Eto ako ngayon loner. Naiilang ako mag-approach sa mga lalaking katabi ko, masabihan pa akong malandi. Ganun naman yun usually diba? Pano ba ako minalas ng ganito at nagyon pa di gumana ang friendliness ko. Given na, na mukhang mataray at maldita ako kaya di ako nilalapitan. Eh Di ko naman kasalanan ang baging genetic make-up ko a. Wow! May natutunan sa Biology? J
Since nag introduce na kami kahapon medyo kilala ko yung iba pero nag-oobserve padin ako. Let me, tell you about my seatmates.
Sa kaliwa si Jun Castro. Medyo kasing tangkad ko lang. Maputi to, tapos Quite type, bihira makipagsocialize. Nakareading glasses at nagbabasa ng libro ngayon. I wonder anung novel ang binabasa nya. Woah. And to my surprise, hindi sya novel nor pocket book. “Fundamentals of Geometry”ang tittle ng academic book na binabasa nya. Pahiya ako onti dun ah. Subsob agad sa pag-aaral, ni hindi pa nga kami pinupuntahan ng Geom eacher namin. Napag-alaman ko na talagang studious sya. Hindi naman mukhang geek or anything medyo cute nga sya e. Kasali lagi daw sa Top5 . Okay Bestfriend ko na to pag math! Alam na ah.HAHA
Sa Kanan naman si Ethan Savior Reyes. Opposite ni Jun to. Kung anong kinatahimik ni Jun, eto naman ang kinaingay nya ng bongga. Sobrang daldal at kulet. Eh sana ginagamit nya yung kadaldalan nya para daldalin ako ng may silbi naman to. May pagkamayabang din to, onti nga lang, or nasa nature na talaga ng mga lalaki ang pagiging ma-ere. Obviously sikat to. Madaming nagkakagustio sa kanya. MVP ng swimming team and musician din. Kahit malandi ako, hindi ko siya type. Wala talaga. Natatawa talaga ako kapag vacant, nakikita ko sya tas lagi syang kinakawayan ng mga babae at siya kinikindatan nya. Aba! Mas malandi pa sakin.
Ang tagal dumating ng teacher naming, kaya nagsidaldalan na naman lahat. Di naman ako makapagdaldal kasi baka dumating any minute yun. I’m so bored. High School ba talaga to? Bakit hinbdi ako nag-eenjoy. Sasabog na ako sa aura ng mga katabi ko. Isang aura ng katalinuhan, yung isa naman aura ng kayabangan. Tas eto si Jun, Iba na ang binabasa Physics naman. Ayaw talaga paawat. Mababaliw din to balang araw promise.
Sinubsob ko nalang pagmumukha ko sa desk. Mukhang hindi na dadating yung teacher. Kaso masakit sa braso at nakakangalay ng ganun posisyon kaya umangat ako at nagpangalumbaba nalang. Nagisip isip…
Nasan na kaya siya? Sa mga oras na to naiisip ba nya ako, tulad ng pa-iisip ko sa kanya? Bumalik ka na naman oh. Naiinip na ko. I’m not good at waiting kasi but even so, you are still worth waiting for Yoj-…
“Uy, mapanis laway mo ^0^”
Ha???? At sinong hampaslupa ang umistorbo sa pagmumuni-muni ko? HAHA Joke, wow may kumausap sakin.! Himala. Pero.. Yey! Finally. Paglingon ko sa direksyon ng nagsalita, nakita ko lang sya nakangiti sakin. Si Mr. Right. I mean lalaki sa kanan ko. Si Ethan.
Hindi agad ako nakaresponse sa kanya verbally. Ewan ko ba kung anong sasabihin ko?
“Oh? Ayaw mo talaga magsalita? (o-o)? Ahm sige tatakpan ko naman ilong ko para makapagsalita ka naman.”
At ginawa naman nya. Imbis na mainsulto , natawa na lang ako.
“AHAHA :D LOL. Mabango po ang hininga ko, Kiss mo pa ko. Kidding!” (^O^)
“HAHAHA. Makulit ka pala akla ko ko emo ka jan sa tabi – tabi.” Hay nako, super daldal, hyper ar kulit ko kaya. Just get to know me more. “ Ethan Reyes po!”
“ I know. Jessie Rafael. At sino ba namn ang hindi makakakilala sayo. KAsi nung nagsimula kang magsalita humangin e. HAHA” Wow Comfortable agad ako sa kanya. New Frienddd! Yey \(^_^)/
BINABASA MO ANG
The Game We Play
RomanceIt was just a prank. Both of them knew na pawang walang katotohanan yun. For fun lang para may thrill ang dull na buhay ng isang teenager. But I never in a million chances would though that between those stupid jokes and lies, falling in love become...