabang ay halos lahat na yata ng mga kababaihan, ay kami ang tinitilian.
Ako si Xander, isang Dakilang Playboy kung ituring man, halos lahat na yata ng pinakamagagandang babae sa aming paaralan, ay napasaakin na rin kung minsan. Linggo - linggo, ay mayroon akong bagong girlfriend na siyang nagiging dahilan kung bakit ang ibang babae na nagkakagusto sa akin ay nasasaktan.
Pagbukas ko sa locker ko ay may nakita akong mga sulat, hindi ito bills sa kung inaakala niyo, kundi ang mga sulat ng aking sandamakmak na admirers. Ang lahat ng ito ay tinatapon ko lang at benabalewala kasi, nakakasawa na at paulit ulit nalang ang kanilang sinasabi.
" KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGGGG"
Ayun! nag ring na nga ang bell na siyang nagpapahiwatig na oras na para sa aming unang subject. Nagmamadali akong tumakbo sa aking classroom dahil kahit na playboy ako ay focus din naman ako sa studies ko. Binilisan ko talaga ang aking pagtakbo, hanggang sa abot ng aking makakaya, at syempre, habang ako'y tumatakbo, ay hindi nawawala ang titig ng mga tao dahil hindi sa nakakahiya ang ginagawa ko, kundi dahil sa sikat at gwapo ako.
Sa aking pagmamadali, ay may nabangga akong tao. Nahulog lahat ang kanyang dalang libro. Tinulungan ko siya sa pagpulot nito at pagkatapos ay iniabot ko sa kanya ang lahat. Sa pag angat niya ay nabighani ako sa kanyang angking ganda,
BM (Background Music) : " SA ISANG SULYAP MO "
At yun na nga, ang isang playboy na tulad ko ay nakaramdam ng di inaasahang pakiramdam, bumilis ang tibok ng puso ko at di ko na alam kung ano ang dahilan nito, basta't ang alam ko ay first time itong nangyari sa buong buhay ko.
Next Chapter - Chapter 2 : It All Started With One Glimpse.
Vote And Comment lang po sa "MAY GUSTO." inuulit ko po,
"SA MAY GUSTO LANG" . Salamat Po! :)
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE.
Teen Fiction" Love Comes When we Least Expected it to Come =) " - Ang storyang ito ay tungkol sa isang Playboy na crush ng campus at isang simpleng babae. Ang tanong? Magkakagustuhan kaya ang dalawang pusong may magkasalunggat na pagkatao sa isang pangyayari? :...