Dahil sobra sobra ko na siyang miss inopen ko yung Send Letter Later app ko.
(Sabi dito marereceive daw ng recipient yung letter after 5 years.)Nagsimula na akong magtype ng letter kay Niks.
***
Dear Nicole,
Hindi ko alam na ikaw pala yung inspiration ko hanggang mawala ka.
Ni hindi ko alam na mahal pala talaga kita hanggang sa umalis ka.
Ang duwag ko talaga.
Duwag ako dahil hindi ko sinabi sayo.
Alam mo ba kung bakit hindi ko sinabi?
Syempre hindi mo alam. Ano ba naman to?! Corny ko talaga. Pero ito seryoso na.
Kasi takot ako. Takot ako sa magiging reaksyon mo. Takot ako na kapag sinabi ko sayo tong nararamdaman ko ay lumayo ka sakin.
Alam mo ba na halos ng mga kaibigan natin na alam na mahal kita.
Syempre hindi mo na naman alam.
Kasi Manhid ka. Hayyy.. bakit ba ang manhid mo?
Well, may kasalanan din naman ako.
Kasi hindi ko sinabi sayo.
Ni hindi ko nga maamin sa sarili ko na mahal kita. Sabihin pa kaya?!
Kasi nga ako si Torpe at ikaw si manhid.
Ang ganda ng combination no'?
Pero ngayon... Wala na akong magawa.
Hindi na kasi mababago nitong mail na ito yung fact na hindi na magiging tayo.
Na may kasama ka nang iba.
Na may mahal ka nang iba.
Maniwala ka sa hindi.
Masaya ako. Masaya ako kasi masaya ka na.
Pero syempre. Hindi ko makakalimutan kung masasaya nating memories.
Yung jamming natin.
Yung kwentuhan natin.
To sum it up, Yung mga oras na kasama pa kita.
Pero paano ako makakamove on kung kahit saan ako lumingon ikaw ang nakikita ko?
Pero paano rin ako magmomove on kung hindi naman naging tayo.
Ang saklap naman ng buhay ko.
Pag nabasa mo ito. Pwedeng naka move on nako. Pwedeng hindi pa.
Tingin mo kaya after 5 years.. mahal pa rin kita? Ako? Hindi ko alam.
Oh siya. Hanggang dito nalang Niks.
Ingat ka lagi.
- Jacob :)
Are you sure you want to send this letter after 5 years?
Yes?
No?And then I clicked Yes.
Hindi ko alam kung anong mangyayari after niyang mabasa to...
BINABASA MO ANG
A Letter for Her (Part 1)
Teen FictionA letter from a boy dedicated to the girl he loves.