E-N-J-O-Y!!!
Naniniwala ba kayo sa End of the World? Marahil ay pagtatawanan niyo ako ngayon. Sasabihin niyong hindi naman gumuho ang mundo noong December 21, 2012 o 12/21/12.
Ganyan din ako 5 days before end of the world.
But it only took FIVE DAYS para magbago ang pananaw ko.
Yes.
Naniniwala na ako sa End of The World. It almost happened to me that day. And let me tell you a story, MY story, on how the world ended at DECEMBER 21, 2012.
~~
December 16
"Naniniwala ka ba sa end of the world?" tanong ng babaeng kanina pa ako kinukulit. Paulit ulit niya yang tinatanong sa akin mula nang makita niya ako sa gate ng school.
"Hindi. Leave me alone." Sinagot ko na ang tanong niya para matapos na ito.
Nagpunta siya sa harapan ko at nilahad ang kanyang kanang kamay.
"I'm Aya." Nakangiting sabi niya.
Aya? Tss. Lunatic na itong babaeng to. Nilagpasan ko lang siya.
Tumakbo siya sa harapan ko. Nakatalikod siya sa daanan habang naglalakad at naka harap sa akin, still with her smile.
"Ako si Aya and whether you like or not, I'll be your girlfriend until the world ends."Tinignan niya ang relo niya."That's 5 days from now. See you tomorrow Boyfie." Pagkasabi niya yan, bigla niya na lang ako hinalikan sa cheeks. -.- Akala ko sa lips yun.Tss.
DECEMBER 17
Kinabukasan, nagulat ako dahil halos lahat ng subjects ko ay kaklase ko siya. As in lahat, kahit PE kaklase ko siya. Tinanong ko ang isa kong classmate kung transferee lang ba si Aya at tinawanan ako ng gung-gong. Sabi niya last sem pa daw pala namin siya kaklase pero 2 months absent. Buti daw at pwede pa siyang pumasok. Nilalapitan ako ni Aya kung may pagkakataon pero hindi ko siya pinapansin. Utut niya kung papansinin ko siya >:D
Tapos na lahat ng klase ko ngayon kaya naman pauwi na sana ako ng may humila sa akin. Dud dug. Tinignan ko kung sino at si Aya pala.
Hinila niya ako sa parking lot. Rapist ata si Aya kasi hindi niya binibitawan ang kamay kong hawak hawak niya.
"Sky. May date tayo today, tomorrow, sa isang araw at hanggang sa matapos ang end of the world." Nakangiting sabi niya sa akin habang nagdridrive ako papunta sa amusement park.Dug dug.
Tumango na alng ako.
May sumanib ata sa aking espiritu kaya napapayag niya ako sa gusto niyang gawin.
Pinilit niya akong sumakay ng iba't ibang rides.
Nung una, ayaw ko. Pero simula nung sumakay kami sa Anchors Away, nag-enjoy na ako.
Nakakatuwa kasing pagmasdan si Aya na sigaw ng sigaw na parang wala nang bukas. Nakakatawa din siyang pagmasdan kapag nahihilo at nasusuka. Napansin kong maganda pala talaga siya.
Dug dug.
Yung buhok niya na sumasayaw sa hangin at ang mga mata niyang masaya subalit sa paningin ko'y may tinatagong lungkot.
Humagalpak ako sa tawa pagkababa namin sa Roller Coaster kasi si Aya---Hilong hilo na siya to the point na gewang gewang na siya maglakad. HAHAHAHA
Nang mahimasmasan na siya, inaya niya na akong umuwi. Wala naman akong magawa dahil pera niya ang ginastos dito.
Bago ako matulog, narealize kong, ngayon lang ako naging ganito kasaya. And for the first time in my life, I felt excited to wake up.