KABANATA V

101 16 0
                                    

MAKIKITA sa silid ang iba't ibang kulay na nagliliwanag na aura ng bawat isang 3 Star Adventurer. Mapapansin ang maharlikang aura na tinataglay ni Lord Cael na kulay kahel at Lady Moonra na kulay abo habang sinusundan ng pino't purong enerhiya ng Reyna na kulay pula na may malamlam na berde, Lord Aster na kulay itim at Lady Esther na kulay puti, habang makapal ang tinataglay na enerhiya ni Lord Lupin na kulay pilak at tahimik naman ang enerhiyang tinataglay ni Lady Violet na kulay lila, Lady Azalea na may malamlam na kulay na hinaluan kakaibang kinang at Lord Basil na kulay kayumanggi.


Hindi naman naapektuhan ang mga 1 Star Adventurer ng nakakalat na aura dahil hindi naman sila nito direktang pinupuntirya at payapa naman ang daloy ng lahat ng ito. Paghanga ang tanging makikita sa mata ng mga 1 Star Adventurer na saksi ng mga nangyayari.


Isa-isang nagsulputan ang mga bagong adventurer sa kama, ito ay umabot sa labing pito at kung idadagdag ang dalawang nauna ay nasa labing siyam na ang lahat ng bagong adventurer. Naagaw ang atensyon ng bawat isang naroroon ng isang batang babae ng tumayo ito mula sa higaan at lumapit sa pwesto kung nasaan ang Reyna. Nalaman agad ng bata na ito ang Reyna dahil sa suot nitong korona.


"Magandang araw po mahal na Reyna!" wika nito at bahagyang yumukod


"Magandang araw din sayo binibining?" balik na bati ng Reyna kasabay ng pagtatanong nto ng pangalan


"Alyssa po!" pakilala ni Aly


"Ano ang iyong kailangan binibini?" tanong muli ng Reyna


"Hindi po ba kayo ang may kailangan sa akin— ay sa amin pala?" kunwari ay tanong nito sa Reyna


"Pero may nais po talaga akong malaman, may nauna po ba sa akin na batang payat? Ganito po siya kataas, Seth po ang ngalan niya" dugtong ni Alyssa at minwestra pa ang kamay niya kung gaano kataas si Seth


Ngunit nagulat ang lahat ng wala silang marinig sa pagbuka ng bibig nito at tanging sina Cael, Moonra at Reyna lang ang nakarinig na hindi agad napansin ng tatlo. Agad na hinawakan ni Lupin ang balikat ni Cael at bulong na tinanong kung ano ang sinabi ng bata na siyang ikina-gulat ni Cael. Mabilis na pinasok ni Cael ang isip ni Lupin at sinabi dito ang tanong ni Alyssa na tinanguan naman ni Lupin.


Sunod na pinasok ni Cael ang isipan ni Alyssa ngunit tila may nagtulak sa kanya palayo para mapasok ang isip nito kaya't pinasok ni Cael ang isipan ng Reyna at sinabing 'Mahal na Reyna! Kaduda-duda, tinanong ako ni Lord Lupin kung ano ang sinabi ni Alyssa dahil hindi raw nito narinig at mukhang tatlo lang tayong nakarinig, ikaw, ako at si Lady Moonra. Sinubukan ko rin na pasukin ang isip niya ngunit may pumipigil sa akin palabas. Mas mainam sigurong hindi muna natin sabihin sa kanya ang tungkol kay Seth!' na sinang ayunan ng Reyna sa kanyang isipan.


"Ipagpatawad mo binibini ngunit wala pang dumarating na bata ayon sa paglalarawan mo" pagsisinungaling ng Reyna


"Maraming salamat po!" malungkot na tugon ni Alyssa at bumalik na sa kanyang kama at naupo


Ang Mind Reading at Telepathy ay isa sa natural na kakayahan ng mga hinirang o mga piniling adventurer.


Hunter HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon