Rurok

222 5 0
                                    

Diresto mula sa bote, tinungga ni Miguel ang Captain Morgan Rhum.

Wala sa hitsura niya ang pagiging lasenggo. Sa kanyang suot na mamahaling grey long sleeves shirt, sa relo, sa matikas na pangangatawan, malalaman mong disente siyang tao. In fact, wala siyang bisyo. Maliban lamang sa gabing ito.

"Boss, easy lang," awat ni Randy, ang best friend at kaopisina ni Miguel. "Mahal 'yan."

Parang walang narinig si Miguel. Tuloy lang s'ya sa paglagok.

Kita sa mukha ni Randy ang pagkahinayang sa bawat sablay ng alak sa bibig ng kaibigan.

Nang halos mangalahati'y saka pa lang ibinaba ni Miguel ang bote. Mapapa dighay ito.

Nakahinga ng maluwag si Randy. "Just so you know, Php750 'yang tinungga mo."

"Ok lang. Libre mo naman," bago kunin ang lata ng coke as chaser.

Mapapamaang si Randy. "Nakakahiya naman kung ako. Boss kaya kita."

"Not anymore."

Mapapasimangot si Randy. Kakamot pa ito sa ulo, "Tangina, Boss. Seryoso ka d'yan sa pag-a-AWOL?"

"E tangina rin 'yang si Delarente kung seryoso s'ya sa pag-promote sa anak n'ya."

"Una-una lang 'yan, Boss. Di ba sabi naman, you're next in line."

Sasandal si Miguel sa couch. Ngayon pa lang niya naramdaman ang guhit ng tinunggang alak, "Next in line their ass. 3 Months ago lang pumasok sa opisina 'yang anak n'ya--right after graduation. And he expects me to get instructions from that kid?"

"E baby face ka naman. O, mas bata ang baby kesa sa kid, Boss ha. Lamang ka pa rin."

Kinuha ni Miguel ang takip ng alak at saka binato kay Randy, "Ginagago mo ko e palibhasa alam mong di na kita subordinate."

"The point is, eventually, mare-realize din ni Mr. Delarente na it was a wrong decision to make his son as the General Manager."

"I'm sorry pero may self-realization din ako. I have realized na ang bobo ko for sticking it out with your company-"

"OUR company!"

"That FUCKING company!"

"Fine. OUR fucking company."

Magha-high five ang dalawa. Ganoon sila kapag may pinagkakasunduang bagay, trabaho man or personal.

"Putik, pare, for the last 5 years wala akong ginawa kundi mag-strategize paano mapapataas ang margin ng mga pharmaceutical supplies na 'yan. And then what?"

"Tingnan natin ano magagawa ng isang bata."

"Hindi ko papanooring masira ang pinaghirapan ko. Tatalon na ako bago pa lumubog ang barko."

"Sayang ang sweldo. Lalo ka, six digits na. Kumpanya naman nila ang nalulugi. Tayo, we can transfer anytime."

"Iyon na nga e. Kahit anong effort ang ibigay mo, sa bandang huli empleyado lang tayo. Kaya nilang paglaruan ang kahit ano, hindi lang ang kanilang kapital. Maging tayo."

Walang nasabi si Randy. Napatahimik s'ya.

Nasa isang bar tayo sa Malugay, Makati.

Maingay ang paligid: Ang mga halakhakan sa kabilang table habang nagpi-picture gamit ang monopod. Ang pagsigaw ng mga waiter sa kitchen attendant dahil hindi na nilang magawang tawirin pa ang kinaroroon nito upang i-follow up ang orders dahil sa dami ng parukyano. Ang rock band sa stage na bumabanat ng 'Soul to Squeeze'.

...Where I go I just don't know 

I've got to got to gotta take it slow 

When I find my peace of mind 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MasikipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon