Prologue

4 0 0
                                    


Tahimik na tinutungo ni Lucas ang daan papalabas ng kanilang eskwelahan.Wari mo'y tinabunan siya ng langit at lupa.Lungkot,pagkadismaya at galit ang kanyang nararamdaman.Wala syang ibang naririnig blangko na ang kanyang pag iisip dahil sa kanyang mga nasaksihan.Unti unting pumapatak ang ulan galing sa madilim na kalangitan.Kasabay ng pagpatak ng luha sa kanyang mga mata."Bakit?.Bakit sya pa?!."At tuluyan na ngang bumagsak ang mabigat na buhos ng ulan.Kasabay nito ang pagtakbo ng mga estudyante.Upang makaiwas sa ulan.Ngunit nanatiling nakatayo sa ulanan si Lucas.Sumabay ang buhos ng ulan sa pagbuhos ng kanyang mga luha."Hindi pa ba sapat ang lahat ng pagmamahal na binigay ko sayo?.Bakit mo ginawa sakin to?."Napa-upo na lamang siya sa daan.Idinaan sa pag iyak ni Lucas ang bigat na kanyang nararamdaman di na nya ininda ang mga nakatinging tao sa paligid nya.Wala sa mga ito ang nais na lapitan sya.Maliban sa isang tao na unti unting lumalapit sa kanya bitbit ang isang payong.

"Ok ka lang?".Ngunit hindi niya pinansin ito.Magulo ang kanyang isipan.Ngunit di nagpatinag ang taong nakatayo sa harapan niya.Binuksan nito ang payong  at itinapat sa kanyang basang basang katawan.Sa di kalayuan ay maririnig ang sigaw ng isa pang lalaki."Sun tara na!".Iminulat niya ang kanyang mga mata.Malabo ang kanyang naaninag dahil sa lakas ng ulan.Maliban sa kumikinang na kwintas sa leeg ng lalaki.Araw,Korteng araw ang hugis nito."Pasensya ka na nagmamadali kami.Ito payong baka magkasakit ka".At tumakbo na ito paalis.Hindi man lang nya nakita ang itsura nito.

Kinapitan ni Lucas ang payong at tumayo.Nakita nya ang mga nagtatawanang mga estudyante sa paligid.Nagpapalitan ng mga kuro-kuro.Unti unti nyang hinakbang ang kanyang mga paa.At tinungo ang daan palayo sa eskwelahan.Masasabing wala na siya sa sarili dahil di nya man lang naririnig ang mga busina ng sasakyan na muntik at malapit ng makabundol sa kanya.Ang pagbanga niya at pagbanga ng mga tao nakakasalubong niya.Hindi man lang siya sa tumitingin sa dinadaan.Sa kanyang paglalakad  napukaw ang kanyang atensyon sa isang palawit na nasa payong.Isang kahoy na korteng araw.At sa gitna nito ay may isang pangalan na nakaukit.Tiningnan niya ito."SUN?" sambit niya.

MY PROMDI BOYWhere stories live. Discover now