Chapter 3 - Friendship

46 4 4
                                    

Naka-uwi na kami ng apartment ni sis. Dumiretso agad ako sa kwarto ko at nahiga. Napabangon agad ako nung maalala ko ang madalas sabihin sakin ni lola 'Magbihis ka muna ng pang-bahay bago ka gumawa ng kahit ano.' Oo nga pala. Tss. Mahirap daw kasi maglaba at mamalantsa kaya dapat daw ay hindi nilulukot ang uniform at pang-lakad na damit.

Naka-relate na ako sa sinasabi na yun ni nanay simula nung sa apartment na kami tumira ni sis. Kailangan daw kasi namin maging independent kaya ito at pinagsarili na nila kami. Parehas daw kasi kaming ubod ng tamad. Reality hurts! You know.

"Kain na tayo sis!" Sigaw ni sis sa pintuan ng kwarto ko.

"Teka. Magbibihis lang ako."

"Argh! Ngayon ka palang magbibihis sis?! Ang bagal mo. Gutom na gutom nako. Jusme!" Obvious nga sis. Tss.

*

"Nakaka-suya ang pancit canton sis. Ba't ito lang niluto mo?" Tanong ko kay sis habang kumakain kami dito sa dining room ng apartment.

"Aabutin tayo ng siyam-siyam kung ikaw pa magluluto ng ulam sis. Ubod ka pa naman ng kupad." Sagot niya habang ngumunguya pa. Manners please! Tss.

"Nagsalita ang mabilis." Pang-aasar ko. Pinagpatuloy ko nadin ang pagkain kahit na parang umuurong na ang sikmura ko. Pano ba naman eh, inuulam namin yung canton ngayon. Mas masarap kasi 'to pag walang kanin. Nakakaasar lang si sis na naglagay ng kanin sa plato ko. Tsk.

Natawa ako nung may naalala ako bigla.

"Ba't ka tumatawa? Nakakatakot na yan sis ha!"

Naalala ko kasi nung unang beses magluto si sis dito sa apartment. Pritong bangus daw ang gusto niya eh ayaw ko ng bangus. Kaya nagprisinta siya na siya nalang daw ang magluluto dahil yun daw ang gusto niya. Nag-long-sleeves, gloves at maskara ang loka kaya tawa ako ng tawa nung nagluluto na siya. Plus nasunog pa yung bangus dahil tinakpan niya yung kawali ng matagal para daw hindi siya maalansikan ng mantika kaya mas naging funny-funny ang araw na yun. At oo.. Nauwi na naman sa instant food ang kinain namin nun dahil hindi na halos mapakinabangan yung over-toasted niyang bangus.

"Wala. May naalala lang hahaha."

"Baliw. Kumain ka na nga lang sis."

Two years palang halos kaming mag-bestfriends ni sis pero ewan ko at sobrang lapit na ng loob ko sakanya. Parang may something kasi na kami lang ang nakakaintindi tuwing magkasama kami na hindi namin maipaliwanag. Parang may kung anong spark sa friendship namin na kakaiba talaga. Ganun din naman daw siya sakin. Sabi pa nga niya, baka daw kambal kami na nagkahiwalay sa ospital. Binatukan kolang siya nun dahil May 2000 ang birthday ko at August 1999 ang birthday niya tapos binatukan niya din ako ng mas malakas dahil hindi ko daw agad na-gets na joke-kunno daw yun. Oh diba? Kambal nga kami. Tss.

So ito, ikekwento ko na talaga ang story naming mag-sis.

Naging magkaklase kami nung grade-8. Yeah, blame K-12 dahil inabutan kami nun. Kami ang first batch ng K-12. Asar lang! So, ito na talaga. Haha. Magkaklase kami nung grade-8 tapos parehas ang impression namin sa isa't isa.. Masungit. Hindi rin namin ini-expect na magiging close kami ng ganito. Siguro nga ay dahil doon sa 'spark' na yun. Madalas nadin kaming magpunta sa bahay ng isa't isa, kaya nung May 16, 2014 eh napag-usapan ng parents namin na pagsamahin nalang kami sa isang bahay. Malaki naman daw ang tiwala nila samin na hindi kami maguuwi ng boylalu sa apartment namin. Kinilabutan naman ako dun. Tsk! Lalaki sa apartment namin? Holy cheese!

*

One word. Late!

Nagtutulakan kami ni sis na pumasok sa room. 7:30am na kasi.

At syempre nandoon na si sir sa harap at nagbobotohan sila ng class officer.

Si Enxa yung napiling president namin. Siya yung hyper naming classmate. Hindi na ata nauubusan ng energy sa katawan ang isang yun.

"Class, kopyahin niyo yung class officers sa history notebook niyo." Sabi ni sir.

Sumunod naman kami at nagsulat na...

President: Enxa
Vice President: Nefertina
Secretaries: Jamille & Fhevie
Buss. Managers: Reenalyn, Princess & Vanessa

Peace officers: Vincent & Lyca

Muses: Daphne & KC
Escorts: Victor & Daryl

*

Natapos yung klase namin at napagpasyahan namin ni sis na lumibot muna sa SM. As usual nag-girl date kami.. Punta sa Department store, Broadway Gems, Supermarket, at kain sa Jollibee.

Gabi na kami naka-uwi sa apartment.. Pagod, kaya maaga kaming nakatulog.

At ganoon namin natapos ang araw na'to. Together.

To be continued...

DON'T COPY.
DON'T STEAL.
DON'T PLAGIARIZE.

                       ©queenmaze

All rights reserved 2016

The Gifted 9-MahoganyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon