Chapter 41
Meili's Pov
"As if I'll surrender myself!" I said at mukhang nabigla pa ang hari sa sunod na nangyari.
*Zzzbang*
*Splash*
*Crash*
Umatake ang mga kaibigan ko gamit ang kanilang mga kapangyarihan pero nakaiwas ang hari sa lahat ng atake na ginawa nila.
Nagtabi-tabi kaming magkakaibigan at magkakasama naming hinarap ang hari na nakangisi. "An ambush huh? Very well then"
*Swooosh*
Hindi kami nakapaghanda sa biglaang atake niya kaya't lahat kami ay natumba nang gamitan niya kami ng kanyang kapangyarihan.
"Takte! Hangin ba ang kapangyarihan niya?" tanong ni Kristine.
Tatakbo na sana palapit sa amin ang mga lalaki nang gumamit na naman ang hari ng mahika at naglagay siya ng harang.
"Ano to?" hinawakan ni Karma ang shield o harang na ginawa ng hari at.. "Ahh!" napadaing sa sakit si Karma nang makaramdam siya ng pangunguryente.
"Karma!" Nag-aalalang pagtawag ni Angelica.
"Wag na kayo lumapit" seryosong sabi ko at nagsipagtayun naman na kami.
"Hari! Tanggalin mo ang harang na ito!" sigaw ni Riguel.
"Don't worry. We can handle ourselves" seryosong sabi ni Alyssa.
I clenched my fist as I felt my power flowing into my arms.
"Oh dear, my dear Meili is angry. But that doesn't scare me" nakangising sabi ng hari at itinaas pa niya ang kanyang palad sa langit.
Kasabay rin nito ang pagkaroon ng kidlat, na siyang kinagulat namin.
"What the hell?!" gulat na sabi naming lahat.
"Ano ba talaga ang kapangyarihan ng hari?!" tanong ni Rica sa kanyang sarili.
Napatawa naman ang hari. Siguro narinig niya ang sinabi ni Rica? Pero ang layo-layo na namin sa kanya!
"Its either, he can do anything, or his powers are to copy" sabi ni Kristine.
"Copy or not, whatever! Knowing his powers isn't our goal! It's to defeat him!" Sabi ni Angelica na kaagad ginamit ang kapangyarihan niyang kidlat at pinaulanan niya nito ang hari.
"Great skills! Pero hindi ito ang makakatalo sa akin!" sabi pa ng hari at gumawa siya ng shield.
"Argh!" inis na sabi ni Ange.
Tumingin kaming lima sa isa't isa at tumango ng isang beses. Pagkatapos ay Sabay-sabay kaming tumakbo papalapit sa hari at sabay-sabay rin namin siyang pinaulanan ng aming mga kapangyarihan.
Tumawa lang ang hari na parang demonyo at walang ng ibang ginawa.
Nang malapit na malapit na talaga kami ay biglang umilaw ang kanyang katawan at nagkaroon ng malakas na sa pagsabog, kaya't napalipad na naman kami at tumama sa lupa.
Kasabay rin non ay ang pagpapaulan rin ng kaparehang kapangyarihan namin.
Sa akin ay fire balls, kay Kristine ay air blades, kay Alyssa ay water blades, kay Rica ay matatalim na sticks at mga bato, at kay Angelica naman ay kidlat.
Hindi kaagad kami nakabangon pero naka-iwas naman kami...
Pero.....
"Arrgh!"
BINABASA MO ANG
Summer Nightmare
AdventureA reality turned into a fantasy among these 5 girls that happened during summer. They were friends in reality, and they have this strong bond with each other. Until one day, they met an accident, and was summoned to a fantasy world. For they have a...