CHAPTER 24

286 6 0
                                    

Rachell POV

"Ate Anika? Bakit ka po nag iimpake? Maayos na po ba ang pakiramdam mo?" Nag tatakang tanong ni Carlo nang datnan ako nito sa kwartong unaakupa ko na nag iimpake.
Gusto Kong yakapin ito nang napaka Higpit at sabihin na ako ito ang ate niya. Pero hindi ko na ginawa natatakot kasi ako na Baka maging katulad ng reation ni Kyle ang magiging reaction ni Carlo Pag sinabi ko ang mga yun. Masyado nang mabigat at hindi ko na kayang dagdagan pa yun.

Pinilit kong maging casual ang Pag sasalita ko, pinilit kong hindi maiyak at humagulgol sa harap nito at pinigilan ko ang sarili ko na yakapin ito nang nakapa higpit yakap nang isang nakakatandang kapatid na nangungulila sa yakap ng nakababatang kapatid na dating karamay mo at pinag sasabihan ng nararamdaman mo pero andun yung pag aalinlangan sa mga bagay na baka hindi nito maintindihan at baka maging sanhi Lang mas lalong pag kadurog ng puso ko.

"K-kailangan ko na kasing bumalik kasi may... May mas malaking trabaho yung inoffer ang agency namin saakin alam mo na kailangan ko nang pera. Ayoko man iwan ang pamilyang to pero kailangan e syaka hindi nyo na rin naman ako kailangan May ipapadala naman bago ang agency namin na papalit sa pwesto ko bago ko pa man tanggapin yung trabaho." Alibi ko dito. Umaasa na maniwala ito sa sinasabi ko.

Matagal na tinitigan ako nito bago nag salita " Kung yan ang disisyon mo ate pero kung May kailangan ka wag kang mahihiyang lumapit saakin, saamin ahh." Rinig ko ang lungkot mula sa mga boses nito.

Bakit napaka daya ng mundo kung kailan nagiging masaya ako at nalaman ko na yung totoo syaka naman May pipigil na tila wala akong karapatan maging masaya kasama ng mga taong lubos kong minamahal. Bakit ngayon pa? Ngayon ko Lang na kasama ulit ang anti at ang kapatid ko e.

Pigil ang luhang tumango ako dito syaka mabilis na tumalikod para maitago ko yung luhang hindi ko napigilan tumulo.

"Mamimiss kita kita." Naramdaman ko nalang yung mahigpit na yakap nito mula sa likod ko. Wala na bumigay na ako walang pag dadalawang isip na humarap ako dito at niyakap ito pabalik.

" sige na baka hinahanap ka na nila kailangan ko na kasi umalis e." Pilit ngiting Saad ko habang dahan dahan kong tinatanggal ang Pag kakayakap nito saakin. Bakas sa mukha nito ang lungkot nang makita nito ang lumuluha kong mukha.

"Sige po hindi ka na po ba mag papahatid kahit hanggang sa sakayan po?" Tanong pa nito.

"Di na andyan na din naman yung sundo ko sa taas sa May parking lot sige na kaya ko na to. Pakibigay nalang ito kay manang." Saad ko habang inaabot ang mga damit at gamit na pinahiram saakin ni manang na gamit ng apo nito nakaipit dun yung sulat ko para kay manang at Kyle bahala na si manang ang mag abot nun kapag nakita na niya yung sulat na yun.

"Sige po ate makaaasa ka po na makakarating po ito kay manang." Saad pa nito.

Gulo at puno ng sakit yung puso ko nang muli kong lingon yung resort na naging saksi ng pagmamahalan namin ni Kyle. " Friend?" Malumanay pero bakas ang lungkot sa boses ng kaibigan ko na si frey alam na kasi nito ang mga nangyari at ang Pag babalik ng memorya ko.

Umiiyak na nilingon ko ito at dahan dahan naglakad palapit dito. Nang nasa harap na nito ako ay walang Pag dadalawang isip na niyakap ko ito ng napaka higpit yakap na kanina ko pa hinahanap nag babaka sakali na bahagyang mabasan yung sakit na nararamdaman ng puso ko.

"Tahan na friend!" Pag aalo nito saakin. Mahigpit na niyakap ko nalang ito Imbis na mag salita.

"Let's go?" Maya maya ay tanong nito nang maramdaman bahagyang Kumalma na ako mula sa pag iyak. Nanghihinang tinanguan ko nalang ito ngunit bago ako pumasok sa loob ng sasakyan ngunit bago ako pumasok sa loob ay nilingon ko pang muli ang lugar kung saan minsan akong naging masaya pero nag dulot Lang din ng sakit sa puso ko.

Kyle POV

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!" Galit na galit kong Sigaw kasabay ng Pag hagis ko ng mga babasagin bagay sa kwarto ko at ang Pag suntok ko sa pader na malapit saakin. Galit ako pero hindi ko maiwasan di masaktan.

Agad akong kumuha ng mga alak sa mini ref ng kwarto ko at nilaguk ko ito lahat tila tubig ko itong ininom walang pake kung anong itsura ko o nang paligid ko basta ang nasa isip ko gusto Kong mawala yung awa ay sakit na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko yung mukha niya na tila nasasaktan. Gusto ko makalimutan ang imaheng yun nag babaka sakali na nakapag gumising ako mula sa kalasingan ay makalimutan ko ang sakit na bumakas sa napaka amo niyang mukha.

" Ano nanaman ba Yang ginagawa mo apo? Bakit ka nanaman nag papakalunod sa alak at Bakit napaka kalat ng kwarto mo?" Ilang oras na akong umiinom ng marinig ko ang boses ng lolo mula sa likod ko.

" leave me alone. Lo kahit ngayon lang pabayaan mo ako gusto ko Lang makalimot sa sakit na rararamdaman ko ngayon." Hindi ko namamalayan tumutulo na pala ang luha ko.

"Tell me anong nangyari? is it about anika? Ang tungkol sa nitong dalawa? Wag kang mag kakaila saakin dahil hindi hindi ako ganun Katanga para di makita ang kakaibang tinginan at Pag kakalapit nyo sa isa't-isa." Tila sigurado nitong tanong syaka lumapit ay pumunta sa harap ko at naupo sa harap ko. Tinignan ko Lang ito.

"Apo kita kaya alam ko." Dagdag pa nito.

"Lo, ganun ba ako kasama at kapasaway noon kaya nangyayari sa buhay ko ito? Hindi ba ako pwede na maging masaya kahit saglit Lang? Lo Bakit kung kailan tanggap ko na nawala na yung magina ko at napagtanto ko na sa sarili ko na handa na akong mag mahal ulit bigla naman May darating na ganito at puputulin yung saya na nararamdaman ko. Bakit lo?" Tulala sa kawalan na Saad ko sabay tungga sa bote ng alak na hawak ko.

"Gusto mong maging masaya pero bulag yang puso mo sa dapat makita nito. Ikinukulong mo kasi yung sarili mo dun sa pangyayaring dapat matagal mo nang kinalimutan. Patuloy kang masasaktan at hindi magiging masaya kung ikukulong mo yung sarili mo sa galit kaya apo hindi mo nakikita yung mga bagay na dapat sa umpisa palang nakita mo na. Subukan mong pakiramdaman ang puso mo hayaan mong ilahad niya sayo yung mga bagay na magpapamulat ng mga mata mo. Subukan mo na sa pagkakataong ito, hindi pakinggan ang sasabihin ng iba o ng isip mo at kung nasasaktan ka man ngayon bahagi yan ng atin buhay hindi naman sa lahat ng pagkakataon kailangan puro saya Lang kasi kung ganun? Kung hindi ka dumaan sa sakit ? Hindi ka matuto hindi mo malalaman na sa kabila ng sakit at pighati May masaya at maaliwalas na kinabuksan pala ang naghihinatay. Pakingan mo ito." Saad nito sabay tapat ng palad nito sa dibdib ko sa tapat kung nasaan ang puso ko.

"Dahil ito Lang ang magpapasaya sayo." Huling saad nito. Sa hindi ko malaman bigla nalang pumasok sa isipan ko ang mga masasayang ala-ala namin ng asawa ko at ang mga panahon kasama ko si anika.

TMP&TBK: THE MAID PRINCESS OF A BADBOY KING IS BACK [𝐶𝑂𝑀𝑃𝐿𝐸𝑇𝐸𝐷]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon