#ElpízoPhotoPrompt7: Yin and Yang
Sa mundong ating ginagalawan,
May dalawa ka lamang na puwedeng pagpilian.
Mananatili ka ba sa dilim
na iyong kinalugmukan,
O mas pipiliin mong iahon ang iyong sarili
at harapin ang bawat araw ng may pag-asa?Sinasabi sa Banal na Kasulatan
Na ang kamatayan ay dapat na ituring na tagumpay.
Ngunit saglit lamang...
Maaari lamang na maging tagumpay ang kamatayan,
Matapos mong isuko ang iyong buhay kay Hesus habang nabubuhay ka pa.
Kapay iyong tinanggap si Hesus sa iyong buhay
bilang Diyos at Tagapagligtas,
Ikaw ay nabibilang na sa Kanyang kaharian.Kaibigan...ngayon na ang tamang panahon upang pumili sa magiging destinasyon mo pagkatapos ng buhay mo sa mundong ito.
Hindi bukas,
Hindi sa susunod na araw, buwan at taon.
Kundi...ngayon na.
Walang silbi ang iyong mga mabuting gawa
Kung Wala si Hesus sa iyong puso at buhay.
Ang pagsuko mo ng iyong buhay sa Kanya
ay hindi nangangahulugan ng pagkatalo.
Ito ay isang napakalaking tagumpay
At lahat ng mga anghel sa langit ay
aawit at magdidiwang dahil sa labis na kagalakan
Sapagkat ikaw ay bumalik na sa piling Niya.Hindi Niya ipinangako na magiging madali ang lahat matapos mo Siyang tanggapin sa iyong buhay.
Makakaranas ka ng mas maraming pagsubok,
Hindi dahil gusto ka Niyang pahirapan at saktan,
Ngunit hinahayaan Niya na mangyari ang mga ito
Upang mas maging matatag ka sa iyong pananampalataya at paglilingkod sa Kanya.
Ngunit ipinangako Niya na kailanman ay
Hindi ka Niya iiwan,
Sasamahan ka Niya sa iyong mga laban.
Hindi ka na mag-iisa.
Kaya't tanggapin mo na Siya sa iyong puso at buhay bilang Diyos at Tagapagligtas.
Habang may oras pa...
Ngayon na!
YOU ARE READING
Elpízo: Photo Prompts
SpiritualA collection of my Elpízo photo prompt entries for BCC Writers Convention.