"Halaaaa Pre, nakita mo 'yon? Grabe ang ganda ay mali mali isang NAPAKAGANDANG DILAG..." ha? anu daw?
"OMG she's so fetch and pretty perfect, huhuhu sana ganyan din ako..."
Ilan lamang yan sa mga sinasabi ng mga tao, kahit hindi ko sila binibigyan ng pansin hindi ko parin maiwasang marinig ang mga usap-usapan nila sa akin. Hays! Wala naman akong magagawa dahil sanay na akong pinag-uusapan dahil sa itsura ko mapamay make-up man or wala. Hindi ako mayabang o ano nagsasabi lang ako ng totoo.
Habang naglalakad ako patungong sakayan, papara na sana akong Taxi ng may sumitsit sa akin. Haynakooo, masyado silang nagpapadala sa pansamantalang make-up na nagtatago sa tunay kong itsura.
"Hi Miss, Can I have your number? Malayo ka palang nabighani na ako sa taglay mong kagandahan." Luh ang korni ni Kuya sa part na 'yon HAHAHAHA pero unfairness cute sya pero sorry hindi ko bibigay number ko noh. Ano sya chicks paglaki manok? Charot HAHAHAHAHHA
"Ah hehe s-sorry kuya, malelate na po kasi ako eh." Hindi ako nagdadahilan para umiwas ah, pero parang ganon na nga pero kasi totoong malelate na ako. Hayyyy buhay ilang tao na nanghihingi ng number ko jusme naman.
Halaaaaa shemerlu kakakwento ko 'di ko napansin na nasa tapat na pala ako ng school namin.
'DAEHAN UNIVERSITY'
"Huy sis dito, dito tayo daliiiii" itong kaibigan kong si Savannah kahit bandaldal napakaganda padin. Psh! SANAOL maganda diba kahit walang make-up. Charot lang syempre dahil tanggap ko ang itsura ko noh.
"Alam mo ba Ysabella Charlotte Garcia--
"Hoyyy ano kaba tila ka naman abnoy eh, kailangan i-broadcast talaga pangalan ko. Hindi kita pansinin dyan eh bahala ka!! Charot HAHAHA wag mo kasi i-fullname te anuena?" parang abno kasi may nickname naman ako kung bakit kailangan pang kumpletuhin pati nakikinig naman ako sa kanya 'di naman ako bingi pashnea HAHAHAH
"Ganon talaga mang-asar HAHAHA so ito na nga ghorL yung picture mo na pinost sa Instagram ay madaming reacts halaaaaa ayiieeee~ Hindi ako makapaniwalang daming may gusto sa 'yo" nyek! Madami daw eh, hindi naman kasi nila alam totoo kong itsura sa likod ng make-up na ito. Pero masaya pala maging maganda kahit minsan, pero there's this feeling na malungkot padin kasi mahal at pinapansin ka lang ng tao kapag maganda ka HAYS :((
habang tinititigan ko yung picture na inupload ko biglang may nag pop-up na message.
"Let's have some dinner pls..." Pagkabasa ko ay pinabasa ko din kay Sav yung message na yun.
"Ano ba naman yan ghorL, ang creepy nya ah palagi kang inaaya na kumain sa labas eh di naman natin ka-close yan HAHAHAHA" siraulo talaga. Hindi ko alam kung paano lulusutan itong nilalang na 'to, pero siguro siputin nalang namin para manahimik na baka ma depressed eh HAHAHAHA huy joke lang.
"Ikaw Ysa 'di ka nagrereply sa mga messages ko sayo" lasing na ata 'to tsk.
"Ano pa bang problema mo eh buti nga sinipot ka namin ni Ysabella. Ang arte mo pa dyan, hindi ka naman boyfriend ng kaibigan ko. Malasing ka sanang nilalang ka. TSK!!!" apaka abnormal ng kaibigan kong si Savannah sa totoo lang.
"Alam mo umuwi na tayo, kasi lasing ka na" sabi ko sa lalaking kaharap namin ni Sav
potekkkk biglang tumabi eh amoy alak naman jusko Lord huhu save meeeee
"Alam mo din bang mas nalalasing ako kapag katabi kita?" anak ng tupa naman oh. So okay, ofcourse BEING PRETTY ISN'T ALWAYS NECESSARILY A GOOD THING.
Alam ko namang maganda ako, hindi sa mukha kundi sa puso pero mas focus ang mga tao sa outward appearance, kaya parang nasanay nadin ako sa compliments nila, But I don't exactly hate people complimenting me either.
"Andito na po ako" sigaw ko pagka uwi sa bahay, hay jusme nakakapagod ang araw na ito. Antok na antok na ako pero kailangan kong maligo.
Alam nyo bang "BEING ME IT'S PRETTY SWEET AND COOL, BUT NOT UNTIL NA MATANGGAL MAKE-UP SA MUKHA KO :((
Hello There People, Ako si Ysabella Charlotte Garcia, 21 years old. A college student na nag-iiwan ng kasabihang...
"TO BE BEAUTIFUL means TO BE YOURSELF❤️"
HAVE A GREAT DAY PEOLE, LOVELOTS☺️
BINABASA MO ANG
Just Be Yourself
Teen FictionAng kagandahan ay hindi tungkol sa pagkakaroon ng isang magandang mukha. Ito ay tungkol sa pagkakaroon ng isang magandang kaisipan, isang magandang puso, at higit sa lahat isang magandang kaluluwa.